"Ang pag ibig hindi nagkukulang...Ang pag ibig walang katumbas na yaman...
Ang pag ibig ay nararamdaman hindi ipinagbibili...
Ang pag ibig ay iniiingatan,ipinag lalaban at ipinag kakaloob sa tamang panahon.."#Lola
#Kalye SeryeAljur's POV
Kanina hindi ko napigil na sabihin kay Bea ang tungkol sa mga bagay na hindi talaga sana gusto ni Jake na malaman pa ng kapatid ko...Pero kasi hindi na ata tama..hindi na tamang masyado siyang bulagin ng galit niya....Oo hindi niya alam kung ano ang totoong nangyari..pero hindi yun sapat na dahilan para maging ganyan siya...Mahal ko ang kapatid ko kaya hanggat kaya ko itatama ko ang maling paniniwala niya...
Kanina....umalis siya matapos naming magkasagutan.....i dont know kung san siya pumunta.....Hinanap siya ni Alden..pero ni hindi naman din daw siya nakita nina Barbie...Hinanap ko na din..hindi na ako pumunta sa opisina kasi alam ko naman hindi din ako makapag iisip ng ayos pag pumasok ako...sobra sobra na kaming nag aalala sa kanya...
Alden: kuya..mag report na kaya tayo sa pulis...
Aljur: Alden...hindi muna..malay mo nagpapalamig lang si Bea ng sitwasyon...
Alden: Kuya..baka napahamak na si Bea...Sobrang sakit sa kanya toh..
Aljur: alam ko naman..pero Alden...hindi ako nagsisisi na sinabi ko sa kanya yun..you know..we cant keep that thing to her forever...Besides...she deserves to know...Nag baka sakali na lang din ako...na baka mababalik ang dating siya kung malalaman niya ang lahat...
Alden: Alam ko naman yun kuya..pareho tayong nanibago nung nagkaganyan si Bea....kaya nauunawaan kita....siguro ngayon...nagyong alam na niya ang lahat..mas kailangan nating doblehin pa ang pag iingat..at pag aalaga sa kanya...mas kailangan nating intindihin na may pinag daraanan siya ngayon...
Aljur: tama ka...kailangan nating iparamdam sa kanya na hindi siya nag iisa....na andito tayo para makaramay niya....
*tumango tango naman si Alden....
Alden: Kuya..sinabi mo na ba kina Mommy?
Aljur: Hindi pa..saka isa pa..ayaw ko sana sabihin baka mag alala sila kay Bea....
*sasagot pa sana si Alden sakin kaso pareho kaming napatingin sa pinto....Si Bea ang dumating...Kitang kita na ang pamamaga ng mga mata niya marahil ay dahil sa pag iyak
...Aljur: Bea...anong ...
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko...Tumayo kami ni Alden at sinalubong siya....tumakbo naman siya payakap sakin..si Alden naman niyakap din si Bea...
Bea: Kuya Aljur..Kuya Alden...bakit hindi nyo sinabi sa kin agad....bakit...
*batid ko ang hinanakit..at sakit sa tinig niya...at alam kong nasasaktan siya sa mga oras na ito....Si Bea ang tipo ng tao na animoy kay tigas ng anyo sa panlabas..pero may pusong mamon ito na madaling masaktan...kaya nga sobrang pag babantay o pag hihigpit sa tingin nyo ang ginagawa namin..Hindi dahil sa kung ano pa man..kundi dahil mahal namin ang kapatid namin...sino bang kapatid ang mag nanais na masaktan ang kapatid nila sa kahit ano mang paraan...sa tingin ko ay wala....
Aljur: Halika dito..mag usap tayo..
*sabi ko sa kanya habang hawak ko ang kamay niya..umupo kami sa sofa sa living room..pinapagitnaan namin siya ni Alden...haplos ni Alden ang likod ni Bea dahil nga umiiyak ito...pinapahiran niya din ang luha ng kapatid namin...sa amin kasing dalawa na kuya..si Alden ang mas showy ng care at love...siya yung maalaga...ako yung tipo na mukhang strikto..pero para lang naman yun sa ikakabuti....hawak ko ang kamay ni Bea...
Aljur: Bea...nung una...gustong gusto ka naming iganti kay Jake...gusto namin siyang bugbugin...para kahit pano..makabawi man lang sa sakit na makita naming nasasaktan ka dahil sa kanya...
Lalo na nung umalis ka at nagpunta sa France...sobra kaming nanibago kasi bukod sa umalis ka...nung nakita ka namin ulit wala na ang dating ikaw....Pero inunawa namin yun dahil alam namin na masakit ang pinag daraanan mo..
Nung makabalik kami dito...galing sa ilang linggo na pag dalaw sayo..balak na namin ni Alden na gumanti....Na turuan siya ng leksyon...Pero bago pa mangyari yun...Hinarang kami ng may limang kalalakihan....Hindi kami nakapalag...Piniringan nila kami....Hindi naman siguro kaila sayo na maraming babae ang lumuha ng dahil samin at yun ang isa sa mga pinagsisisihan naming dalawa....kasi yung kasalanan namin na yun ang naging dahilan kung bakit nalagay sa kapahamakan ang buhay mo...ang kinabukasan mo.
....Mabuti na lang....Andiyan si JAke....Nung binihag kami ng mga lalaki....inalsan kami ng piring...lagay na ang loob ko nun.. na kung sakali man...na mabuhay ako..maraming magbabago....at lumagay na din nun sa isip ko na...baka ikamatay namin yun ni Alden...at naiisip ko ang maari mong maramdaman....
Pero lahat ng yun..lahat ng takot at pangamba ko..nawala...napalitan ng paghanga...at pagtanaw ng utang loob...
Bea:kay Jake?
*tanong ni Bea kaya tumango ako..
Alden: si Jake ang sumalo ng lahat ng hampas...nag lapnos na dala ng mainit na bakal....ang sugat bunga ng maraming paddle...na tumama sa kanyang katawan....ang bukol...na naging sanhi kung bakit nanganib ang sarili niyang buhay.....Alam mo ba na pinili niya yun lahat...masiguro lang na hindi ka masasaktan kung sakali na may mangyari sa amin..kaya sa halip na samin tatama ang mga hampas na yun...sinalo niyang lahat...
Aljur: Nung una...inakala ko..kasama si Jake sa bubugbog samin....Pero nung narinig ko ang galit niya
..at nakit kong nag pupuyos ang kalooban niya nung sinabi nung isang frat na kung hindi nakialam si Jake..pinagsasaan ka na nila....Dun ako naniwala na dakila ang pagmamahal na meron siya para sayo....Bea....Sinakripisyo ni Jake ang lahat..maging ang pagmamahal niya para sayo...Alden: Nung una siyang magkamalay sa ospital...ikaw agad ang unang bukambibig niya...Awang awa kami sa kanya..ilang buwan siyang coma..tapos nung nagising siya..hindi naman siya makalakad....Pero sa kabila ng pamimilit namin sa kanya na ipaalam sayo tumanggi siya.....Tiniis niya lahat...ang sakit at hirap..nagtiyaga siya sa pag aaral..kahit home schooled tinapos niya ang high school..kasi pangako niya daw yun sayo ...na tatapusin niya ang pag aaral niya para maging maayos siya hanggang sa muling pagbabalik mo..
aljur: pero kita ko kung gaano kasakit sa kanya na makita kang hawak na ng iba....pero tinitiis niya yun...we even told him na..kung gusto niya tutulungan namin siya na ipaliwanag sayo ang lahat....Pero ayaw niya...kasi sabi niya...tahimik na ang buhay mo..at masaya ka na sa piling ng pinsan niya....Pero kami ni Kuya alden mo...kilala ka namin...alam namin kung ano ang nariyan sa loob ng puso mo na pilit mong tinatakpan ng galit at poot na siyang kumakain sayong pagkatao...
Bea....hindi ko sinasabi sayo ito para maawa ka kay Jake....o pagsisihin ka...Sinasabi ko sayo lahat kasi ito ang matagal na dapat naming siniwalat ni Alden...Bea...matuto kang magpatawad...hindi para sa kung kanino pa man..kundi para sayo mismo....Nalulungkot kami ng kuya mong makita kang ganyan....Na puno ng galit ang puso....Lalo na at alam naman namin na kung sakali..kaya naming baguhin ang sitwasyon....Bea....Si Jake..
Bea: Mahal niya ako..
*napatingin kami sa kanya....
Bea: Nag kausap na kami Kuya...Kanina..hiningi ko sa kanya na malaman ang lahat....at sobrang sakit Kuya...sobrang sakit....na hinusgahan ko siya....na kung tutuusin para sakin ang lahat ng ginawa niya..pero para akong walng utang na loob kung itrato ko siya....I hated him...too much..
Na halos kinalimutan ko..at pinagwalang bahala ko ang tunay na sinisigaw ng puso ko....pero pano pa......*sabi ni Bea habang umiiyak...awang awa kami sa kanya...ang hirap makita na umiiyak siya..parang kami na din ang nasasaktan...
Bea: Kuya..Mahal na Mahal ko si Jake..pero hindi na pwede....mahal ko siya kuya....noon...ngayon..at alam ko hinding hindi na mawawala yun...Sobra sobra ko siyang Mahal.....
*umiiyak na sabi niya...niyakap ko siya....sa ngayon..yun lang ang magagawa ko..yung maiparamdam sa kanya ang pagmamahal ko..ang pagmamahal namin ni Alden...
To be continued...