Jake's POV
Alam nyo ba ang pakiramdam na parang idinuduyan sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan....ako yun e....Tipong hindi ako makapaniwala sa nangyari...na parang hindi mo inaasahan pero heto na....
Hearing her telling me na she loves me too ano pa bang hihingin ko.....parang sapat ng marinig kong mahal niya ako para maging lubos ang kaligayahan ko.....
Jake: Mahal..
Bea:hmm?
Jake: im sorry...
Bea: sorry saan?
*sabi niya sabay tingala sakin..yakap ko kasi siya e..
Jake: For being a coward......kung sana mas naging matapang ako noon na harapin ang mga may nais na saktan ka....Sana hindi mo na kinailangang umalis...sana hindi mo naisip na baguhin ang itsura mo...sa pag aakalang hindi kita matatanggap...
Bea: Mahal..tapos na yun ok..saka isa pa....being here with you...feeling the warmth of your hug....hearing the beat of your heart is enough for me to know na mahal mo ako talaga...If given a choice naman..alam ko...hindi mo naman din sana gugustuhin na gawin sakin yun diba...Kung may iba ka lang na pagpipilian...
Jake: talaga Mahal....kasi kung may iba lang akong pagpipilian...hindi ko gugustuhin na malayo ka sakin..Pero kailangan e.
Bea: Basta kalimutan na natin yun...ang mahalaga yung ngayon...Lets start a new and make the most out of it...
*niyakap ko naman siya ng mahigpit..kiniss ko pa ang pisngi niya...siya naman yumakap din sakin....maya maya biglang bumukas ang pinto..kaya mabilis naman na napahiwalay sakin....
Bumukas kasi ang pinto at pumasok si Miguel at Barbie..na may dalang mangkok na umuusok..malamang pinag luto ako ni Barbie ng pagkain...Kita ko naman na nagtataka ang matang tumingin sila sakin...at kay Bea..
Barbie: anyare sa inyong dalawa..para kayong nakakita ng multo..
Jake: muka ka kasing multo..
Barbie: loko ka Kuya ah...palibhasa katabi mo ang bestfriend ko...sumigla ka na agad...nakakapang asar ka na e..
Jake: sira ka..tumigil ka diyan...Ano bang dala mo?
Barbie: ah..para sayo....hindi ka pa daw kumakain sabi ni Manang..
Bea: hindi ka pa kumakain?
*tanong sakin ni Bea...Lagot ako..
Jake; hindi pa kasi ako gutom..
Bea: kahit na Jake....alam mong kailangan mong uminom ng gamot...
Jake: eh...kasi..
*wala akong maidahilan...takot ko na lang....mataray na itsura e..
Barbie: ano ka ngayon Kuya..wala ka masabe..noh...
Jake: hala..akin na nga yan..kakain na ako...
Barbie: dapat lang..gusto mo atang mainis pa si Bea sayo e...Bei...ikaw lang pala makaka pag pakain sa Kuya ko..kagabe din ayaw niyan kumain e...tapos ayaw din ng gamot..paano naman siya gagalung diba..hindi naman siya nakikinig sakin..
Jake: Barbara..pwede bang tumahimik ka..Miguel..patahimikin mo yang girlfriend mo kung hindi paghihiwalayin ko kayo..
*para namang kinabahan si Miguel...sinaway na si Barbie..
Miguel: Tumigil na kasi Babe...kumakain na naman ang Kuya mo e..
*hindi na umimik si Barbie..pero si Bea..hindi din naimik..base sa tanda ko..hindi siya iimik pag naiinis na siya.....