Magkasama kami ni Jake ngayon na nakaupo sa may swing sa bahay ko..After ng wedding nina Kuya Alden kanina, kasama ko na din si Jake na umuwi dito sa bahay namin.Since kami lang ni Daddy ang andito nirequest ko lang if pwede bang magstay muna xa para magkaron kami ng chance na mag usap ng mga bagay bagay nung times na nagkahiwalay kami..
Bagong ligo na kami parehas, after kasi ng dinner nag ligo lang kami tapos nagkayayaan na mag usap dito sa labas.
Jake: hindi ka ba nilalamig Love?
*sabi ni Jake habang nakayakap sakin mula sa likod...super payapa ng gabi.Nakadagdag sa romantic ambiance ang napaka liwanag na buwan at tila nagkikislapang bituin sa langit..
Bea: hindi..basta yakapin mo lang ako Love..
*hinagkan naman niya ang pisngi ko kasabay ng pag higpit ng yakap niya sakin.
Bea: alam mo Love, ang tagal ko nangulila sa yakap mo.
Jake: ako din naman..hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob nitong mga nagdaang taon na hindi ka yakapin pag nagkakasalubong tayo.
Bea: ako man, akalain ko yon noh. Halos tatlong taon..Nakakalungkot isipin na sinayang ko yung mga araw na dapat kasama kita..naduwag ako..
Jake: hey, don't say that.Ginawa mo lang ang inaakala mong tama at nararapat..
Bea: siguro, pero i lost you.
Jake: nakaraan na yon..ang mahalaga yung ngayon..Na sakin ka na ulit..at kahit kelan hinding hindi na ako papayag na makipag hiwalay sayo ulit.
Bea: hindi ko naman din kaya na noh..mahal na mahal kita..
Jake: mahal na mahal din kita..
Bea: Love, tingin mo mapapatawad mo ang Daddy mo?
*ramdam ko na medyo alanganin siya sa topic pero kasi kung hindi namin toh haharapin kailan pa..Atleast ngayon pa lang dapat unti unti na naming gamutin ang mga sugat dulot ng nakaraan..ng magkahawak ang aming mga kamay.
Jake: sa totoo lang..My mom asked me that same question nung umuwi ako nung isang araw from Cebu.,
actually she told me na sana dumating ang time na matagpuan natin parehas na patawarin ang mommy mo at daddy ko.Bea: Love, sa totoo lang.,pinipilit kong ibaon sa limot ang lahat...Pero kasi ang problema talaga hindi mo masosolusyunan sa pamamagitan ng pagtakbo.
That day after kitang ihatid sa airport, solo akong pumunta sa puntod ng Mommy ko.
Sobrang sakit kasi...Na parang ang sakim niya lang na hindi man lang niya inisip na upon being in a relationship with someone else she will ruin our normal lives.Flashback
Dala ko ang aking sasakyan non. Wala akong matinong maisip.Gustong gusto kong sundan si Jake at bawiin ang sinabi kong gusto ko ng kalayaan..
Bea: Mommy, kahit kelan ba hindi mo man lang talaga kami minahal?Na tingin mo ba samin bunga lang ng pamimilit ng Daddy?
Kasi mommy ako mahal na mahal kita. Nasasaktan ako na kailangan kong pakawalan ang nag iisang lalaking pinaka mamahal ko dahil sa sobrang sakit ng ala alang iniwanan mo.Mommy, bakit sa Daddy ni Jake pa..Bakit kelangan mong gawing komplikado ang buhay ko. Ni minsan hindi ako nag amot ni kaunting alaga at atensyon...Pero bakit ganito pa ang isinukli mo...
Nasasaktan ako na ginawa mo yon..Pero mas nasasaktan ako na wala ka na..Nagagalit ako sayo pero mommy, kahit ganon ramdam ko pa din na mahal na mahal kita..
