5.10.2020
Bea's POV
Sa ngayon sakay na kami ulit pabalik sa Manila. After ng usapan namin nina Daddy kagabe about what happened between me and Jake, inihatid na niya ako sa room namin nina Barbie para daw makapag pahinga na ako dahil maaga pa ang alis namin kinabukasan..
Nakatitig lang ako sa view sa labas dahil napaka ganda din ng mga sceneries na pwedeng makita sa Batangas.Mapa sa mga antique houses, sa mga nagbeberdehan na mga puno at syempre ang Taal Volcano maging sa mga pagkain na talaga namang hindi kailanman mapaghuhulihan.
Seryoso akong nakamasid nung narinig ko ang tila pang aasar na naman nina Kuya.
KuyaAljur: Jake, utang na loob wag mo na iinisin yang isang yan pati kami nagagalayan ng kasungitan e..
*napa angat naman ako mula sa pagkakasandig kay Jake at nilingon sila..
Kuya Alden: tama ka Kuya..Halos buong byahe di man lang nangiti..hindi malabog tumanda siya ng maaga pag ganyan..
Bea: Daddy sila Kuya Oh,.
*napapailing na lang naman si Daddy na nakaupo sa may unahan katabi ng driver..
Daddy:Aljur Benjamine, Alden Brian talaga bang hindi nyo titigilan ang kapatid nyo?
*napatawa naman sina Ate Maine dahil buong pangalan na ang tawag ni Daddy kina kuya..
KuyaAljur: Dad naman..Buong pangalan talaga?
Bea: eh kasi kayo..nanahimik naman ako dito..why do you both keep pestering me?
kuya Alden: ayyy grabe sa pestering baby ha..para nagbibiro lang naman kami ni Kuya..Ganyan ka na porke ikakasal ka na kay Jake hindi mo na kami mahal..
*mas lalo naman napakunot ang noo ko,.
Bea: san naman nanggaling yan?Kuya ikasal man kami ni Jake aside sa apelyido walang magbabago sakin at sa pagmamahal ko sa inyo ni Daddy..
Pero please, tigilan nyo na ang pang aasar sakin..*taas kamay namang napapasuko si Kuya Aljur.
KuyaAljur: oo na..nako, basta Jake ang usapan ah..Wag na wag mong sasaktan yang kapatid namin na yan..
Jake: opo naman kuya..wala po kayong dapat alalahanin..Saka po, isa pa wala naman po magbabago kahit ikasal kami...Bukod po sa madadagdagan kayo ng kapatid at anak ni Daddy sisiguraduhin ko po na papasayahin at mamahalin ko ng buong buo si Bea.,
Ilang taon po kaming nagdusa na malayo sa isat isa..sapat na po siguro yon para itreasure namin ang bawat segundo ng buhay namin sa tabi ng isa't isa..*tumango tango naman sina Kuya..Bumalik naman ang katahimikan sa sasakyan at ako e muling sumandig kay Jake habang tinitingan ang paligid..
Jake: Love,
*bulong niya sakin..mahina lang..sapat lang para magkarinigan kaming dalawa..
Bea: uhm?
Jake: sure ka bang walang laman toh?
*sabi niya sabay haplos ng tiyan ko..Napatingin naman ako sa kanya..
Bea: wala..talaga bang umaasa ka na na meron?
Jake: ang sungit mo kasi masyado ngayon..napapaisip lang ako baka mali yung result ng PT..
Bea: baliw, negative talaga.:i won't keep it from you naman..
Jake: better luck next time I guess..
*napatingin ako ulit sa kanya sabay halik sa labi niya..
Bea: yeah right..better luck next time..or should I say better luck on our wedding night..
Jake: I promise..hindi kita ilalagay sa alanganin..kaya kong hintayin ang ilang buwan..
*sabi ni Jake sabay halik sa may tungki ng aking ilong..
Bea: uhhmmm Love?
Jake: yes?
Bea: pwede ko ba akong samahan kay Mommy bukas?
*ngumiti naman siya at marahang tumango..
Jake: oo naman..Just text me kung anong oras I'll fetch you..
Bea: Thank you ..
Jake: wala yon..anything that will make you happy will surely make me Happy too.,
Umayos naman ako ng sandig sa kanya at ramdam ko din ang paghigpit ng yakap nya sakin..
Kinabukasan hawak kamay kaming naglalakad palapit sa puntod ng Mommy ko..Siguro tama sila, gumagaan ang pakiramdam ng taong marunong magpatawad..Simula nung nalaman ko ang totoong nangyare nung gabing mamatay si Mommy, tila nawala ang bikig sa aking lalamunan..hindi pa bumabalik si Jake non pero every year napunta kami dito sa puntod ni Mommy pag birthday niya at pag all souls day..Hindi ko magawang magdasal non para sa ikakapayapa niya sa halip andito ako non lagi para kwestiyunin siya kung bakit kinailangan niya kaming saktan ng ganon.
Pero ngayon iba na..Nilagay ni Jake ang bulaklak sa libingan ni Mommy at nagsisindi na siya ng kandila..
Bea: Ma, i know it's a bit late..hindi ko alam if naririnig mo ko pero gusto ko lang pong sabihin sa inyo na pinapatawad ko na kayo..I love you Mommy..
Sorry po kung natagalan..But now i really do hope and pray na sana maging mapayapa ka na kung nasan ka man..
Mom, Jake and I are back together..I am happy again..I am alive again..Sorry kung sinisi lang kita this whole time..I know sa kabila ng mga kamalian mo hindi kita dapat kamuhian dahil balibaliktarin man ang mundo nanay pa din kita..Jake: Tita, sorry po at hindi namin kayo napatawad kaagad..Sorry din po kung nalungkot ng matagal ang anak niyo,..Pero sa harap nyo po ngayon, ipinapaalam ko po ang kamay ng inyong anak..Magpapakasal na po kami..Wag nyo po siyang alalahanin..Dahil gagawin ko po ang lahat para maging maligaya siya hanggang sa huling pintig ng aming mga puso..
Bea: Ma, i thanked you for my life..Salamat po sa pag gabay nyo samin nina Kuya kung nasan man kayo..We will take good care of Dad,..We forgive you already..I hope you'll be at peace..Magpapakasal na po kami ni Jake..Sayang nga po e..wala kayo para ihatid ako sa altar patungo sa lalaking buong puso kong iniibig..Pero siguro po, ito talaga ang kapalaran natin..Sa tamang panahon po, sana naman e matagal pa..I hope to see you again..Hug and kiss you and tell you how much I love you..But for now..Hear my prayers and forgiveness..Mahal na mahal ko kayo Mommy.. hangad ko po ang kapayapaan ng kaluluwa nyo kung san man kayo naroroon..
*hindi ko napigil ang luha na dumaloy mula sa aking mga mata..Ramdam ko ang kamay ni Jake na pilit pinapawi ang luha ko..Yumakap ako sa kanya..This is my home..yung yakap at bisig niya na pumapaloob sa akin..ito yung buhay na minithi kong makuhang muli sa nakalipas na ilang taon..
To be continued..
Sabawwww😅😅😅iniaayos ko lang ang wedding ok guys?nag ecq kasi kaya need ipostpone😂😂
Stay safe readersss