Forty Two

538 24 7
                                    

Bea's POV

Kanina pa lang pagsabi ni Barbie na may sakit pala si Jake nakonsensya na ako....Syempre...nagmumukmok ako sa party maging sa byahe dahil akala ko binalewala na ako ni Jake..yun pala nagkamali ako...Kasi may sakit pala siya...at ang nagpabigla pa sakin...si Jake din naman pala ang pasimuno sa party na meron ako...

Ayaw ko man ispoil ang moment nina Kuya....Pero kasi...hindi naman ako mapapalagay na hindi ko man lang tingnan si Jake..kaya nagpaalam na ako kay Kuya kung pwede na mauna na ako ng uwi..kasi nga gusto kong kumustahin si Jake...nung una parang ayaw ni Kuya Alden..pero si Kuya Aljur...Pumayag siya....Kasi alam naman daw niya wala sa party ang lubos na magpapasaya sakin sa special day na ito....Kaya yun..hinatid ako dito ni Kuya Alden...sina Kuya Aljur naman maya maya pauwi na din...Kasama namin ni Kuya Alden sa byahe si Ate Maine ..si Barbie at si Miguel....hinatid lang ako ni Kuya dito...tapos ihahatid niya muna daw si Ate Maine babalikan niya na lang ako..si Barbie naman saka si Miguel ayun nasa kusina..magluluto daw si Barbie ng soup para sa kuya niya..kaya mauna na daw akong umakyat...

Kaya yun..dumiretso na ako sa kwarto ni Jake..sakto naman na hindi nakalock ang pinto..kaya pumasok na ako...
Lumapit ako sa kama niya tapos naupo ako sa gilid non..Hinaplos ko ang mukha ni Jake..medyo mainit pa siya..saka kita sa mukha niya may mga rashes pa siya...

Siguro naramdaman niyang may humahaplos sa mukha niya kaya nagdilat siya ng mata...Kakatuwa nga e..pagkita niya sakin..pumikit siya ulit...yun pala akala niya nanananiginip lang siya..

Jake: Bei?

Bea: Uhm?..kumusta ka na?

*sagot ko....hindi kasi siya makapaniwala e..

Jake: Nananaginip ba ako?

Bea: sira...andito ako talaga..

*sabi ko..medyo natatawa pa nga ako e..mukha kasing ewan si jake..mukhang lutang...pero gwapo pa din..

Jake: Bakit ka andito...diba dapat nasa Tagaytay ka...diba dapat andun ka...saka bakit pinuntahan mo pa ako...sana nag enjoy ka na lang dun..

*umiling naman ako..talagang napaka selfless ng tao na ito...sa tingin nyo...paano ko ba pipigilan ang puso ko na pumintig para sa kanya...?

Bea: Nakakainis ka..bakit hindi ka nagsasabi sakin na may sakit ka..diba usapan natin walang lihiman...

*bumangon naman siya...inalalayan ko pa nga e...kasi tingin ko hilo pa siya...

Jake: ayaw ko kasi na mag alala ka pa..special day mo ngayon..dapat ineenjoy mo...

Bea: hindi naman ako mag eenjoy pag wala ka e..

Jake: Talaga?

*tanong niya na medyo nangingiti pa...ganyan pala siya kiligin...

Bea: oo naman..tapos hindi mo man lang ako binabati...hindi mo ako tinetxt..hindi mo ako tinawagan..

Jake: sorry na...Hindi ko kasi kaya magphone ngayon e..saka isa pa ...medyo wala akong boses kanina...

*halata naman sa boses niya na medyo pagaw pa..

Bea: ok lang..pero ngayon ba ok ka na?

Jake: oo naman...parang bigla akong lumakas kasi andito ka sa tabi ko...kaso parang mas ok kung lalabas ka...

Bea: bakit?ayw mo ako makita?

*sabi ko na may hinampo ang tinig...pacute lang ba...

Jake: hindi naman..ikaw naman talaga..wag kang sumimangot Love..gusto ko nakangiti ka lang....

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon