.....
....
...
..
.
Bea's POv
Bawat tao nagbabago...hindi lang sa itsura maging sa pamamaraan ng buhay...Ako nagbago dahil sa sobrang sakit...i changed...a LOT...Gone is the old me who used to wear big eye glasses....wala na din ang mga damit kong pang Lola....wala na din ang makapal kong kilay..wala na ang dating ako na kinukutya dahil sa itsura ko...
Baka isipin nyo na nagbago ako para mahalin ako ng lalaking nanakit sakin ng sobra
..Hindi....nagbago ako para sa sarili ko..Kasi nakakapagod na ang masaktan sa bawat salita at pang huhusga ng mga taong akala mo'y walang pinag aralan....
A lot of things change simula nung umalis ako ng Pilipinas at pumunta sa France...tulad ng sabi ko nun...my two brothers hated the idea...Ayaw nila na umalis ako...sabi nila...kung gusto ko..sila mismo ang gagawa ng paraan para si Jake na mismo ang mawala sa landas ko...But i refused..ayaw ko....kasi since the day na sinaktan niya ako..nangako ako sa sarili ko...i will make him pay...ng hindi gumagamit ng ibang tao...Kasi gusto ko..ako mismo ang gaganti sa kanya....gusto kong maipabatid sa kanya na nagkamali siya ng taong sinaktan at pinaglaruan..
Time passes by so fast...sa France ako ng tapos ng high school with flying colors...pag dating ko dun non..i dont know how and where to start..Basta my Mom always take care of me kasi alam niyang down na down ako....na parang nasira ang buhay ko dahil sa nangyari....One day...napagod na din siya na pahirin ang luha ko..sabi niya..hindi pwedeng umiyak na lang ako ng umiyak..kasi pag ganun..ako ang talo...
Dun ako nagising...Dinala ko ng Mommy ko sa isang stylist...at first ayaw kong pumayag...kasi bakit kailangan kong baguhin ang sarili ko para mahalin or gustuhin ako ng ibang tao...But my Mom told me..na hindi ako magbabago para sa ibang tao...i should do this...for my self...
Don...minake over ako..i started using contact lens...tapos binili ako ng Mommy ko ng wastong damit para sa edad ko...nung una hindi ako kumportable...sa mga damit na kita yung balat ko..sa mga heels na sinusuot ko...Pero nakakasanayan din pala yun talaga....wala namang binago sa mukha ko.aside sa pag ayos ng kilay ko...parang naenhance lang...monthly ako nagpapa facial...tapos pinatanggal ko din ang braces ko....at yun na..eto na ako...
Walang retoke....eto yung itsurang itinago ko sa loob ng ilang taon...itsurang alam kong kung sakali ay tunay na iibigin ni Jake...Yung maipagmamalaki at maipagmamayabang sa lahat...Since that time...parang naging normal na ako sa tingin ng mga tao...Lumabas daw ang hawig ko kay Mommy..sabi ni Daddy....nung una akong nakita nina Kuya..nagulat sila...kasi syempre...nawala na ang sayá ko...naiwan na yung mini dress...high heels...at wala na yung salamin at makapal na kilay na tumatabing sa mukha ko...Kitang kita na din ang pagiging dalaga ko lalo pa at tinuruan na ako ni mommy mag make up...
Kalaunan naman..natanggap nila kuya ang bago kong itsura...Pero nagbago man ang itsura ko...Hindi naman nawala yung eagerness ko na bumalik ...hindi lang para gumanti..kundi para ipamukha kay Jake..kung anong pinaglaruan niya at tinapon niya lang ng basta basta....
.......
a year later...i met Rhon...nung una ayaw ko sana na pumasok sa isang relasyon...pero mabait siya e...ginagalang niya ako..inaalagaan at pinaparamdam ang worth ko...Binigay niya sakin yung bagay na hindi naibigay ni Jake...Yung effort....yung attention na hangad ng mga babaeng makuha sa lalaki...
Kaya unti unti...hinayaan kong pasukin niya ang mundo ko...Wala akong sinabi sa kanya na dati akong Nerd....Basta...tinanong niya ako kung bakit daw ang aloof ko sa mga lalaki na nanliligaw sakin..so i told him na..Before i left the Philippines...someone shattered my heart into pieces...pero alam nyo ang sabi niya...He is willing to help me..hindi gumanti..but he will help me to mend this broken heart of mine....