Barbie's Pov
Kinaumagahan kasabay na ako ulit ni Kuya Jake sa pagpasok.....Hindi niya ako hinahayaan na umalis at umuwi ng mag isa...ako naman din..hangga't maari hanggang mababantayan ko siya gagawain ko masiguro ko lang na maayos siya...Alam ko naman ganun din siya sakin...
Lagi pa din naman kasama ni kuya sina Miguel at Kiko..kasi iisa lang din ang course nila...Kaya kahit paano kampante ako na ok ang kuya ko..Lagi ko kasing tintext si Miguel para kumustahin si Kuya..Gawain ko na yan mula pa nung nagdaang taon...kasi nga ibang school na ako pumasok diba...
Jake: kumusta naman...?...maayos ka naman ba?
*napatingin ako kay Kuya...ang laki ng ipinag bago niya...Kung noon parang wala lang siyang pakialam sakin..ngayon iba na...he always find time to check if im doing fine...Simula yun nung nangyari noon ....Mas naging showy siya sa care at love niya sakin..mas naging close din sila ng Mama at Papa namin...Mas nag lalaan na ngayon ng time ang parents namin samin kesa sa trabaho nila...Parang making up for the lost chances...
Barbie: Ok naman kuya...masaya..
Jake: Mabuti naman kung ganun...lalo pa ngayon..kasama mo na ulit ang mga kaibigan mo e..
Barbie: ..oo nga Kuya..ang saya lang...Bukod sa magkasama na tayo ulit...kasama ko na ulit sina Gabbi..Ruru at ang bestfriend ko bumalik na din...grabe...ang daming nagbago..dati magkaibigan lang sina Ruru at Gabbi ngayon sila na....Astig diba..kasi secretly inlove na si Ruru kay Gabbi mula pa man noon..kaya super happy kami ni Bei ba atlast nagkalakas loob na din si Ruru na sabihin at iparamdam ang totoo niyang nararamdaman....
Tapos si Bea..ang laki ng ipinagbago ng itsura niya noh Kuya...ang ganda ganda niya ngayon..Pero para sakin hindi naman siya pangit...noon..dba Kuya..
Jake: Ha....?
Barbie: Kuya naman e..daldal ako ng daldal dito tapos absent minded ka naman pala jan.
Jake: Ah..sorry...ano nga ulit yun..
Barbie: Si Bei sabi ko..ang ganda ganda ngayon..
Jake: Oo nga e...ang laki ng ipinag bago niya..
*kita ko ang kakaibang emosyong dumaan sa mata ni Kuya..pero hindi ko matiyak kung ano yun...
Barbie: Kuya..nagsisisi ka ba?
Jake: Saan?
Barbie: kasi iba na ang boyfriend ni Bei ngayon..tapos mas gumanda siya ngayon..
Jake: Masaya naman siya diba?
*napakunot naman ang noo ko..kasi parang ang layo lang ng sagot niya sa tanong ko..
Barbie: Huh?
Jake: Wala...tingin ko naman masaya naman siya...hayaan mo na lang..
Barbie: Ewan...basta wag lang siyang sasaktan ni Rhon...Kasi ako ang makakalaban niya.pag nangyari yun....
Jake: sana nga....
Barbie: Kuya...alam mo ba kung bakit kinailangang umalis ni Bea noon?
*napatigil naman si Kuya..kaya dinugtungan ko pa ang tanong ko..
Barbie: Saka kuya..nagpaalam ba siya sayo nung aalis siya..nagkaron ba kayo ng formal break up bago man lang siya pumunta sa France?
*i really wanted to know..parang lang kasi nakakapag taka masyado..kasi since then..i know my bestfriend loves my Kuya so much...tipong siya pa ang nagsasabi sakin na i should give my Kuya a chance na magbago...na dahil magkapatid kami kailangang mas unawain ko ang kapatid ko..kasi ano't ano man ang mangyari..baliktarin man ang mundo...sa dulo ang kuya ko pa din ang kakampi ko..
Jake: wag na lang natin pag usapan Barbs...nakaraan na yun na hindi na tamang balikan...
Barbie: pero Kuya..
Jake: Isa pa...walang alam si Rhon..ayaw ko naman na masira ang kung anong meron sila ngayon dahil lang sa kung ano kami ni Bea sa nakaraan..Iwanan na lang natin ang lahat ng nangyari sa ganun..wag na nating muli pang ungkatin....
Barbie: Sabagay..tama ka jan Kuya...Uhm..pero kuya..Minahal mo ba si Bea noon...o ginamit mo lang siya talaga para mapakinabangan mo?
*tumingin siya sakin..
Barbie: Kuya..dont get me wrong...syempre...diba..ibang iba ang Bea noon sa Bea ngayon...
Jake: Uhm..mabuti pang hindi ko na lang sagutin...sabi ko nga diba..hayaan na lang nating limutin namin pareho ang nakaraan..
*hindi na ako nagpilit..Kasi wala naman na din akong magagawa...si Kuya pag sinabi na niyang hindi...hindi mo na siya mapipilit....
makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa school...mamaya pa si Rhon e..iba ang schedule niya...kaya iniwan pa namin siya sa bahay..
Saktong pagsara ko ng pinto ng sasakyan e nakita ko din si Bea na bumababa ng sasakyan nila...kita ko si Kuya Aljur ang naghatid sa kanya...Tumango lang siya samin ni Kuya tapos umalis na din..si Kuya Alden naman ayun..kakababa lang din ng sasakyan niya...
Iba ang aura ni Bea ngayon..mukha siyang may topak.....lumapit naman ako sa pwesto niya para i beso siya..
Barbie: Morning Bei..Morning Kuya Alden..
*ngumiti naman sakin si Kuya Alden tapos tumango naman siya sa Kuya ko na nasa likuran..Tango na parang civil lang...nagtaka ako dun ah..kasi noon sinusungitan niya din si Kuya ko..pero ngayon iba na..binabati na niya...
Alden: Beanca mauna na ako...sakin ka sasabay ulit mamaya..maliwanag ba?
Bea: Kahit naman sabihin kong ayaw ko wala naman akong choice diba?
Alden: Buti alam mo...Barbie..ikaw na muna bahala sa kapatid ko...mauna na ako..
Barbie: ok Kuya..
*umalis na nga si Kuya Alden..
Jake: Uhm..Barbie..mauna na din ako..call me na lang pag may kailangan ka..
Barbie: ok Kuya..ingat ka..
*sabi ni Kuya...dumiretso lang siya ng alis..hindi niya pinag tuunan ng pansin ang kaibigan ko...si Bei naman hindi man lang din bumaling kay Kuya...so i guess nasagot na yung isa kong tanong kanina....wala silang formal na break up for sure...
Napailing na lang ako tapos lumapit ako kay Bea na busangot na ang mukha..
Barbie: Oi Bei..may problema ba?
Bakit mukhang magkaaway kayo ng Kuya mo?.Bea: kakainis naman kasi sila....masyado nila akong sakalin sa pagbabantay nila...Tapos si Kuya Alden..ang sungit sungit niya pa kay Rhon....e wala naman masamang ginagawa sa kanila..
*napangiti naman ako...so yun pala yun..pansin ko nga din..hindi bet nina Kuya Alden si Rhon..atin atin lang ah..ako man hindi ko gusto si Rhon para kay Bea...kung nagkataon lang sana...ok kung sila na lang ng Kuya ko....Pero hindi naman ako nakikialam pag dating sa mga ganung bagay...
Barbie: pag pasensyahan mo na lang sila..kasi ang hangad lang nama nila yung ikakabuti mo..
Bea: Alam ko naman..pero syempre..nahihiya naman din ako sa boyfriend ko...
Barbie: Pasasaan ba at magiging ok din yan...kailangan lang patunayan ni Rhon sa mga Kuya mo na siya ang nararapat para sayo...
*sabi ko..tipid naman siyang tumango..tapos hawak kamay kaming pumasok sa klase namin....
To be continued...