FIFTY SEVEN

501 25 12
                                    


Beauty Fades...but Personality lasts....Forever...




Alden's POV

Maaga akong nagising ngayong araw na ito dahil ito ang espesyal na araw sa buhay ni Kuya...ang araw na muli siyang magsisimula ng bagong buhay kasama ang taong pinangarap niya na makasama habang buhay....

Ako...at si Maine...may plano na din na magpakasal...malamang by next year na kami..kasi diba..bawal daw yung sukob sa taon...ang saya lang isipin na unti unti maabot ko na din ang pinakapangarap ko talaga...Yung makasama si Maine sa habang panahon...Masaya kami..may maayos kaming mga hanap buhay..may sapat na kaming ipon...Kasal na lang ang kulang talaga...at alam naman din namin parehas na sa dulo ang isat isa pa din ang aming pipiliin...

Sa ngayon kasi ang pinoproblema na lang namin ni Kuya Aljur...ang kapatid namin...Alam kong alam nyo kung gaano namin kamahal yan...Kaya talagang handa kaming ipaglaban siya ng patayan...

Ang kaso hindi naman kami naging handa sa mga pangyayari....Hindi namin inakala ni Kuya na ang sarili naming mga magulang ang sisira sa masayang buhay ng aming kapatid na tinuring naming parang prinsesa...Na inalagaan namin at pinrotektahan sa abot ng aming makakaya....

Naaalala ko pa....mga limang buwan matapos makagraduate ni Bea....umuwi ang Mama namin...inakala namin na may aasikasuhin lang...pero nagkamali kami..kasama niyang umuwi ang ina ni Rhon na dating kasintahan ni Bea...Galit na galit non si Bea....Kasi pilit siyang pinahihiwalay ni Mama kay Jake....

E alam namin nun ni Kuya...The day na umuwi si Jake nun para anniversary nila at birthday ng kapatid ko na sinurprise pa namin siya sa Tagaytay...Nagpropose na siya sa kapatid namin...At matapos nga makagraduate ni Bea.....Sinoot niya na ang singsing bilang patunay na pumapayag na siyang magpakasal kay Jake...inakala nga namin ni Kuya Aljur na mauuna pa silang ikasal na dalawa e...That two were so inlove with each other...pero alam naman din namin na they both know their priorities...Maayos ang usapan namin ni Jake at ni Kuya na hihintayin pa din nila ang tamang panahon para lumagay sa tahimik....sang ayon naman din si Jake na hayaan muna ang kapatid namin na gawin ang mga pangarap niya....

Kaso lahat ng masaya at magandang plano nila biglang nagulo dahil sa kontra ang Mama namin sa kung anong meron sila..oo magkaibigan sina Papa at ang Daddy ni Jake..pero kasi si papa...masyado siyang okupado sa sobrang pagmamahal kay Mama...Tipong wala siyang kontra sa lahat ng gusto ni Mama...in short..UNDER...

Noon..na nalaman namin ni Kuya na gustong ipagkasundo nina Mama si Bea kay Rhon...humadlang kami...alam naman kasi namin na si Jake lang ang makakapag pasaya sa kanya...sumusuway din si Bea non..kitang kita namin ni Kuya kung paano sila lumalaban ni Jake....tipong...Patago silang nagkikita...andiyan pa yung mga oras na nagpapatulong samin si Bea...kasi kailangan nilang mag usap..

Pero naging mas mahigpit sina Mama...lalo nilang tinikis ang kapatid namin..mas lalong humigpit yung pagbabantay nila kay Bea.....as in...Halos pati kami nahihirapan na para sa kapatid namin...minsan tinutulungan na namin siya na tumakas para makapg kita lang silang dalawa...si Jake naman ...inuunawa niya din ang lahat sa abot ng makakaya niya...

Isang araw...nagsabi si Bea na gusto na niyang umalis...kung tutuusin...papayag na lang sana kami..pero sabi namin sa kanya...hindi solusyon sa problema ang pagtakas...Nagsimulang mag bago si Bea....parang dahil sa sobrang frustration niya....nahulog din ang katawan niya...namayat siya na kitang kita sa itsura niya yung nahihirapan na siya sa sitwasyon....

Isang araw nagulat na lang kami na biglang tumawag samin si Barbie...Sabi niya...nasa byahe siya papunta sa ospital...Dumalaw daw kasi siya sa bahay at sumalubong na lang sa kanya si Papa at Mama na buhat si Bea na walang malay...mabilis kaming sumugod ni Kuya non sa ospital..Hindi na namin naabutan si Barbie dun..ayon sa text message niya hindi siya pinayagan nina Mama na makapasok sa kwarto ni Bea.......Sobrang pagtataka na kami nun..kasi wala naman dahilan malamang para pagbawalan si Barbie na makalapit sa kapatid namin..to think na mag bestfriends sila...at alam yun ng parents namin...

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon