Eighty

171 11 2
                                    

Pagdating ko pa lang kanina sa may simbahan hinanap na agad ng aking mata ang nag iisang babae na tinatangi ng aking puso..

Nakatalikod siya sa gawi ko habang akbay siya ng Daddy nila..Napatingin ako sa mangilan ngilang kalalakihan na kasali sa entourage na tila naestatwang nakatingin sa aking kasintahan..
Masasabi kong isa na si Bea sa pinaka magandang babae na nakilala ko..Hindi kailanman pwedeng itanggi yun..Kitang kita pa sa gown na suot niya ang magandang hubog ng
Kanyang katawan at ang mala porselana niyang kutis..At maswerte ako na akin ang babaeng yan..at pinapangako ko na kahit kelan hinding hindi ko na siya pakakawalan..

Tahimik akong lumapit sa kanilang mag aama..Hindi nakalampas sa pang amoy ko ang partikular na bango na tanging kay Bea ko lang naamoy,.Yung pabango niya mula non na tlagang alam na alam mo agad pag siya na yung malapit sayo.. Kaya nga hindi na ako nagtataka na hindi ko natiis na hindi maakit sa kanya,.I am glad to be the first man and only man in her life..Alam ko maaring ikagalit sakin or samin yun nina kuya Alden pero kasi mahal na mahal namin ang isat isa na parang hindi namin kinaya na pigilin ang aming sarili na gawin ang bagay na ginagawa lang ng mag asawa..At alam ni Bea na matinding pagtitimpi ang ginawa ko nung magkasama kami sa Sagada..Kung payag nga lang siya gustong gusto ko na siyang pakasalan para magkasabay naming buuin ang  aming mga pangarap.

Pero dagling nabago ang aking iniisip nung mahuli ng aking mata ang tila nakakalokong tingin ng daddy nina Bea.

Jake: Kuya, congrats and best wishes po..im happy for you and ate Maine..

*bati ko kay Kuya Alden na hindi maitatanggi ang kaligayahan ngayong ikakasal na sila ni ate Maine..

Alden: Salamat Jake...Ikaw ba kelan?

*napatingin naman ako kay Bea..Kasi diba ang alam ko bawal magsabay sa isang taon na ikakasal ang magkapatid kasi masama daw yon ayon sa pamahiin.

Jake: ha...ahh ehh..depende po Kuya...bawal po kasi ang sukob diba po?

*naguguluhan namang napatingin sina Kuya Aljur sakin...Pero dagli namang nawala yun nung naramdaman ko ang paghawak ni Bea sa mga braso ko..bigla kasing tumawa ang daddy nila kaya mas lalong naguluhan sina Kuya..

Bea: Love, i haven't tell them yet.

*tila natatawa't nahihiyang sambit ni Bea habang nakahawak sa braso ko..masaya naman ako na sa kabila ng lahat masaya akong tinanggap ng mga kuya niya at ng Daddy nila while telling me na sakin lang talaga siya lubos na liligaya..

Gumilid pa kami ni Bea after non at tinanong ko sa kanya kung sino ba ang makakapareha niya.,
Hindi sa nagseselos ako ah.Pero siguro andon na ako sa punto na masyado akong takot na baka may makaagaw pa sa kanya..Hindi naman sa hindi ako confident sa pgmamahal ni Bea pero sige..O sige na..aaminin ko na.Seloso na kung seloso pero akin lang ang mahal ko..

I kissed her lips..hiyang hiya siya habang hinahampas ko.kita ang pamumula ng mukha niya lalo na kasabay nun ang pangangantiyaw ng mga kuya niya at nina Barbie saming dalawa..Niyakap ko na lang naman siya..ilang minuto pa ang nagsimula na ang kasal..
Sakin tumabi si Bea dahil katabi ko din sina Kuya Aljur at si ate Kris na medyo malaki na ang tiyan ngayon..
Hindi kasi sila agad nagka baby. Kasi may kailangang tapusin na kontrata si ate Kris.

Kasalukuyan akong nakangiting nakatingin kina Kuya alden at ate Maine dahil kakatwang isipin na lumipas man ang panahon pero ang pagmamahal nila ang nagwagi.,
Hindi din naging madali ang lahat para sa kanila pero kinaya nila at lakas loob nilang pilit kinakaharap ang bawat pagsubok na dumarating sa relasyon nila.

Umaasa ako na sana, kami naman ni Bea ang sunod. kay tagal kong pinangarap na balang araw ako naman yung nasa pwesto ni Kuya alden kasama ko si Bea habang sumusumpa kami sa harap ng Diyos na magsasama at magmamahalan habang buhay..

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon