Dahil Jhabea Day...at lagi naman tayong BITIN at HOPIA..pag pasenxahan nyo na ang maikli kong update...
Happy JhaBea Day .....
Kapit pa...SOLID SUPPORT...Bea's POV
Kasalukuyan na kaming sakay ni Kuya Alden...tahimik nga lang siya...pero kita ko na may kakaiba sa kanya......sa totoo lang nagtataka ako talaga...kasi napaka nice naman ni Rhon sa kanila...mula nung nasa France pa lang ni minsan hindi ko nakita na ngumiti sila or pinakitaan nila ng maganda si Rhon..at yun ang labis kong ipinagtataka...
Makalipas ang ilang minuto tumigil kami sa isang Japanese restaurant..favorite ko kasi ang Japanese foods...Kaya siguro dito ang pinili ni Kuya...sabay na kaming pumasok ni Kuya Alden....Hindi pa din siya umiimik...ang lagay siya pa ang galit...
Nakita kong nakaupo na si Kuya Aljur sa isang pwesto dun kaya tumabi ako sa kanya....kita ko naman na nagtataka siyang tumingin sakin after ko siyang hagkan sa pisngi.
Aljur: Oh..bakit may topak ka?
*sabi niya..hindi naman ako sumagot..
Aljur: Alden..anong ginawa mo sa baby sister natin...this was supposed to be our date with her tapos totopakin..
Alden: Kuya...wala akong ginawa sa kanya..
Bea: anong wala..
*inis na sagot ko..
Alden: Bakit ano bamg ginawa ko Beanca?
Bea: Kuya...wag ka ngang mag maang maangan.....kitang kita ko kanina kung pano mo sungitan si Rhon..Ang nice nice niya sayo kanina pero anong ginawa mo?
Alden: ah..so yun ang ikinagagalit mo..
Bea: hindi ko ikina gagalit...im just confused...ang bait niya para tratuhin mo siya ng ganun..
Aljur: Bea...we just wanted to protect you..ginagawa lang namin ang alam naming tama...
Bea: Kelan pa naging tama ang bastusin ang isang taong wala namang ginagawang masama..
Alden: Bea..hindi ko siya binabastos...
Bea: e bakit ganun ka sa kanya...bakit ganun kayong dalawa sa kanya..?
Aljur: Bea iniingatan ka lang namin...
Bea: iniingatan saan?...para saan...?
Alden: Bea...kapatid ka namin...kaya hanggat makakaya namin gagawin naming dalawa ang lahat..para hindi na maulit ang noon..
Bea: Kuya..iba si Rhon...
Aljur: Bea ginagawa lang namin ang obligasyon namin bilang mga kapatid mo...concern lang kami sayo..
Bea: Alam ko naman yun Kuya..alam ko na mahal niyo ako kaya kayo ganyan...Pero give Rhon a chance...
He's trying his best..para unawain kayo...irespeto kayo sa abot ng makakaya niya..hindi siya gaya ni Jake...na puro pasakit ang binigay sakin..Aljur: Bea...hindi...
Alden: Kuya...
*napakunot naman ang noo ko..anong akto yun?bakit parang may kakaiba...
Aljur: ok...basta ito Bea..hangga't kaya ko itatry kong maging nice sa boyfriend mo..pero hindi ko maipapangako sayo na buong buo ko siyang tatanggapin...Isa pa kasi Bea..Lalaki kami...kung hindi namin gusto ang isang tao there is no way na magugustuhan namin siya...at sinasabi ko na sayo..hindi namin siya gusto..
Alden: We will try even just to be civil to him..pero hindi ko siya lulubayan ng tingin..i will always look after him...and one wrong move....ako mismo ang magpapatalsik sa kanya sa buhay mo...
Bea: bakit ba kasi ayaw nyo sa kanya....
*nahihirapan na kasi ako....ang dali lang kasi ng lahat kung nagkataong maayos sa mga kuya ko ang kung anong meron kami...
Alden: one more thing...i saw you and that Rhon of yours kanina..Hindi naman sa napaka ancient ko..pero hindi lang magandang tingnan na halos mag kabuhol na kayo sa pag kakaupo kanina....
Bea: Kuya pati ba naman yun...
Aljur: Tama siya Bea...Always know your limits...yung PDA..hindi yan maganda na makita sayo...lalo pa at ikaw ang babae...hindi ka magiging karespe respeto sa tingin ng ibang tao....
Hindi ko naman sinasabi na layuan mo siya..just keep your distance...lalo pa kung nasa pam publikong lugar kayo...Bea: wala na ba kayong sasabihin?wala na ba kayong imamando sakin?
Alden: Baby ..dont think things that way...ang isipin mo..sobra ka lang naming mahal
Bea: Alam ko naman yun Kuya..nauunawaan ko naman e...you just want what you think is best for me...
Aljur: Good..buti naman at nauunawaan mo..so pano..tara na...kain na tayo..tama na yang usapang lovelife na yan...Kung ako lang ang masusunod hindi ako papayag na mag boyfriend ka e..pero anjan na yan...Basta...we are just here baby...we got your back no matter what...
Alden: Kaya wag sanang sasama ang loob mo samin...
*simpleng tango lang ang sinagot ko sa kanila...wala naman din kasi akong magagawa diba....
Kumain na nga kami..nawala naman yung topak ko..kasi sobrang namiss ko din naman ang mga times na ganito....yung tipong bonding time with my Kuyas....saka alam ko naman...nangingibabaw lagi na yung bawat sinasabi nila e dahil sa concern at love....
After eating...umuwi na kami....dumiretso na ako sa kwarto ko para magpahinga....kakahiga ko pa lang nung nag ring ang phone ko..At nakita ko na si Rhon ang tumatawag
.Bea: hello Babe?
Rhon: babe..hello..how was your date with your brothers..
Bea: uhm..ok naman...uhm..Babe..pasensya ka na kay Kuya Alden kanina ah?
Rhon: naiintindihan ko naman..hanggat kaya kong intindihin gagawin ko..dahil mahal kita...
*napangiti naman ako..
Rhon: hindi ko maipapangako na lagi lang tayong ganito..kasi part naman ng relasyon ang problema...pero ang maipapangako ko..Hindi hindi ako tutulad sa nakaraan mo na alam kong magpasa hanggang ngayon..parte pa din ng sistema mo..
*wala na akong nasabi...aware naman ako na hindi pa din ako nag lelet go...pero sa galit lang...bukod sa galit..masyado ng matigas ang puso ko para makaramdam pa ng ibang bagay para kay Jake...
Sana isang araw...malaman niya...kung ano ang pinakawalan niya..
To be continued...
#LAME
Pag pasenxahan nyo na ang aking nakayanan...bawi ako pag nasa mood na ako..8.5.15
