Sixty Nine

165 6 5
                                        

Matagal tagal na simula nung huli akong nag update...
Bakit ako nagbalik?
Gusto ko lang tapusin toh...parang feeling ko utang ko sa inyo toh na kelangan ko bayaran..kaya ngayon gusto ko lang bumawi...
Nung tumigil ako sa pag update at sa pakikibalita maging sa pakikipag usap sa ilan sa inyo..hindi ibig sabihin non e wala na akong pakialam sa dalawa..Ayos sakin kung ano man ang meron sa bawat isa sa kanila basta masaya sila..yun na lang ang mahalaga..

I am an active Aldub fan...pero never ko nakakalimutan na ang pagiging JhaBea fan ko ang naging dahilan para makilala at mainspire kayo...Hindi natin alam what the future holds..malay natin diba...Lets be happy...as long as they are both happy..

Thanks for reading..





Jake


Ilang sandali pa at natapos na ang programa para pagtatapos nila Barbie..masaya ako na nakatapos na ang kapatid ko..na unti unti niyang maaabot ang mga pangarap niya...

Kita ko ang mabilis niyang pagtakbo papunta sa direksyon ko...sa kabila ng sikip dahil sa kanya kanyang kuhanan ng litrato ang mga kasamahan nilang nagtapos...mas pinili niya na tumakbo palapit sakin at gawaran ako ng isang napaka higpit na yakap..

Barbie: i missed you so much Kuya...i'm so happy nakarating ka..

*sabi ng kapatid ko na medyo may namumuong luha sa mga mata...Dagli kong pinalis yun..ayaw ko na ult makikita na lumuluha xa...masyado siyang mabait para umiyak...ayaw ko non..

Jake: dont cry...wag kong sirain ang make up mo...pumunta ka muna don..andito lang ako..hindi ako aalis..

*ngumiti naman siyang tumango..umalis siya at muling pumunta sa grupo nila nina Bea na iniintay siya, pansin ko ang pag iwas ni Bea ng tingin sa akin...at ang sakit sakit sakin non...tipong nasa tabi ko na..pero tila kay layo layo niya pa din..

Napatingin ako nung umakbay ang isang lalaki kay Bea at kunin ang atensyon niya..marahil siya ang Cocoy na kinukwento ni Barbie..kita ko ang bulaklak na binigay niya kay Bea maging ang dampi ng halik sa pisngi na binigay niya sa babaeng kay tagal kong inasam na masilayan...Bakit ganun..bakit ang sakit sakit..bakit ang sakit sakit na ibang labi na ang dumadampi sa kanyang pisngi..gusto ko sakin lang siya...pero pano pa?kung siya na mismo ang nagsabi na hindi na..

Kita ko yung pasimpleng pag hila ni Barbie kay Bea para makapag picture silang tatlo nina Gabbi...Kahit pano masaya ako na sa kabila ng lahat ng nangyari hindi yung naging dahilan para masira ang kung ano mang pag kakaibigan na meron sila ng kapatid ko...

Isang tapik sa balikat ang nagpa lingon sa akin..si Kuy Aljur ang nalingunan ko..
Kaya tipid akong ngumiti sa kanya..

Aljur: kumusta na?ang tagal na din simula nung umuwi ka..

Jake: oo nga kuya..ang dami na po nabago noh...

Alden: pati ba laman ng puso mo nabago na?

Jake: kahit kelan at saan naman po ako makarating kuya..hindi toh mababago..kaso parang siya po meron na pong bago.

*napangiti naman sila sa akin prehas..
At napailing..

Alden: siya lang ang makakasagot niyan sayo Jake..

Aljur: pero kung sakali...wag kang papayag na humadalang sa inyo yung gusot ng nakaraan...alam ko Jake..wala akong karapatan na makialam sa desisyon at nararamdaman ng kapatid ko..pero kung sakali na magdesisyon xa at ikaw pa din ang piliin nya..wala kang madidinig na kontra samin..basta maging tunay lang siyang masaya..yung mabalik lang yung dating siya..

*napatingin ako sa kanila..pero mas naagaw ng pansin ko yung baritonong tinig ng daddy nila.

Bdad: if given the chance hijo..bring back my true daughter home...Despite seeing her smiling, alam ko na hindi pa din yan ang dating siya...but seeing how her eyes longed when she sees you awhile ago...parang umasam ang puso ko na muling maibalik ang dating ningning ng mata ng aking anak..
Ibalik mo siya hijo..ibalik mo siya...maling mali ang desisyon niya na makipag hiwalay sa inyo dahil lang sa kasalanan ng nakaraan...maling mali hijo...kaya kung magkakaron ng pagkakataon...wala kang maririnig ng tutol sa akin...

*mataman akon napatingin sa kanila...at tipid na tumango..
Maya maya pa nakita ko na papunta na sa direksyon namin sina Bea at Barbie...
Yumakap sakin si Barbie ulit...maging kina kuya Aljur at ate Maine..
Tapos pumunta na xa kina mommy na nasa bandang likod..nakaakbay sakin si Ate Kris e kaya hindi ako naalis sa pwesto ko...kita ko ang pagyakap ni Bea ng mahigpit sa Daddy niya..

Aljur: we are so proud of you baby girl..

*sabi ni Kuya Aljur nung niyakap nya si Bea ...yumakap din kay Bea si Kuya Alden at Ate Maine...tapos bumitaw sakin si ate Kris para yakapin si Bea...

Alden: proud na proud kami sa yo baby..

*sabi ni kuya Alden habang hawak ang kamay niya..

Bea: im not a baby any more kuya..

Aljur: mali ka...magkaanak man kami ng kuya Alden mo..ikaw pa din ang baby namin...we are so proud of you Bei...

*ngumiti naman siya..hindi na ako nakatiis na hindi xa batiin..sa simpleng pagtingin ko pa lang sa kanya ibang iba na agad ang kabig ng puso ko...s

Jake: congratulations Bea..

*napatingin naman siya sa akin...tipid siyang ngumiti..pero yun yung ngiti na tila may alinlangan akong nababasa..napatingin ako ng diretso sa mga mata niya...at don ko narealize na tama ang Daddy niya...wala na ang pamilyar na sigla ng kanyang mga mata..

Bea: salamat Jake..

Jake: can i atleast hug you?

*hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para itanong yun...pero i just want to grab the chance...Ni hindi ko hinintay na sumagot siya...kasi inabot ko ang kamay niya para ilapit siya sakin...

Nung una akala ko hindi niya ako yayakapin pabalik....pero masaya ako kasi she did...parang tumigil ang oras habang yakap ko siya...dalawang taon na halos nung huli kong naramdaman ang pamilyar na init ng yakap niya...hindi ko alam..pero ang sakit sakit...ang sakit na ang tanging alaala na naiisip ko habang hawak ko siya e yung papalayo niyang pigura matapos niyang makipag hiwalay sakin...
All this years na wala siya alam ko kulang na kulang ako...kulang ako kung wala siya...at habang yakap ko siya ngayon..mas narealize ko na siya p din talaga ang kukumpleto sa akin...hindi ang kung sino pang ibang tao...

"Pwede bang sakin ka na lang ulit"

*hindi ko napigilang bulong sa kanya...bago ako bumitaw...umagwat kami sa isat isa..mas lalo kong nakita ang sakit sa mga mata niya nung lumayo siya sakin..Para akong napipilan nung tinaas niya ang kamay niya at idampi sa aking pisngi,kasabay ng isang malungkot na ngiti mula sa kanyang mga labi..

Bea: how i wish ganun kadali...kaso pano pa diba...

*sabi niya sabay lingon sa panig nina Barbie, don ko nakita ang mommy ko...maging ang daddy ko na sakay sa wheel chair niya...

Jake: Bei..

*kita ko ang kakaibang reaction sa mga mata niya...pinatapang na si Bea ng nakaraan...hindi na siya yung tipong basta na lang iiyak dahil hindi na niya kaya...siya na yung tipong pinatigas ng kahapon...
Gaya ng gusto ko na maging siya noon...Pero parang mali pala yung gusto ko na yon...dahil ngayon...hindi ko alam at ni hindi ko mabasa kung mabibigyan niya pa ba kaming dalawa ng isa pang pag kakataon...


To he continued......

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon