Chapter Thirty One

650 29 4
                                    


Pag nagmahal ka...tatanggapin mo ang lahat sa kanya....as in lahat lahat....Hindi man katanggap tangap sa mata ng iba...pero mahahanap mo sa puso mo na baliwalain ang sinasabi nila at harapin ang sinasabi ng puso mo...
- Ichang2189

Bea's POV

Magkasama kami ni Barbie kagabe....May group study kami sana kasama si Gabbi..pero kinailangan namin na tawagan si Gabbi para icancel yun kasi tumawag si Miguel at humihingi ng tulong dahil kay Jake na lasing na lasing sa Bar at ayaw daw umuwi...

Kita ko ang pag aalala sa mukha ng bestfriend ko at para sabihin ko sa inyo..medyo guilty ako...kasi i know...partly..ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Jake....He was such as mess nung nakita namin siya sa Bar....Naiinis man si Barbie pero wala naman din siyang choice kasi..siya lang ang kasama ni Jake e...wala na sa Pilipinas ang parents nila kasi nga gawa ng negosyo...

Grabe si Jake...as in...hindi na siya halos makalakad sa sobrang kalasingan...kaya pinagtulungan siya nina Kuya Alden at Miguel...hanggang sa makarating kami sa bahay nila...

Si Kuya niyaya si Miguel sa botika kasi bibili daw sila ng gamot para sa hang over....Si Barbie naman....ayun...bumaba saglit kukuha daw siya ng bimpo saka tubig para mahimasmasan ang lasenggo na kapatid niya...

Alanganin man pero tumango na din ako..wala naman akong choice...saka isa pa...wala naman ding problema..tulog naman tong si Jake...kaya sasamahan ko lang....

Tahimik ako na nakaupo sa may couch habang magkatxt kami ni Gabbi nung narinig ko na umungol si Jake..kaya lumapit ako..kasi medyo nagalaw siya e..baka mahulog pa sa kama...

Akala ko nagkakariringgan lang ako...pero nagsasalita pala siya..at tinatawag niya pala ako talaga....kaya lumapit ako sa kanya para mawatasan ko ang sinasabi niya...

Jake: B....Mahal na mahal kita...B....sakin ka na lang ulit...Mahal na mahal kita...B....Baby ko..

*parang may humaplos sa puso ko nung narinig ko ang sinasabi niya...ang tagal ko din kasing hindi narinig yun...lasing siya...oo..pero naiisip ko kasi yung sinasabi ng iba..na pag lasing ang tao dun lang siya may lakas ng loob na sabihin ang totong saloobin niya...

Ewan ko..pero ramdam ko ang pamilyar na tibok ng puso ko..nung narinig ko ang sinabi niya...Yung endearment niya sakin nun 'B'...pero madalas..pag nag rereview kami noon...tapos kinukurot niya ang pisngi ko..lagi niyang sinasabi yung "ang cute talagang mag blush ng baby ko.."o kaya naman.."ang galing talaga ng baby ko" pag nalalaman niya na perfect ako sa exams...nakakatuwa lang isipin na ang tagal kong pilit kinalimutan...pero heto at tila ganun ganun lang kadaling bumalik ang mga yun sa aking isipan...

Ramdam ko ang pag iinit ng sulok ng aking mga mata...tanda na papatak na ang luha ko.....pipigilan ko pa sana e...kaso...bigla kong nakita na lumuluha na pala si Jake....Parang dun nabasag at natibag ang pader na pinalibot ko sa puso ko...siya pa din pala talaga ang makakapag paramdam sakin ng ganito...na sa simpleng bagay lang...mapapatibok niya ng matindi ang puso ko..at mabubura ang lahat ng sakit na naramdaman ko noon....siya pa din pala talaga ang makaka gamot sa sugat ng nakaraan na naiwan sakin...

I gently put my hand on his face and wiped his tears away...habang tumutulo din ang luha ko....

Bea: Hindi mo naman kailangang gawin sa sarili mo yan "J" ikaw pa din naman e....Mahal na mahal din kita "Jake Ko"....mahal na mahal pa din kita...patunayan mo lang sakin na hindi na ako dapat matakot...at ipakita mo sakin ang worth at importance ko sa buhay mo...sapat na....Pero wag nating madaliin....May tamang panahon para satin..hindi man sa ngayon..pero alam ko darating din yun......i love you with all of me...i love you with all my heart...

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon