Seventy

271 11 7
                                    

"Pwede bang sakin ka na lang ulit"

Tila sirang plakang paulit ulit na naglalaro sa isip ko ang mga salitang yan..kung sana kasi ganun lang talaga kadali bakit hindi?

The moment na makita ko siyang naglalakad papasok sa venue ng graduation namin,ramdam ko na agad ang pamilyar na tibok ng aking puso...it's been years since i've decided to let him go...at ang araw na yun ang tila isang bangungot sa akin...ang araw na pinili kong talikuran ang tanging lalaking kinikilala ng aking puso...

Minsan kasi sa buhay hindi sapat yung mahal mo lang..minsan may dumarating na mga hamon kung saan tuturuan tayong maging matapang na bumitaw sa inaakala nating pang habang buhay...Tila may bikig sa aking lalamunan ang isiping hindi na talaga kami ang pang habang buhay...

The moment na niyakap niya ako,ramdam na ramdam ko yung pagmamahal niya...halos hindi agad ako nakahuma upang yakapin siya pabalik dahil pakiramdam ko,once na humawak ako ng mahigpit baka hindi ko na muling kayanin ang bumitaw..

I tried to hold back the tears na unti unti nang namumuo sa aking mga mata...Ilang taon na pinilit kong umakto na wala lang na tapos na lahat, na hindi na ako nasasaktan...pero sa tuwing nararamdaman ko ang tibok ng puso ko,at maaalala ko na pinakawalan ko ang pinipintig nito parang unti unti na namang gumuguho ang mundo ko..

After ng graduation ceremony namin napilit ako nina Kuya na kamain sa labas.kasama pa namin sina ate Kris na asawa ni Kuya Aljur...medyo malaki na ang pinagbubuntis niya.....saka si ate Maine na ilang linggo na lang ay pakakasalan ni Kuya Alden...natutuwa naman ako na nakatagpo ang mga kapatid ko ng mga babaeng makakasama nila ng pang habang buhay...

Sa ngayon kasalukuyan na kaming sakay nina Kuya Alden sa sasakyan pauwi...may sarili na kasing bahay sina Kuya Aljur sa katabing subdivision kaya don na sila dumiretso...si Ate Maine naman sumama muna samin para daw makapag ayos din sila ng mga kakailanganin nila sa wedding nila..Katabi ko si Daddy sa upuan sa likod habang ako ay simpleng nakatingin lamang sa paligid na aming dinaraanan..

Napabaling na lang ako kay Daddy nung bigla siyang nagsalita..

Daddy: Beanca...

Bea: po?

Daddy: bakit hindi mo subukang muli?

*napakunot naman ang noo ko...napatuon ang aking buong atensyon sa Daddy ko na medyo nagkakalaman na ngayon...halos ilang buwan din siyang nasa ospital matapos niyang atakihin sa puso...dalawang taon na ang nakakaraan.

Bea: ang alin po Daddy?

Daddy: you and him...why don't you give it a try?


Bea: Dad...matagal na po kaming tapos.

Daddy: anak...iba ang tapos, kesa sa pinilit tinapos.

Bea: Daddy..hindi ko na siya mahal.

*hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob na sabihin ang bagay na yon..

Daddy: madaling sabihin anak...pero yung mga mata mo, iba ang sinasabi...You know Beanca, i wasn't born yesterday...papunta ka pa lang ay pabalik na ako..

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon