Seventy Eight

186 9 2
                                    

Jake

Magkasama kami ni Bea ngayon na nililibot ang hotel..Unang tapak ko pa lang hanga na ako..Every thing in this hotel is touched with class...sakto ang kulay at design...sakto ang decorations..Napapahanga ako na  isipin na ang babaeng mahal ko ang nagpundar at nagpalago nito..

May manaka nakang empleyado ng minit hotel ang marahil napapaisip kung sino ako...kaya humawak ako sa beywang ni Bea habang tinuturo niya sakin ang mga facilities dito.

Tama si Manang Caring...I saw my initials on top of every room na dinadaanan namin...In such a way napaisip ako na may maganda ding dulot ang pagpapalaya ko sa kanya kasi natupad niya naman ang mga pinapangarap niya...

Ngayon andito na kami ulit sa rest house ni Bea na katabi ng hotel..sabay kaming nag aayos ng lamesa kasi nakapag handa na ng hapunan si Manang Caring..

Manang: kumusta naman Jake..anong masasabi mo sa hotel ni Bea?

Jake: nako manang ...sobrang proud po ako dito sa baby ko...

*natatawa namang umiiling si Bea lalo na nung niyakap ko siya..


Jake: mahal na mahal kita Love...

Bea: i do too...i love you too...

*niyakap namin ang isat isa...tapos napahiwalay kami nung dumating si Manong Impe kasama ang isang dalagita..

Manong: ahhh Jake..ito nga pala ang anak namin si Ainah..Anak siya naman si Jake, kasintahan ni Bea..

*matipid naman siyang ngumiti sakin...kumain kami ng sabay sabay...si Bea walang kupas ang pagiging maasikaso niya..

Bea: Love, ano pang gusto mo?

Jake: ok lang ako...kumain ka lang din diyan...nangayayat ka na oh...kumain ka din ng ayos..Hindi katwiran na busy ka para pabayaan mo ang kalusugan mo..

Manong: tama si Jake hija...alagaan mo ang iyong sarili..mahirap magkasakit ngayon..

Manang: ayy nako Bea..nakalimutan kong linisin ang kabilang kwarto.,may mga tambak pa don ng stocks para sa hotel...hindi ko agad naalala..

Bea: ok lang po Manang...sa kwarto ko po matutulog si Jake..

*simpleng tango na lang ang isinagot ni Manang..

Manong: ay kung gayon..sa atin ka na matulog Ainah..tutal may kasama naman dito ang ate mo..

Ainah: opo tatay..

*ngumiti lang naman si Bea..mukha naman kasing mahiyain si Ainah e..bata pa din kasi..

After kumain, inako na namin ni Bea ang paglilinis ng kinainan..nakakahiya naman kasi na iaasa namin sa kanila...si Bea naman pinauna na ako sa kwarto..mag check lang daw siya ng mga lock at bukas na ilaw kaya mauna na daw ako magpalit ng damit..

Ginawa ko naman nga...kausap ko pa si Barbie sa phone nung pumasok si Bea ng kwarto kaya sinenyas ko na si Barbie ang kausap ko..

Barbie: kuya, asan ka ba?

Jake: may pinuntahan nga lang..wala akong gagawing masama Barbs dont worry..

Barbie: aning ka kuya..wala naman ako sinabing gagawa ka ng masama...mag ingat ka lang..siya nga pala.aalis kami bukas ni Gabbi..

Jake: bakit?

Barbie: e nagka yayaan kami..susunod kami kay Bea sa Sagada..gusto mong sumama?kasama namin sina Migs at Ruru..

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon