Bea's POV
Naalimpungatan ako nung parang may pamilyar na amoy na nanunuot sa ilong ko.Nagpanggap akong tulog, hanggang sa marinig ko na mahinang nagsasalita si Jake.
Jake: kung pwede lang ibalik ang nakaraan, hinding hindi ako papayag na hiwalayan mo ako..Miss na miss na kita baby ko, ang ngiti mo,yakap mo, maging ang pagsasabi mo sakin na mahal mo ako..
Pero ngayon,tanging ramdam ko lang na miserable pa din ako kasi hindi ka na sakin.At ang sakit sakit isipin na may ibang tao na nakakapag pangiti sa mga labi ko at hindi na ako yon.Kung pwede lang na turuan ang puso..Pero pano ko nga ba matuturuan ang puso ko na pangalan mo lang ang kilala..Sana dumating yung araw na muli, maging akin ka.
*hindi ko alam kung san ako kumukuha ng lakas ng loob na labanan ang aking nararamdaman.Andon yung kagustuhan kong sabihin sa kanya na "Mahal, mahal na mahal kita" pero paano ba...paano pa ba?
Kung alam lang niya kung gaano ko nagmithi na muling mapaloob sa braso nya, kung gano ko kagusto na mahagkan at mayakap xa at maiparamdam na mahal na mahal ko siya at ni minsan wala akong balak humanap ng iba..
Gusto kong maging matapang na kalimutan lahat ..Pero sa tuwing bumabalik sakin ang nakaraan, para siyang tali na ginugumon ako at sinasadlak sa kalungkutan..Ramdam ko ang pag alog ng balikat ni Jake tanda na umiiyak xa. Mahirap para sa kanya ang pangyayari.Mahirap para saming dalawa na naipit non sa naguumpugang bato pero walang nagawa kundi ang tapusin ang lahat at ang pagmamahalan nami'y piliting ihinto.
Hindi na ako nakahuma nung naramdaman ko ang labi ni Jake na humalik sa labi ko ng buong pagsuyo.Ang sarap balikan ng mga panahon na kanya pa ako at akin pa siya..ramdam ko sa halik nya ang pag hahangad na muli maibalik ang noon.Pero kasi duwag ako non, pinili ko siyang talikuran at itapon ang pagmamahal nya ng ganun ganun na lang..Maya maya pa nadinig ko na muling sumakay sina Gabbi.Mga ilang minuto akong hindi umiimik nung pasimple kong narinig ang mahinang boses ni Gabbi.
Gab: i know your awake.and I hope, na kung ano man ang narinig mong sinabi nya maging daan para mahanap mong muli ang daan pabalik sa kanya..You both can pretend that your happy for as long as you want..Pero hanggang kelan nyo ba kakayaning lokohin ang inyong mga sarili..
*hindi ako nagmulat pero pinisil ko ang kamay nya para ipaalam sa kanya na narinig ko ang sinabi nya.
Ilang oras pa at nakarating na kami sa beach house nina Gabbi.
Binaba lang namin ang mga gamit namin at muli kaming bumaba para kumain.Matapos naming kumain, pinili kong pumasyal muna mag isa sa may pampang at maupo sa batuhan habang hinahayaaang pawirin ng hangin ang mahaba kong buhok.
Maya maya pa naramdaman kong tumabi sakin si Cocoy.
Cocoy: Bei, lalim ng iniisip mo ah..
*napatingin naman ako sa kanya..mabait si Cocoy pero hindi ko tlaga siya kayang mahalin ng tulad ng inaasam nya e
Bea: Coy, salamat ah..
Cocoy: para san?
Bea: for being a friend..for making me laugh..for taking care of me sometimes..
Cocoy: alam mo naman kung bakit diba.
Bea: yeah, pero kasi Cocoy..ayaw kong yung nararamdaman mo ang pumutol sa pagkakaibigan na meron tayo..Mabait ka, marespeto, may mga katangian kang pwedeng maging dahilan para mahulog sayo ang damdamin ng isang tao, pero kasi...
Cocoy: hindi mo kayang mahulog sakin, ganun ba?
Bea: Cocoy, ayaw kitang paasahin sa wala..Gusto kitang maging kaibigan..kaya ngayon pa lang, gusto kong maging tapat sayo na kahit kelan hindi ko makakayang suklian ang nararamdaman mo.