A/N:
Testing lang if may magbabasa pa..Bea
Ayon sa kasabihan... absence makes the heart grow fonder...Nung una akala ko din ganun nga...The moment na nagpaalam kami sa isat isa..andun pa din yung matinding pagmithi ng puso ko na panaginip ko lang toh..o kaya sana hindi na lang siya umalis...Pero ayaw kong maging sakim, ayaw kong balang araw magsisi siya na hindi niya ginawa yung bagay na alam naming parehas na mas makakabuti sa kinabukasan niya.
Naaalala ko pa..unang araw pa lang ng pag alis niya nun, parang andun ako sa puntong iniisip ko na agad pag dilat pa lang ng mata ko kung pano ko haharapin yung araw na ito sa realisasyon na wala na xa sa tabi ko...
It was so hard spending a second of my life without the man i love...Na sa sobrang hirap parang ayaw ko na bumangon...Mahirap kasi na nasanay ako na andiyan lang xa sa tabi mo..para pangitiin ka,alalayan at alagaan ka, at iparamdam sayo sa bawat sandali na mahal ka niya..
Pero hindi naman naging hadlang yung pag alis niya para hindi ko ituloy ang pangarap ko..Pinag buti ko ang sarili ko...kasi naisip ko mag aalala si Jake once na malaman nya na hindi ko inayos ang sarili ko,ayaw kong maging dahilan yon para mahirap xa lalo don..sa akin nga hindi madali e ano pa sa kanya diba..Lagi kami mag kausap lalo na kung wala kami parehas pasok..kita ko yung lungkot sa mga mata niya lalo na pag oras na may special occasion sa pagitan naming dalawa..He wanted to be with me..lagi niyang sinasabi yun but i always tell him na konting tiis pa kasi para naman sa kinabukasan namin yon..
Sa school hindi lang iisang lalaki ang tinanggihan ko dahil sa balak na pag diskarte sakin.,.yun kasi yung isa sa mga mahigpit na bilin niya eh..lalo na kay Barbie..kesyo bantayan daw ako kasi for sure daw maraming aaligid sakin...Pero ako man sa sarili ko..i know na hindi posible na maghanap ako ng iba at magmahal ng iba when all along dala niya yung puso ko nung umalis xa..
Ngayon...ang araw ng aking pagtatapos...at halos magaapat taon na simula nung umalis siya para sa pangarap niya...at halos dalawang taon mula ngayon nung nagdecide ako na hiwalayan siya..
Yes...tama kayo ng nabasa..dalawang taon na halos nung pinili kong makipag hiwalay sa kanya...sa kadahilanang malalaman nyo din sa mga susunod na kabanata...Binene, Beance Marie A. - Cum Laude
Dinig kong sabi ng napiling emcee ng school namin para sa aming pagtatapos..Tumayo ako para umakyat sa entablado..Kasabay ng pag akyat ko ang pag akyat din ng Daddy ko para isabit sa akin ang medalya ng karangalang aling natamo.Isang halik na dumampi sa aking pisngi na may ngiti sa labi ang ginawad sa akin ng Daddy ko..sa kabila ng pinagdaanan namin nitong nagdaang dalawang taon batid at kita ko pa din ang lungkot na bumabanaag sa kanyang mga mata...
Bumaba siya sa entablado at ako naman ay pumunta sa isang sulok upang hawakan ang mikropono para sa aking pananalita bilang Cum Laude ng taon..
Bea: This is a very special day not just for us, but also for our educators na gumabay sa atin mula sa unang taon ng pagtapak natin sa ating mahal na paaralan...Isang karangalan po para sa akin ang magsalita sa inyong harapan..para po magpasalamat sa ilang taon ng walang sawang pagtuturo at pagsuporta sa pangarap ng bawat estudyante sa ating paaralan...
Masaya po akong aalis bitbit ang mataas na karangalan at buong pagmamalaking haharap sa mundo ng realidad...Sa akin pong mga kapwa estudyante...sa aking mga matalik na kaibigan salamat sa masasayang sandali ng ating samahan...Sa akin pong Daddy,kay Kuya Aljur at Kuya Alden salamat po sa suporta at pagmamahal...i will always be thankful to God for having you..
And ofcourse to my inspiration...this is also for you....*nakita ko ang pag asim ng mukha ni Barbie...At alam ko kung bakit..baka akala niya sinagot ko na si Cocoy na nasa may bandang unahan dahil isa rin xa sa magtatapos ngayon..matagal na kasi nanliligaw sakin si Cocoy...naging kaibigan ko siya two years ago nung nag transfer xa sa school na ito...mabait naman kasi siya at madaling pakisamahan...
Pero balak ko na matapos ang araw na ito,tatapatin ko na siya...hindi tamang paasahin ko pa siya, kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kayang magmahal ng iba..dahil siya pa din ang laman ng puso kong ito?lagi ko yung tanong sa sarili ko...pero lagi naman din akong bigong masagot ang tanong na yon..Nakangiti akong yumukod para mag vow sa lahat at mabilis na nawala ang ngiting yun nung makita ko ang nagmamadaling pigura ng lalaking hindi ko nakikita sa loob ng ilang taon..
Bea: Jake...
Jake
Apat na taon...yang ang bilang ng taon nung huli kong makita ang paaralang ito..
Parang kailan lang....Mapait akong napangiti nung maalala ko kung paano ko nakita dito ang babaeng nagpatibok ng aking puso...Ang babaeng nagpatibok at nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon.Pumunta ako sa hall kung saan dinaraos ang taunang pagtatapos...umuwi ako ngayong araw na ito para masaksihan ang pagtatapos ng kapatid ko..hiling niya sakin toh e..after what happened between me and her bestfriend...ngayon ko lang siya pinagbigyan na umuwi ako...
Napatingin ako sa kanya...masaya ako na nakamit nya ang mataas na parangal na pinag hirapan nya ng ilang taon...dedikado at matiyaga siya kaya wala akong dudang makukuha niya ang karangalan na yan..Two years of my life without her...hindi ko alam kung pano ko nakaya na wala na yung kung ano kami noon..
Tila may pumiga sa puso ko nung marinig ko yung huling sinabi niya...idagdag mo pa sa kaalaman ko na may lalaki na umaaligid sa kanya...meron na ba tlagang iba...Mapait akong napangiti...sa katotohanang wala na yung karapatan kong bakuran xa dahil sa kanya na mismo nang galing, na hindi kami para sa isat isa...na humanap na ako ng iba..kasi kahit kelan...kasalanan na kung magiging kami pa..
Mabilis akong lumakad palapit sa Mommy ko..sa tabi niya ang Daddy ko na nakaupo sa wheel chair niya...Nasa tabi pala nila sina Kuya Aljur at Kuya Alden kasama ang sari sarili nilang mga asawa..Si Ate Kris at Ate Maine...kaya paghalik ko sa mommy ko tumabi ako sa kanila...ni hindi ko tinapunan ng tingin ang Daddy ko...hindi muna...hindi ko pa kaya...
Pormal namang tapik sa balikat ang binigay nila sakin..nakita ko ang nakangiting mukha ng kapatid ko nung makita ako..surprise ko kasi sa kanya yung pag dating ko...hindi niya alam na darating ako..
Isang masigabong palakpakan ang binigay ng mga tao kay Bea matapos niyang magsalita sa entablado...kung akin pa din siya hanggang ngayon..sasalubungin ko siya ng yakap sa sobrang galak at paghanga sa kanyang natamo...Pero sa ngayon..magkakasya na lang muna ako sa pansamantalang paghanga sa kanya mula sa malayo...Minsan naiisip ko..darating pa kaya ang panahon na magiging akin siya muli...
To be continued....