Jake
Ilang oras na mula nung umalis ako sa Maynila para sundan si Bea sa Sagada. Habang papalayo ako ng papalayo, at nakikita ko ang view sa lugar na aking tinatahak, alam ko na kung bakit pinili ni Bea na sa Sagada pumunta.
Noon pa man, mahilig na siyang mag biyahe. Gustong gusto niya yung tipong aalis kami na walang siguradong destinasyon basta magkasama lang kami.
Hindi ko din makakalimutan na yung mga pagkakataon na tatakas kami patungo sa bahay bakasyunan nina Gabbi na siyang piping saksi sa pagsuko sakin ni Bea ng buo niyang pagkatao..
Napaka tindi lang talaga magbiro ng tadhana kasi kinailangan namin ni Bea na dumating sa puntong ito..
Hanggang ngayon, bitbit namin ang konsekwensya ng nakaraan. Ang daddy ko., hindi ko alam kung san nakuha ni Mommy ang lakas ng loob na patawarin, alagaan at tanggapin pa din siya sa kabila ng lahat pero ika nga niya ganon daw ang pagmamahal..
Si Barbie naman, ang iniisip niya Daddy pa din daw namin kaya kahit nagkasala kailangan namin tanggapin,.
Pero pano ako, masasabi bang masama akong anak dahil ni hindi ko magawang lapitan ang sarili kong ama? Ang silyang de gulong na ginagamit niya ang paulit ulit na sumasampal sakin ng katotohanang nawala sakin ang babaeng nag iisa kong minahal mula pa man noon dahil sa pagkakamali na ginawa ng tatay ko..Ayaw kong bumitaw sa kanya, ayaw kong iwan niya ako kasi mahal na mahal ko siya at hindi ko alam kung paano akong muling magsisimula ng buhay na hindi siya kasama.
I already planned my future with her on it and i cannot imagine it to be with somebody else.Alam ko sa aking sarili na si Bea lang ang kayang kilalanin ng aking puso.Sa ilang araw at taon na lumipas ni isa walang nakapukaw ng aking puso..Maaring sabihin na paano ko ba magagawa na magmahal ng iba gayung alam ko naman na imposible dahil wala sa akin ang puso ko.
That time when she said she want me to let her go was the same day na gusto ko siyang yayain na magpakasal.
Pero dahil mahal ko siya at gusto niyang hanapin muna ang kanyang sarili pinilit kong tikisin ang sarili kong kaligayahan sa pamamagitan ng pagpapalaya sa kanya.Pero ngayon, hindi ko na ata kaya..Ni isipin pa lang na baka dumating sa puntong may ibang magpatibok ng kanyang puso parang ikamamatay ko na, lalo na kung yun ang pipiliin niya na makasama sa pagbuo ng pamilya.Marahang kong pinahid ang luha na muli na namang umalpas sa aking mga mata.
Tanaw ko na mula sa labas ng sasakyan ko ang bahay ni Bea. Katabi ang isang mini hotel na ayon kina Gabbi mag isang pinundar ni Bea.Nakakaparoud na natutupad ni Bea ang mga pangarap niya sa sarili niyang pamamaraan.Pinatay ko ang makina ng sasakyan, at bumaba. Mag asawa ang aking nakasalubong na sa hinala ko e katiwala ni Bea.
Jake: magandang araw po.
Babae: magandang araw din hijo.kung matutuluyan ang sadya mo e ipagpaumanhin mo pero puno na ang hotel.
Jake: ahhh hindi po...itatanong ko lang po sana kung andito si Bea?
*makahulugan ang tinginan ng mag asawa na tila iniisip na hindi ako bastang bisita lang.
Lalaki: abay saglit hijo, mangyaring ngayon lang may napadpad dito para hanapin ang may ari ng hotel na yan..maari bang malaman kung sino ka?
Jake: ayy sorry po, ako po pala si Jake..
Babae: Tawagin mo na lang akong Manang Caring at yan naman ang asawa kong si Impe, Jake Angelo?
Jake: opo, pano nyo po nalaman na may angelo pa na kasunod ang pangalan ko.
*tipid namang ngumiti ang babae at makahulugang nagtinginan silang mag asawa.pero nasagot ang aking katanungan nung pinaliwanag niya sakin kung bakit alam niya ang pangalan ko.