Hello mga Baby....kumusta naman ang mga baby ko...nako miss na miss ko ang mga BITIN comments nyo...pero ngayon pa lang..pinapangunahan ko na kayo...BITIN din ito mga BABY...siya nga pala...iiwasan ko muna na maging active sa TWITTER..sa FACEBOOK at sa INSTAGRAM..sa kadahilanang alam kong maiinitindihan nyo...Sabihan nyo na lang ako pag meron ng kanais nais makita at hindi yung nakakaalibadbad sa mga mata....SOLID kasi ako..kaya gusto kong makita ang MAHAL...ayaw ko sa ALIWAN LANG para masabing nakamove on na....pati sarili niya lolokohin pa....Totoo pala ang kasabihan ...ang taong lubos mong mahal..siya ding magbibigay sayo ng kalungkutan..pero naniniwala pa din ako e..ewan ko ba sa sarili ko
..ayaw tumigil sa paniniwalang sila pa din...KAPIT LANG TAYO MGA MAHAL....Ang pusong tunay na nagmamahal...madapa man at malubak.....pipiliting tumayo..para muling tuntunin ang landas patungo sa kanyang sinusuyo.....
Bea's POV
After namin mag usap ni Jake..at malaman ko ang buong katotohanan..parang sasabog ang utak ko dahil hindi ko akalain na maari palang mangyari ang inaakala kong nangyayari lang sa mga palabas sa TV...Gulong gulo ako..na hindi ko alam kung paano nangyaring ang mga bagay na naging sanhi kung bakit ako nagkaganito ay pawang mga kasinungalingang ginawa lang para sa ikakabuti ko..
Ngayon..alam ko na kung bakit napakaganda ng trato nina Kuya kay Jake...kasi bukod sa sinagip sila sa tiyak na kapahamakan alam nila na mahal ako ni Jake...na kung sakali lang na may pagpipilian hinding hindi niya ako bibitawan
.....Dumating ako sa bahay.
.bakas sa mukha nina Kuya ang labis na pag aalala...malamang dahil sa hindi nila alam kung san ako nagpunta...They both comforted me....Hindi nila ako hinayaang mag isa sa pagtangis ko...Sila din ang nagpaliwanag sakin ng lahat..sila ang nagmulat sakin na mahal ako ni Jake....Sa kabila ng pagtanggi ko ...pinilit nila akong kumain...kaya wala na akong nagawa....tapos sinamahan nila ako sa kwarto ko hanggang sa makatulog ako....
Kinabukasan...maaga akong ginising ni Kuya Aljur..kasi kailangan kong pumasok sa school lalo pa at hindi na ako pumasok kahapon..Medyo maga pa ang mga mata ko nung tiningnan ko ang sarili ko sa salamin matapos kong makaligo...Kaya dahil wala akong choice...hindi ko sinuot ang contacts ko...sa halip..nag suot ako ng eye glasses para kahit paano maging malinaw ang pang kita ko....dinala ko na lang din ang contacts ko just in case....
Pagbaba ko ready na ang almusal...inalalayan pa ako ni Kuya Alden na maupo...tapos sabay sabay na kaming kumain...
Aljur: Baby...pag may kailangan ka..tawagin mo lang ako o si Kuya Alden mo ah?
Bea: thank you kuya..
Alden: Wag ka ng malungkot....Kasi nalulungkot din kami...Kaya mo yan...wag kang mag alala..hindi naman kami aalis sa tabi mo...kahit na ano pang mangyari...lagi mong maaasahan ang suporta namin sa lahat ng desisyon na gagawin mo....
Bea: salamat Kuya...saka sorry din sa pag sisinungaling ko sa inyo nung nakaraan....at sa pag sagot ko sa inyo ng pabalang..alam ko sumobra na ako dun...kaya sana mapatawad nyo ako..
Aljur : wag mo ng isipin yun..alam naman namin na nabigla ka lang.....
Alden: siyanga pala Bei..anong plano mo ngayon...balak mo na bang sabihin kay Rhon ang lahat?
Bea: Susubukan ko Kuya...sa tingin ko kasi kailangan niyang malaman..
Aljur: Ayaw ko sanang saklawan ka..pero Bei...sa tingin ko hindi tamang ituloy mo pa ang isang bagay na hindi ka sigurado..
Bea: Pero kuya...baka masaktan siya..
Aljur: Sa tingin mo ba..sa ginagawa mong pagpapaasa sa kanya na mahal mo siya...at sa pagsisinungaling maging sa sarili mo..tingin ko bukod sa kanya maging ikaw masasaktan sa huli..
*tanging tango lang ang sinagot ko kay Kuya...kasi ang hirap aminin sa sarili na tama ang pinupunto niya.....
After namin kumain...sinabay na ako ni Kuya Alden...papunta sa school..paghimpil pa lang namin sa parking lot..nakita ko na agad si Barbie na mukhang hinihintay talaga ako...
Pagbaba ko naman..nakita ko na nagulat sila na nakasalamin ako.....Pero wala naman sa kanila talaga ang atensyon ko..kundi kay Rhon...nakatingin siya sakin.....ngumiti siya sakin pero hindi naman umaabot sa kanyang mga mata....may nababasa akong emosyon sa kanyang mga mata..pero hindi ko yun mapangalanan...
Nagulat pa nga ako nung lumapit siya sa pwesto namin ni Kuya Alden...
Rhon: Good morning Bei..goodmorning Kuya Alden..
*tumango naman si Kuya...
Rhon: Kuya...lalakasan ko po ang loob ko...Na..magtanong kung pwede kong makausap si Bea mamaya bago umuwi...may kailangan lang po akong sabihin sa kanya...
*tumingin sakin si Kuya...tinanguan ko naman siya
...kita ko na lang na bumuntong hininga siya..Alden: O sige..pero hihintayin ko ang kapatid ko dito..nagkakaintindihan ba tayo?
Rhon: opo Kuya...salamat..
*nauna ng umalis si Kuya..ako naman bumaling kay Rhon..
Bea: anong pag uusapan natin?
Rhon: Mamaya na lang Bei...mamaya na lang...
*tumango ako...hinagkan niya ako sa pisngi tapos tumalikod na siya sakin...
Barbie: Bei....
*napatingin naman ako sa kanya..
Barbie: alam ko...wala ako sa posisyon..pero gusto ko lang sanang itanong...kung..anong kinalaman mo...sa nangyayari sa Kuya ko...
*nagtataka ko siyang tiningnan...
Barbie: Noon Bei...noon pa lang..kaya ko pinipigilan ang relasyon nyo...kasi alam ko hindi ganun katino ang kuya ko pag dating sa babae...pero simula nung umalis ka...may nag iba sa kanya...at hindi ko alam kung ano yun...pero sigurado ko..isa ka sa makakapag bigay sakin ng kasagutan...
Bea: Alam ko Barbs..marami kang tanong...marami kang gustong sabihin...pero hindi ito ang tamang lugar para dun...Pero promise ko...pag naayos ko yung dapat kong ayusin ako na mismo ang magsasabi sayo ng lahat...ng lahat lahat..
..
*tipid naman siyang tumango sakin..kaya gusto kong kaibigan si Barbie e..kasi inuunawa nya ako sa abot ng makakaya niya...
Magkasama kami buong araw dahil sa klase namin.....after ng class kita ko na agad si Rhon na hinahantay ako sa labas ng classroom..niyaya niya ako sa isang private na place sa school..kami lang ang andito...Bea: anong pag uusapan natin Rhon..
Rhon:...sa totoo lang Bea..gusto ko sanang hindi ituloy ito at iurong ang plano ko...Kagabi pa lang..pinagiisipan ko na ito e....Pero kanina...nakumbinsi ako na ituloy ito...dahil sa nakita kong pamamaga ng mga mata mo...
I may not be the best man....pero i noon na binigyan mo ako ng chance i promised myself to be the best boyfriend na papangarapin mo..
Pero ganun siguro talaga..gustuhin ko man na ibigay sayo lahat....ialay sayo lahat...hindi pa din yun sasapat...aminin ko man sa sarili ko o hindi..alam ko at ramdam ko...na ngumiti ka man...hindi ka masaya...i was actually thinking kung ano pa ba ang kulang...i tried my best to fulfill the missing pieces...pero dumating ang realization sakin na..hindi pala talaga ako ang makakakumpletp ng kaligayahan mo...at hindi ako madamot para ipagkait sayo yun..Bea: Rhon..naguguluhan ako...hindi kita maintindihan..ano bang tinutumbok mo?
Rhon: isa lang Bei....isa lang ang tutunguhin nito...at yun...ay ang kalayaan mo...Pinapalaya na kita....
Pinapalaya na kita....
Pinapalaya na kita....
Pinapalaya na kita....
Pinapalaya na kita....
Pinapalaya na kita....
To be continued
..