"Wag mawawalan ng pag asa...lahat mangyayari sa takdang panahon"
-NathanielBea's POV
Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa may gilid ng pampang...After kong umalis nun dito sa Pilipinas ngayon lang ako nakaramdam ulit ng kapayapaan ng kalooban...kakatwa kasing tingnan ang alon....Parang tao lang pala sila...Aalis..lalayo..pero babalik at babalik sila sa kung saan sila nag mula...
Masyado akong tulala sa alon..nung naramdaman ko ang pagtabi sa magkabilang side ko ng dalawang tao....Sina Kuya toh sigurado ko..
Alden: mukhang malalim ang iniisip mo ah..
Aljur: Care to tell us..?
*napabuntong hininga naman ako..
Bea: Nalilito ako...kung bakit ganun...
Aljur: anong ibig mong sabihin?
Bea: Naiinis ako kasi kuya..nung hindi pa ako bumabalik sigurado ako sa sarili ko na pag balik ko...Gagawin ko ang lahat para makaganti sa kanya...pero bakit ganun....Bakit hindi ko magawa..
*sabi ko....hindi ko inaasahang maiiyak ako....pero mabilis kong pinahid ang luha ko...hindi tamang umiyak ako..kailangan kong maging malakas....kailangang maging mas matigas ako...hindi tamang ibalik ko ang kahinaan na tinapak tapakan nilang lahat noon..kasi pag ganun..ako ang talo...
Alden: Alam mo kasi minsan hindi sapat yung alam mo.....kasi minsan may mga bagay na sadyang nangyayari ng naayon sa utos ng kapalaran mo..
Bea: Huh?anong ibig mong sabihin kuya..
Alden: Basta...sa takdang panahon malalaman mo din..
Aljur: Sa ngayon ienjoy mo lang ang buhay mo..wag mong iconsume ang sarili mo sa galit....Kasi walang magandang pagdadalahan sayo yan....
Bea: Pero Kuya...kailangan ko ito...Para makaganti...
Aljur: Bea....ni minsan..hindi naging tama ang gumanti sa kapwa...oo..Nagkasala sila sayo...pero diba...sabi nga pag binato ka ng bato..batuhin mo ng tinapay...
Tulad lang niyang kaso mo...Nagkasala man ang lahat sayo..pero isipin mo..ikinaganda ba ng buhay nila yun?Isa pa..minsan kasi may mga ginagawa ang mga tao sa paligid natin ng wala sa intensyon..dangan lang talaga at yun ang hinihingi ng pagkakataon...
Bea: so parang sinasabi mo Kuya..hindi intensyon ni Jake ang saktan ako...At hinihingi lang yun sa kanya ng pagkakataon?..
*iritable kong tanong sa kanya....para kasing may mali..noon...tulad ko sila na iritable kay Jake..diba nga pinigilan ko pa sila nun na gumanti kay Jake...kasi sabi ko..pagbalik ko...gusto kong ako mismo ang maniningil sa kanya..pero bakit nag iba ata ang ihip ng hangin...
Sasagot sana si Kuya..pero napalingon kami sa may bandang likod namin...
Speaking of the devil...saad ko sa utak ko...Jake: Kuya Aljur..punta daw po kayo dun sa may bonfire..maglalaro daw tayo ng truth or dare ..
Alden: Ah sige Jake..sunod na kami..salamat...
*sabi ng Kuya ko...sa totoo lang nagtataka ako..bakit parang ang bait nila kay Jake..mas nice pa sila kay Jake kesa kay Rhon e...tulad kanina kita ko sabay sabay pa silang lumabas galing sa kwarto nila.....
Ano bang meron...anong nangyari kina kUya habang wala ako...?Alden: Halika na Baby..tigilan mo muna ang pag eemote mo jan...enjoy natin ang stay natin dito ngayon na nga lang ulit tayo nagkasama ng ganito e...sige na..