A/N
Bigyan natin ng thrill ah...Bahala na kayong umintindi...ilalagay ko muna sa reality ang kwento na hindi palaging masaya ang isang relasyon....Kasi darating ang punto na susubukin yun hindi lang ng sitwasyon....kundi ng pangyayari.....
Hindi para sumuko..sa halip para lumaban...at hindi pakawalan....Jake's POV
Nasa byahe ako ngayon..Papunta sa isang kasalan....Medyo pagod pa ako dahil kakarating ko lang dahil nagkaron ako ng business conference sa Macau for 5 days...pero dahil kasali ako sa list ng mga groomsmen nahiya naman ako kung hindi ako aattend....
Medyo malayo pa ang simbahan...buti na lang hindi pa traffic....Nag On muna ako ng radyo para hindi ako mainip....Sakto naman na nag pe play ang kantang forevermore...alam nyo ba yung kasabihan hindi lahat ng patama para sayo..sadya lang sinasalo mo?..ganun ang tingin ko sa sarili ko gaya ngayon..tingin ko...itong kantang kasalukuyang tumutugtog e patama sa akin..This song never fail to make me think the could have been's...the what if's...But i always end up with the thought that if were destined for each other then we'll be together...
Napapailing na lang ako...pero hindi ko pinatay ang radyo..sa halip..mas nilakasan ko pa...Siguro kailangan lang talagang subukin ang mga tao..para mas lalong tumatag....kailangang bagyuhin ang relasyon ng nag iibigan..para parehas na tumibay at matutong ipaglaban...
Matapos ang ilang minuto...Nakarating na ako simbahan..suot ko ang barong ko.....Hinanap ng mata ko ang kapatid ko na umuna na sakin kanina dahil magpapa make up pa daw siya....
Nakita ko naman na may kumaway...kaya naagaw nun ang atensyon ko....Si Kuya Alden....tulad ko nakabarong na din siya.....Jake: Kuya...kumusta po?
Alden: ayos lang..ikaw..abalang abala ka..ni hindi ka na ata nagpapahinga..
Jake: Hindi naman po Kuya...ayos lang naman po ako...
Alden: Haii...e kumusta naman ang lovelife?
Jake: wala po Kuya....abala po kasi nga ako sa negosyo..kaya wala po akong oras para diyan...
Alden: Haiii..Kung may magagawa lang sana kami noon..
Jake: ayos lang naman po Kuya...naiintindihan ko po..saka isa pa...naniniwala po ako na kung kami para sa isat isa...hadlangan man ng lahat...kami at kami pa din ang magsasama....
Alden: tama yan..sa ngayon Jake ang tanging mabibigay lang namin sayo..yung assurance ng suporta na meron kami para sayo...
Si Bea...oo..kita naman namin maayos naman siya...nagta trabaho...ngumingiti...kaso hindi siya kasing saya ng noon..alam naman namin na deep inside her...naghahanap pa din siya ng kukumpleto sa kaligayahan niya...
Jake: Ganun naman din po ako Kuya....Siguro...kailangan lang po talaga na pag daanan namin ito ngayon...
Alden: Siguro nga..oh..ayan na pala ang kapatid ko...
*napatingin ako sa direksyon na tinitingnan ni Kuya....Si Bea...Napakaganda niya pa din hanggang ngayon....
nakasuot siya ng dilaw na gown na tube style..tulad kasi ng kapatid ko isa siya sa mga brides maid ngayon g araw na ito...kasal kasi ngayon nina Ate Kris at Kuya Aljur....Napaisip nga ako..kung nagkataon...sana na hindi kami nag hiwalay malamang magbabalak na din ako na pakasalan na siya...kaso....ganun ata talaga...
Napatingin siya sa gawi namin nung tinawag siya ni Kuya Alden..kaya alam kong ilang man siya lumapit pa din siya...i tried my best na pigilan ang sarili ko na yakapin siya..kung alam niya lang kung gaano ako kamiserable ngayon.....pero wala naman akong balak na ipaalam yun sa kanya...i want her to accomplish everything...gusto ko gawin niya muna ang gusto niyang gawin..para pag dumating na ang tamang panahon...Mapapakasalan ko din siya..kung papayag siya....ulit...