Chapter Twelve

505 23 30
                                    

Bea's POV

Lumilipas ang araw at linggo...maayos naman ang buhay estudyante ko....At first challenging..pero talaga sigurong pag gusto may paraan...lalo na pag mahal mo ang ginagawa mo...
Natutuwa sakin sina Barbie e...wala daw akong kupas...Hanga din sakin ang mga teachers..kasi ibang iba daw ako sa dalawa kong kuya na nauna sakin..mga bulakbol kasi sina Kuya...pero kahit ganun naman hindi naman sila bumabagsak...Medyo dinadaan din nila sa karisma ang mga teachers para makapasa sila...

Ngayon..dahil sa kararating ko lang daw at matagal kaming nagkahiwalay nagyaya sina Barbie na mag outing..tutal naman daw wala kaming pasok dahil long week end...Nagpaalam naman ako kina Kuya...payag naman sila....pero sa kondisyong hindi ako aalis ng hindi sila kasama.pero alam ko naman na hindi lang yun ang dahilan.....lalo pa at alam kong alam nila na kasama si Rhon....kaya ayaw ko man..at gusto...hayun..kasama sila...

Katunayan kasalukuyan na kaming sakay ngayon ng van nina Barbie....Nasa unahan si Jake...siya ang nagmamaneho....sa katabi niya si Barbie....Si Rhon naman nasa may bandang likuran namin..katabi niya sina Miguel at Kiko..nasa may unahan naman nila sina Gabbi at Ruru...

Napatingin ako sa salamin ng sasakyan...alam ko hindi man ako tumingin na kanina pang may palihim na sumusulyap sakin...Sa totoo lang..hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kasalanan niya sakin...Kasi paano...lagi kong kasama si Barbie...syempre..kahit papano iniisip ko pa din ang mararamdaman ng bestfriend ko lalo pa pag nasaktan ko ang kuya niya....Tumingin ako sa salamin pero hindi para ngumiti..tinarayan ko lang siya ng mata...kanina pa kasi...pasimple pa...ewan ko lang kung hindi napapansin ng mga kuya ko na pinapagitnaan ako....Sabi nila sakin susunod daw ang mga girlfriend nila sa resort nina Gabbi...wala naman akong comment...bahala sila..ginusto nila yun e...kung tutuusin naman pwede naman na hindi nila ako samahan sa sasakyan..kaso sa kagustuhan nilang mailayo ako kay Rhon heto at umeepal sila...

Dahil sa ayaw ko din naman ng pakiramdam na may tumitingin sakin..nagpasya akong matulog na lang...humilig ako sa balikat ni Kuya Aljur..

Aljur: Antok ka baby..

Bea: opo Kuya...

Alden: eto ang unan oh..para hindi ka mahirapan..

*sabi ni Kuya Alden...kinuha ko naman..medyo ok naman kami...mainis man ako sa kanila ng mainis wala pa ding babago sa katotohanang magkakapatid kami..at kailangan ko silang unawain kasi para naman din sakin ang ginagawa nila...

Humilig na ako kay Kuya Aljur...

Bea: Kuya ikaw hindi ka ba inaantok mas maaga ka pang nagising sakin para mag ready ng dadalahin natin diba?

*tanong ko kay Kuya Alden...
Maasikaso kasi si Kuya..hindi niya hahayaan na basta kaming umalis na hindi nasisiguro na dala namin lahat ng kailangan namin..

Bea: Halika na Kuya..sandig ka na sakin...

*sabi ko..tapos sumandig ako kay Kuya Aljur ulit...maya maya naramdaman ko ang pagsandig ni Kuya Alden sa balikat ko...bago ako makatulog naramdaman ko pa na hinaplos ni Kuya Aljur ang mukha ko...Alam ko...nabago man ang lahat sakin..pero andito lang silang dalawa at handa akong tanggapin....

Nagising na lang ako dahil sa mahinang tapik sa may pisngi ko..si Kuya Aljur ang bumungad sakin
.

Aljur: Baby..gising na..andito na tayo...

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon