Ninety - The Reception

90 5 5
                                    

Hello guys, how was the previous chapter?
Anyways, the picture attached is the exact wedding gown i wanted for my wedding..
Wala lang..share ko lang.

Jake's POV

This day i guess is the happiest day of my existence. Marami namang masasaya kasama syempre yung araw na naging kami ni Bea.
Hindi maalis ang ngiti sa labi ko..Pakiramdam ko nga sa sobrang saya ko lalabas ang puso ko e.

Nung nakita ko pa lang si Bea na naglalakad papalapit sakin, ang palitan namin ng I Do sa harap ng pamilya namin ni Father at higit sa lahat sa harap ng Diyos. Parang hindi pa din kapani paniwala..Kung panaginip man ito parang ayaw ko na magising.

After ng seremonya ng kasal, picture taking with the rest of our family, at after ng documentation for our same day edit pictorial heto ako at sakay sa bridal car katabi ang pinaka magandang babae sa buhay ko..
Kita ko ang partikular na ningning ng mga mata nya na nasasalamin ang lubos na kaligayahan, na alam kong eksaktong replika ng nararamdaman ko din ngayon..

Napatingin siya sakin at hinaplos ang aking pisngi..

Bea: Love baka matunaw ako sige ka..

*natawa naman ako at niyakap ko siya ng mahigpit.

Jake: Love ko, kurutin mo nga ako..baka kasi panaginip ko lang toh e..Ayaw ko na sana magising..

*kinurot naman nga niya ang tagiliran ko at napa igik ako sa sakit..

Jake: arayyy..totoo nga

*sabay naman kaming napatawa..

Bea: thank you Love..

*saad nya habang direktang nakatingin sa aking mga mata.

Jake: for what?

Bea: for making my dream wedding turn into reality.. well hindi naman sa garbo ng kasal..actually the dream na ikaw yung kasama kong humarap sa altar na naging totohanan ngayon..Thank you..for making me this happy..for the overflowing love and affection..

*hinagkan ko naman ng mabilis ang labi nya..

Jake: Everything that will make you happy, will make me happy.

*napangiti naman xa at yumakap sakin.Dahil medyo malapit lang ang simbahan sa hotel ni Bea heto kami at masayang sinasalubong ng masigabong palakpakan ng lahat ng mga taong nagmamahal samin na pawang may mga ngiti sa kanilang mga labi,. I even saw kuya alden and Kuya Aljur and Bea's Dad wiping their tears..ganon din maging ang ate Kris at ate Maine at ang mga kaibigan namin ni Bea pati ang mommy ko..ang Daddy ko naman batid ko na sa kabila ng maganda niyang ngiti e yung di matumbasan na kaligayahan na bukod sa kapatawaran na binigay namin sa kanya, e yung panibagong anak na babae sa katauhan ni Bea..

Yumakap kami sa kanila sa pamilya namin..di man namin sila maisa isa pero sa pamamagitan ng aming ngiti gusto naming ipaabot sa kanila ang labis na pasasalamat sa pagdating nila sa pinaka espesyal na araw para sa amin ni Bea bilang mag asawa na..

Pinaupo na kmi sa pwesto para samin,.nagsimula na ang kainan ang masasayang tawanan na pumapaligid sa aming mag asawa..

After eating syempre may program pa din,.May video presentation ng pictures namin ni Bea from a baby hanggang sa naging magkasintahan kami,,we also had a picture nung masaya naming kasama ang pamilya namin nung birthday nya na nagkapatawaran kami..Pero ang pinaka nakapag paiyak sa asawa ko e yung picture ng mommy nya nung baby pa xa na tila nag uumapaw ang kaligayahan sa mga mata habang nakatingin sa sanggol nya..according to Bea, that was the first time na makita nya ang picture na yon kasi kasama ang picture na yon sa box ng alahas na suot ni Bea ngayong kasal namin na nakuha ng Daddy nya sa safety deposit box ng mommy nya..After all this years naman pala, hindi lang din siguro matanggap ni Mommy Bernice noon na mahal nya ang mga anak nya kasi bulag xa sa pagmamahal sa ibang lalaki, which is my dad.
Yung regalo nya kay Bea daw e binili pa noong umuwi sila bago pa muling magulo ang lahat..hindi biro ang halaga ng alahas na sa tatak pa lang milyon milyon na ang halaga.Pero ang mas nakakatuwa don e yung isipin na bago pa man ang lahat nakapag handa ang Mommy ni Bea ng regalo para sa araw na ito na nagsisilbing alaala na wala man siya pero may iniwan siyang alaala..magandang alaala na mababaon naming mag asawa habang panahon.

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon