Np: ikaw na nga (while typing)
Hello Readers....Sa totoo lang ang hirap magtype ng bagay na walang inspirasyon...pero alam nyo ba..maisip ko pa lang na kailangan ko lang maniwala at kumapit kahit paano may natatype naman...kaya po kung hindi mareach ang expectations nyo....pasensya na...pero salamat pa din for taking time to read this story..."I could really love someone else but you"
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤JhaBea¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
"Minsan...hindi sapat yung mahal kita lang...we humans...we always tend to asked for more...wala tayong contentment...admit it or not its true...mapaghanap tayo ng kakulangan...without even thinking na nasa harapan na pala natin ang bagay na ang daming tao ang naghahangad...ako...masasabi ko...Hindi sapat sakin na mahalin mo lang ako..gusto ko rin maranasan na igalang at irespeto ako bilang tao...I want to feel my worth.."
Jake's POV
Tanaw ko mula pa lang sa kinauupuan ko ang dalawang mamahaling sasakyan na parating...Hindi maipagkakaila ang rangya ng buhay nila..Pero wag nyong isipin na naiinggit ako...kasi hindi....Mula din ako sa mayamang angkan...Ako lang naman ang anak ng isang sikat na business man hindi lang sa bansa..kundi sa mga karatig nito..i always get what i want..Ako si Jhake Angelo Vargas..16 years old...kasalukuyan na akong high school graduating student..pero wala akong ganang mag aral....abala kasi ako sa ibang bagay...ako ang lead vocalist ng official band ng school...sa lahat pinakagusto ko ang kumanta..pero syempre dahil business man ang Daddy ko ngayon pa lang yun din ang tinatak niya sa isip ko na susundin ko ang mga yapak niya....kaya habang pwede pa akong mag aliw..gagawin ko na...tutal pag nag trabaho na ako..mas boring na ang buhay ko...minsan nga gusto ko ng tumigil sa pag pasok..kahit naman kasi hindi ako makagraduate may trabaho na nag hahantay sakin..
Lumaki kasi kami ng kapatid kong si Barbie sa shelthered life...we always get what we want...Binibigay samin yun...pero lately..my dad is too annoying...Kesyo magtino na daw ako sa pag aaral..na tigilan ko na daw ang pagbabanda ko..pero paano ko ba bibitawan ang isang bagay kung dun lang ako sumasaya...Masyado kasi yang si Daddy...demanding...kinokontrol niya din ang buhay ko...kaya mas lalo akong nawawalan ng gana...
Ngayon...napabalik ako sa kasalukuyan ng ginulo ako ng mga kaibigan ko si Miguel
Kiko...nakatanaw kasi ako sa latest model ng sasakyan na balak kong ipabili sa Daddy ko..kaso eto..naunahan na agad ako ng isa ding nanggaling sa mayamang angkan....Bumaba mula sa sasakyan ang dalawa sa sikat na tao sa school..isang heartthrob at isang varsity player...madami na ang nakaabang sa kanila sa tuwing oras ng pasukan o uwian....Gwapo naman nga sila talaga...oh..excuse me.hindi ako beki ah...sinasabi ko lang sa inyo para aware kayo..kita ko ang kinang sa mata ng mga babae...sikat naman din ako sa school..lalo na pag nagperperform ako..pero iba pa din ang magkapatid na ito...syempre..mas nauna silang nakilala dito...Kiko: pre...syota mo..
Miguel: oo nga...andyan na ang syota mong mukhang Lola..
*bigla naman ngang napabaling ang tingin ko sa kanya...Marami talaga ang nag tataka kung bakit naging ganyan si Bea....To think na dating beauty queen ang Nanay niya...gwapo ang Tatay at mga kapatid niya...pero siya...Nevermind..napaka aga para magkasala ...minsan alam nyo may nagsabi baka daw ampon si Bea...pero hindi naman ako sang ayon...May hawig si Bea kay Alden e...tapos minsan naman parang hawig siya ni Kuya Aljur...Sa totoo lang..para sakin naman..hindi naman siya ganun kapangit...pangit lang..pero hindi masyado.pangit lang ang sense of fashion niya..Sikat siya sa school tulad ng mga kapatid nya...pero sa kabaligtaran na paraan...She's a Nerd for crying out loud...Tapos Clum A..Clum B..Clum C..Clumsy po niyan...super..Pasalamat na nga lang at matalino siya...siya ang top one student ng buong high school student...sobra siyang mag excel sa mga subjects...as in...