I really really really like you...
Jake's POV
Sabi nila lahat ng bagay...basta laan sayo..mapupunta sayo...ang kailangan mo lang ay magkaron ng tapang at tibay ng loob... na hantayin ang tamang panahon na para sa inyo...
Sa kaso namin ni Bea....kinailangan muna naming dumaan sa ilang pagsubok...bago namin muling mahanap ang daan pabalik sa isa't isa...maraming humps...maraming Tsonggo sa daan na humarang....pero andun ako sa paniniwalang si Bea e para sa akin lang...
Hindi ko mamadaliin ang bagay bagay sa pagitan namin....kasi handa naman akong maghintay...kahit kelan pa yan...Kagabe..after the Party...ako na mismo ang naghatid kay Bea pauwi....buti na nga lang pumayag sina Kuya niya e....kasi diba simula nung noon..mas lalong naghigpit sina Kuya kay Bea..
Ngayong umaga hinahantay ko lang si Barbie para sabay kaming magbreakfast....Hindi ko na kasi siya kasabay sa pag pasok sa school kasi si Miguel daw ang susundo sa kanya...Kinausap na ako ni Miguel noon pa lang...He wanted to court my sister...kaya naisip ko..sino naman ako para humadlang pa sa kanilang dalawa...They are grown up people who wanted to make grown up decisions..
Habang hinihintay ko si Barbie sa dining room namin..naisip kong itext ang mahal ko..
Jake: good morning to you my love...gising ka na po?i'll pick you up later...missing you...:*
*sinend ko sa kanya ang message ko...alam nyo sa totoo lang ang saya saya ng pakiramdam ko...kasi..paano ba ako hindi mapapasaya ni Bea...she's all i've ever wanted....
Napangiti naman ako nung makita ko na nagreply siya..
Bea: Morning too Mr. BOLERO..kanina pa ako gising....Nagbebreakfast na nga ako....How about you?
Jake: Hindi naman ako BOLERO :(....hinihintay ko lang si Barbs then magbreakfast na din ako....Wala bang miss you too??i miss you naman eh..
*pagtatampu tampuhan ko...
Bea: Why sad face?..ah ok...kain ka mabuti...para magkalaman ka..you lose weight kaya kelangan kumain ka ng kumain...WALA...BETTER LUCK NEXT TIME..
Jake: Sungit naman ng LOVE ko...opo..kakain ako ng marami....lalo na ngayon may nagmomonitor pala sakin...LOL...awww...hindi mo ako NAMISS talaga?
Bea: Tse...LOVE ka diyan...Kulit mo ngayon Jake...
Jake: Bakit ba e MAHAL naman kita talaga....at NAMISS kita ng sobra...
Bea: oo na lang...gonna eat muna Jake....then i will see you later..pick me up..
Jake: ok my Love...wait for me...
*sagot ko sa kanya...napapangiti naman ako..syempre...si Bea lang kasi talaga....paulit ulit man..pero yun kasi talaga ang nararamdaman ko e..hindi ko na namalayan nasa likod ko na pala si Barbie..
Barbie: Naks ganda naman ng smile mo Kuya...halatang inspired ka ah..
Jake: naman....Inspired ako syempre....
Barbie: mabuti naman...masaya ako para sayo Kuya...alam ko naman...mahal mo siya e...Pero Kuya ngayon...mas lalo mo pa siyang mahalin...don't ever let her slipped away this time...alam ko na alam mo ang mga bagay na dapat mong gawin....pero always remember kuya na andito ako lagi para suportahan ka...sa kung saan ka sasaya...Alagaan mo ang bestfriend ko...at patunayan mo sa kanyang hindi siya nagkamaling bigyan ka ng chance ulit...
Jake: salamat Barbs...wag kang mag alala..hindi na ako gagawa ng bagay na ikakalungkot ko mismo..kita mo kung gaano ako nahirapan kasi wala siya sa piling ko..at hinding hindi ko na ulit papayagan na maulit pa yun...I love her too much to let her go again...
![](https://img.wattpad.com/cover/45149332-288-k193681.jpg)