Jake's POV
Nandito ako ngayon sa living room nina Bea..hinahantay ko kasi siya dahil siya ang date ko para sa JS Prom ng school namin....Buti nga napapayag ko sina Kuya Aljur e...i am making it a point to show them na ako yung nararapat para sa kapatid nila....
I love Bea..wala ng kwestiyon dun...Mahal niya din ako alam ko yun..but the thing is....i wanted.her brothers not just to accept me..but also to trust me that my intentions to their sister is pure....i am not after anything..i just want to spend my life with the woman i really love...
Gaya ng sabi ko nga andito ako sa bahay nila...i waa holding a bouquet of flowers habang hinihintay ko siyang bumaba...kausap na ako kanina ni Kuya Alden..he told me to take care of Bea...yun lang daw ang mahalaga sa kanila...Ganun naman din ang intensyon ko....Yung maalagaan si Bea kasabay ng pagmamahal ko sa kanya..
Andito din si Ate Maine..pinsan ko din..kapatid siya ni Ate Kris...sa totoo lang....after months dito na din siya sa Manila mag aaral...Noon kasi sa New York siya tumira...Pero ngayon she decided to take a new path....while mending her broken heart....Niloko kasi siya ng dating boyfriend niya dun...kaya pinili niyang lumayo na lang...instead of hurting herself more....
sabi niya sakin kanina andito.daw siya kasama si Ate Kris...kasi sila ang nagsama dito ng mag memake up kay Bea...If ever this will be the first time na makikita ko si Bea na nakaayos....
Napabaling ako ng tingin sa hagdan nung marinig ko ang boses ni Kuya Aljur at may itinuro sakin si Ate Kris na kanina pa din akong kinakausap para daw hindi ako mainip...dinig ko pa ang sabi ni Kuya Aljur...na sinasabi na dahan dahan lang sa pag baba...Habang inaalalayan niya si Bea?Si Bea ba talaga ang nakikita ko na ito?Grabe parang hindi ko siya makilala...Parang ayaw ko na siyang dalahin sa Party...at ikulong na lang dito sa bahay nila kesa makita pa ng ibang tao kung gaano siya kaganda...Ngayon parang gusto kong maging possessive..i dont want anyone to look at her the way i did at this point..She's breath taking....Ang ganda ganda niya...Wala na ang malalaking salamin niya na tumatakip sa kanyang magandang mata...yung eyebrows niya na makapal e tama na lang ang pagkakalinya ngayon....
Suot niya ang isang magandang pulang damit na nag emphasized ng magandang hubog ng katawan niya..At nagpalitaw pa lalo ng ganda at puti ng kutis niya....kita kong maganda din ang nagkikislapang alahas na suot niya....Nung ganap na siyang makababa tumayo ako at iniabot sa kanya ang bulaklak na hawak ko..
Jake: Good evening po Kuya..
*sabi ko kay Kuya Aljur...tumango naman siya..pero hindi naman masungit masyado ang itsura..konti lang..
Jake: Bei...ikaw ba talaga yan?
*hindi ko napigilang tanong sa girlfriend ko..
Bea: oo naman..bakit?pangit ba?
Jake: Hindi ah..ang ganda mo nga e..sobra...
*sabi ko...ang ganda ganda kaya...kita ko naman na kasabay ng pag ngiti niya ang pamumula ng magkabila niyang pisngi....ganyan naman kasi siya...madalas na namumula siya pag sinasabi ko na maganda siya o kaya naman pag sinasabi ko kung gaano ko siya kamahal...
Aljur: Basta Jake...alagaan mo yan ah..at wag masyadong magpapagabi..
*seryosong sabi ni Kuya..tumango naman ako...
Jake: opo Kuya...
Bea: Kuya......
Aljur: ohh bakit?
*sabi ni Kuya..tingin ko kasi ibig sabihin ni Bea na wag akong masyadong sindakin..
Bea: wala..mauna na kami...