Twenty Four

543 29 4
                                    

Alam nyo ba ang pinaka mahirap gawin ng taong nagmamahal?....yun ay ang palayain ang taong mahal niya...
Pero kasabay ng pagpapalaya na yun e yung pag kakaron ng pag asam sa kaibuturan sa iyong puso na sana mahanap ng kanyang puso ang daan pabalik sayo....Hindi man ngayon..pero sa hinaharap...


Rhon's POV

Noon...naging maloko ako sa babae....parang damit lang kung magpalit ako ng girlfriend..Tipong...i treat them like trash...Ganun kasi yung environment na kinalakhan ko...idagdag pang kabi kabila din ang babae ni Daddy..pero my Mom...hindi na niya lang iniintindi..kasi...kahit naman daw anong gawin niya..hindi na magbabago ang Daddy ko...

Kaya siguro naging rebelde na din ako....Naging babaero...pero nagbago ako..simula nung makita ko si Bea....It was love at first sight...at first i cant believe that someone got my heart just like that...Pero ganun talaga siguro ang love...it will come when you least expect it....

Nakita ko nun si Bea sa may bench habang nakatingala sa Eiffel Tower...I can see the pain...in her eyes..tipong parang ang sarap sarap niyang icomfort....Tapos nakita ko din na umiiyak siya....Walang bahid ng make up ang mukha niya..pero kitang kita kung gaano siya kainosente at kaganda...na tipong iisipin mo..sa ganda niyang yan..maloloko pa ba siya ng isang lalaki....

I decided to approach her..nilahad ko sa kanya ang aking panyo...

Rhon: Miss..are you ok..

*tumingala siya sakin...sabay tango...tinanggap niya ang panyo na binigay ko sa kanya..

Bea: Salamat...ayy..mali..Thank you...

Rhon: Pinay ka pala?

*bulalas ko..bihira naman din kasi yung basta na lang makakakilala ng kababayan pag nasa ibang bansa e..

Bea: Yeah..So Pinoy ka..

Rhon: oo..Uhm...By the way..I'm Rhon Derrick

*sabi ko sabay lahad ng kamay ko..

Bea:Bea..

*sabi niya sabay lahad ng kamay niya..

Rhon: Nice to meet you..Bea..Bea lang talaga?ang ikli ng name mo..

Bea: Its Beanca Marie actually...

Rhon: oh..nice..what a pretty name  for a pretty girl like you...

*hindi naman siya nagreact...tumingala lang siya ulit sa Tower...

Rhon: Uhm...Bea...may kasama ka ba?..you want me to accompany you?

Bea: No thanks..i can manage...mauna na ako sayo..



*sabi niya sabay tayo...mula nung gabi na yun..laging laman si Bea ng isip ko...akala ko nga hindi na kami magkikita ulit e...Pero talagang sigurong tinadhana na isang school lang pala kami mag aaral...ayun..simula nun naging malapit na ako sa kanya...months later i asked her to be my girl..matagal ko din siyang niligawan bago niya ako sinagot....
Kasi nadala na siya sa nanloko sa kanya sa Pilipinas ang taong minahal niya..i remember what she says nung tinanong ko siya..


Bea: niloko ako...pinaglaruan.ganun naman kasi..pag hindi katanggap tanggap ang itsura mo sa lipunan kukutyain ka na lang....

*nagtaka pa nga ako nun e..i even told her na maganda naman siya pero simpleng kibit balikat lang ang sinagot niya...

Mula nung dumating si Bea sa Pilipinas...nag iba na siya....Hindi na siya ang Bea na nakilala ko sa France...ewan ko kung imagination ko lang..pero siguro..dahil na din yun sa hindi ako gusto ng mga Kuya niya para sa kanya..kaya nahihirapan siyang manimbang....

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon