Chapter Forty

448 25 2
                                    

Barbie's POV

Nandito ako ngayon sa labas ng kwarto ni Kuya...Ayaw ko sana siyang iwan kaso...Siya naman itong mapilit..Sabi ko nga...pwede namang  tawagan ko na lang si Bea para sa kanya pero ayaw naman niya...

Dinial ko naman ang number niya...sumagot naman..

Barbie: sure ka na ba kuya na kaya mo?

Jake: oo..sigurado ako..ikaw na bahala......pasayahin nyo siya ha......

Barbie: sige..basta kung may kailangan ka tawagan mo lang si Manang sa intercom....

Jake: oo..sige na umalis ka na....



*dinig kong sabi niya..ayaw naman niya kasi akong papasukin sa kwarto niya e...kaya yun..umalis na ako..nakasalubong ko naman sa may hagdan si Miguel..


Miguel: hello Babe....

*sabi niya sabay kiss sa pisngi ko..

Barbie: hi...


Miguel: so...talagang aalis tayo ngayon?


Barbie: oo daw e...halika na Babe..para makauwi din tayo ng maaga..


Miguel: ok..halika na......


* hawak niya ang beywang ko hanggang sa makasakay kami sa sasakyan niya....

Ilang oras din ang byahe namin dinaanan pa din namin sina Gabbi at Ruru e...at sa wakas nakarating din kami sa Tagaytay....Sa resthouse nina Ate Kris.....

Wala pang tao nung dumating kami..dahil talagang intensyon naman namin na  mauna dahil kailangan pa naming ayusin ang lahat ng ito ayon sa plano ni Kuya....

Baka nagtataka kayo kung bakit hindi sumama si Kuya ah...baka isipin nyo give up na siya sa bestfriend ko..nagkakamali po kayo..Actually halos matagal ng plano ito ni Kuya....Excited na excited nga yun...Ilang linggo ang nakakaraan nung sinamahan ko pa siya kina Ate Kris para kausapin si Tita na Mommy ni Ate Kris..para daw ipag paalam na mag geget together kami dito para birthday ni Bea....Pumayag naman si Tita....Nung  isang araw pa napamili ni Kuya kay Manang ang mga kailangan namin na pagkain...mga props like party poppers.. banners..basta lahat ng pang designs para sa okasyon ngayon..He even asked me to buy flowers for Bea....kaya bumili pa din ako kanina...my brother changed a lot...mas tumino siya ngayong hinayaan siya ni Bea na iparamdam ang pagmamahal niya..kaya talaga namang todo effort ang Kuya ko.....Alam ko naman ramdam na ramdam din ng  besfriend ko yun...

Kaya minsan natutuwa ako sa kanilang dalawa....Ang kuya ko kasi over seloso..tipong ang sarap niya laging pikunin..kaya yun...si Bea naiinis sakin kasi kailangan pa niya laging suyuin si Kuya...I know na mahal niya ang kUya ko..Hangad ko lang na dumating na ang tamang panahon na hinahantay nila...i wanted them both to be happy....deserve nila yun parehas dahil sa halos ilang araw..ilang buwan at taon din nilang sinikil ang nararamdaman nila para sa isat isa...

tulong tulong kami nina Gabbi sa pag aayos...sa pagluluto naman tinulungan kami ng caretaker....nag order na din ako ng cake...pero sure ako kami lang din ang kakain..ang weird kasi ng kaibigan ko...hindi siya kumakain ng cake....Blow lang ang gagawin niya sapilitan pa...kasi ayaw niya nga ng amoy..

Maya maya saktong tapos na namin lahat....nung nagtext si Kuya Alden samin na malapit na sila...Yan ang kakatuwa...maging sina Kuya Alden kakutsaba ni Kuya sa surprise na itoh...ewan ko lang kung paano basta sabi niya sina Kuya Alden na daw ang bahala kay Bea..basta kami na daw ang bahala sa venue at sa foods....

Maya maya pumwesto na kami sa may malapit sa pinto....sina Ruru at Miguel ang may hawak ng party poppers...hawak naman namin ni Gabbi ang banner...kaya saktong bukas ng pinto....sabay sabay kaming sumigaw ng

"Happy Birthday"

*maging sina Ate Kris nakisigaw na din...si Bea naman halatang nagulat...niyakap pa namin siya ni Gabbi sabay kiss sa pisngi niya...Hinaltak namin siya sa dining area...tapos kinanatahan namin siya..hawak ng babe ko ang video camera habang kinukunan ang pagblow ni Bea ng cake....

after that kainan na ...Maya maya habang busy silang lahat sa pag vivideoke...tinawag ako ni Bea...so mukhang alam ko na kung bakit....Kanina kasi kahit kita kong nagulat siya na andito kaming lahat alam ko na may hinahanap ang mga mata niya....at alam ko na kung sino yun....

Barbie: Bei..bakit?

Bea: nasan siya Barbs....bakit wala siya dito..bakit hindi man lang siya bumabati sakin..ni text wala....
Ayaw na ba niya Barbs..nainip na ba siya...may iba na ba?

Barbie: grabe naman bestfriend..niratrat mo naman ako ng tanong...pwede isa isa lang...

*biro ko sa kanya..pero hindi man lang siya tumawa..

Bea: seryoso kasi ako Barbs..


Barbie: Bei...wag ka kasing praning....wala lang dito may iba na agad...hindi ba pwedeng may pupuntahan lang..?

Bea: mas mahalaga siguro ang pupuntahan na yan para hindi man lang niya makuha na magtext o tumawag man lang sakin...

*malungkot na sabi niya..

Barbie: Nako Bei..please..wag ka malungkot..malalagot ako kay Kuya nito..bilin niya sakin papasayahin ka namin e...


Bea: paano ako sasaya
..wala naman siya..

Barbie: naks. Naman bestfriend..


Bea: Barbs...ikaw ang nakakaalam ng nararamdaman ko...alam kong alam mo na Mahal ko siya...at siya yung nagbalik sa dating sigla ng puso ko..siya yung nagpapasaya sakin
...yung saya  na kahit kelan hindi nagawa ni Rhon....Kaya alam ko na maiintindihan mo na malungkot ako na ni hindi man lang niya inisip na mahalaga ang araw na ito para sakin ngayon..tapos....wala siya...siguro..

Barbie: hep...ok..sige..actually bestfriend lahat ng ito..ang party na ito para sayo ay pakana lahat ng kuya ko...

Bea: e bakit ganun...bakit wala siya?


Barbie: ang totoo kasi niyan..gustuhin man niyang pumunta talaga...hindi pwede....

Bea: bakit?

Barbie: kahapon kasi paghatid niya sayo...hindi ko alam kung napansin mo..pero inaapoy na siya ng lagnat....

Bea: ano??bakit hindi niya sinabi sakin..bakit sinundo niya pa ako?


Barbie: Bei..you know him..mas makulit pa siya sa limang taong bata pag ginusto niya..gusto niya talaga..ikaw lang naman ang nakakapigil sa kanya e...kaso yung kahapon syempre hindi mo naman alam na may sakit siya..at ayaw naman niya talagang ipaalam sayo...

So pag uwi niya yun..sobrang init na niya...tapos madami na siyang rashes sa katawan niya...hindi ka naman niya din matatawagan kasi medyo pagaw na ang boses niya....hindi na din yun makakapagtext kasi hilong hilo pa siya kahit kanina...Kaya wag ka ng magtampo...

Bea: Barbs.....halika na...alis na tayo...

Barbie: aalis?bakit san tayo pupunta?

Bea: e di kay Jake..halika na..


Barbie: hala..e ayaw ni Kuya na magpalapit e..baka daw mahawahan niya...

Bea: Barbs..wala akong pakialam...basta i wanna see him...


*kita ko ang kagustuhan ni Bea na umalis....pero paano...bawal naman kasi talaga..ako nga ayaw palapitin ni Kuya..diba nabasa nyo kanina tinawagan ko pa siya sa phone kahit na sa pinto lang ako  ng kwarto niya...pero si Bea....ganito talaga ang love...kakilig lang...


To be continued.....

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon