Ayon sa kasabihan there are things that are better left unsaid...At some points tama naman yun..Pero does it ever occur in your mind the what if's..the possibilities....the could haves....sometimes in order to find the true meaning happiness we have to go through things that will test not only our patience but also our dedication...we have to accept things in order to grow and learn..
Sometimes...Knowing the parts unsaid makes as stronger than we are before....Jake's POV
Its been weeks after akong madischarge sa ospital...naaalala ko pa kung paano ako sermunan non ni Barbie...kasi malamang sa sobrang pagaalala...yun pala ang sarap ng may kapatid...oo nag aaway ...nag aasaran..nagkakapikunan..pero it will come to a point na sa huli kayo pa din ang magkasangga.....ganun ang relasyon namin ngayon ni Barbie....She maybe hard headed at times...pero sa huli siya pa din ang kapatid kong naging kaagapay ko sa madilim na parte ng buhay ko.....Oo bungangera yan...pero alam ko naman na para sa ikakabuti ko lang ang hangad niya..at alam ko din kung gano niya ako kamahal....I love her too so much..kaya bumabawi ako sa kanya sa mga times na naging bad ako sa kanya...Nagising lang naman kasi ako at naging matinong kuya simula nung inakala kong katapusan ko na....Labis ang takot ko nun hindi para sa sarili ko kundi maging para na din sa kapatid ko...
I may not show it all the time pero i care for her a lot...lalo pa at lagi namang wala ang magulang namin para bantayan kami..kaya kung mawawala ako paano na ang kapatid ko....Kami na nga lang dalawa amg laging magkasama tapos mawawala pa ako...o diba...kaya talagang pasalamat pa din ako sa Diyos kasi binigyan niya ako ng chance na makabawi kay Barbie...
Nung naospital ako nito lang...sobrang iyak na naman siya...siguro natrauma na siya sa nangyari sakin noon....Alam ko..hindi man siya magtanong alam niyang may kaugnayan sa mga Kuya ni Bea kung bakit ako napahamak noon..pero pinili ng kapatid ko ang tumahimik sa isang tabi at bantayan at alagaan ako sa abot ng kanyang makakaya... Sa halip na mangulit at piliting alamin ang mga bagay bagay..at ipinag pasalamat ko yun....Bigla ko tuloy naalala nung umalis ako nun...papunta sa France...Hindi nagtanong si Barbie nung umalis ako kahit nung bumalik ako...Kung alam niya lang kung gaano ko kagustong umiyak sa balikat niya para ilabas ang pagsisisi ko..pero ang kapalit naman nun ay ang ikakapanatag ng aking loob at ang mailayo na din sa kapahamakan si Bea....Sapat na siguro yun sa ngayon...Masakit man sakin na makita siyang hawak ng iba...sa tadhana ko na lang ipapaubaya ang siya sana ay muli kong makasama....
Nasa malalim akong pag iisip nung guluhin ako nina Miguel....andito na ako sa ulit sa school e...At itong dalawang ito....Trip na naman akong asarin....
Miguel: Tsong..tulala ka na naman diyan...
Kiko: Iniisip mo na naman ba siya..?
*sabi nila na alam kubg tinutukoy ay si Bea...wala akong naging lihim sa kanila...sa katunayan..silang dalawa...si Kuya Aljur at Kuya Alden ang mga naging sandalan ko matapos kong pakawalan ang minamahal ko....
Miguel: tinatanong pa ba yun...syempre...kelan ba naman nawala sa isip niya si Bea...
Kiko: sabagay...Tsong...bakit hindi mo pa sabihin sa kanya...Kami na ang nasasaktan para sayo sa tuwing makikita namin si Bea na masaya sa tabi ng pinsan mo...Naisip mo man lang ba ang kaibahan kung sa halip na si Rhon ay ikaw sana ang nasa tabi niya?
*seryoso sila....sa kabila ng pagiging makulit ng dalawang yan silang dalawa ang lagi kong sinasabihan ng lahat ng bagay na nararamdaman ko...Ang hirap kasi kung kikimkimin ko na lang lahat....baka bigla na lang akong sumabog pag hindi ko na kaya..
Jake: sa tingin nyo ba madali lang yun?kung pwede ko lang gawin yan e di sana pag dating niya pa lang pinuntahan ko na agad siya sa bahay nila para sabihin ang lahat...o kaya naman..nasa France pa lang siya tinawagan ko na siya para ipaliwanag sa kanya kung bakit kailangan ko siyang saktan..Na mas pinili kong isakripisyo siya at kayaning tanggapin ang lahat ng galit niya masiguro lang ang kaligtasan niya?
*kita ko ang gulat nila sa outburst ko...pero nagpatuloy lang ako..ika nga one time big time na toh..ibubuhos ko muna ang lahat ng sakit ngayon para bukas wala na...wala na nga ba?o mas tamang bukas magsisimula na naman akong magpanggap na malakas at kaya ko ang lahat?
Jake: Sobra akong nagsisisi alam nyo ba..?.Maisip ko pa lang na sana ako ang may hawak sa kamay niya...sana ako yung niyayakap niya...sana ako pa din ang nakakagawang papamulahin ang pisngi niya sa tuwing hahagkan ko siya....Na sana...hanggang ngayon pag sinabi ko ang salitang mahal kita...mag a i love you too siya...sobrang daming SANA...sobra sobra ang pagsisisi ko na binago niya ang sarili niya sa pag aakalang hindi niya deserve ang mahalin dahil sa dating itsura niya.....mas lalo akong kinakain ng konsensya ko sa tuwing makikita ko na nahihirapan sina Kuya Aljur habang nakatingin sa kapatid nilang hindi na kakikitaan ng dating sigla...at nawala din ang dating ngiti niya at lahat yun..Dahil sa akin...kung sana..nalaman ko agad na mahal ko pala siya....sana hindi kami ganito ngayon..sana akin lang siya hanggang ngayon....
*ewan ko...pero naiyak na ako...Hindi ko napigil e....basta parang ang sakit sakit lang sa puso....Umakbay naman sila sakin...Mabuti na lang andito kami sa tagong parte ng school..walang ibang makakakita na hirap na hirap na akong pigilin ang lahat ng sakit..
Kiko: Pero pare..ginawa mo yung lahat ng sinasabi mo dahil sa sobra sobra mo siyang mahal..
Miguel: too bad na hindi niya alam kung gaano ang sakripisyo mo...
E di sana hindi siya ganyan kalamig sayo diba..Kung sana alam niya..hindi ka niya titingnan na parang papatayin ka sa sobrang galit...Jake: Hindi naman ganun pare....Unawa ko naman kasi kasalanan ko naman din...
Miguel: ang kasalanan mo lang naman e yung mahalin siya ng sobra...kaya sobra ka ding nasasaktan.....Pare alam namin na nahihirapan ka na...kaya kung gusto mo handa kaming tulungan ka...
*umiling ako..
Jake: sinabi na din sakin yan nina Kuya...Pero gusto ko sana na mapatawad ako ni Bea dahil utos yun ng puso niya...Na sa kabila ng kasalanan ko mahahanap niya sa puso niya ang patawarin ako...
*nakakaunawa naman silang tumango....
Kiko: Ohhh ohhhh...
*sabi ni Kiko na may tinitingnan...at ewan ko ba..pero ramdam ko ba agad ang kakaibang pintig ng puso ko habang tinitignan ko siya...well lagi naman e...sa tuwing makikita ko siya....Napakaganda niya..base sa nakikita ko papunta samin ang direksyon na tinutungo niya...Kita ko din ang kakaibang itsura niya..hindi ko masabi kung naguguluhan o kung galit....nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa makalapit siya samin nina Kiko..
Bea: Mag usap tayo Jake..
*sabi niya...Ano naman kayang pakay ng Mahal ko..?
Kiko: ah sige..mauna muna kami.
*sabi ni Kiko..sabay alis na sila ni Miguel...Bumaling naman ako kay Bea...at nasalubong ko ang mata niya..this is the first time na matitigan ko siya sa mata mula ng makauwi siya....Nakikita ko pa din naman ang babaeng mahal ko...pero base sa emosyon na nakikita ko..tila binalot na siya ng Yelo..at alam ko...walang ibang dapat sisihin kundi ako...
Jake: Anong pag uusapan natin Bea?
*sabi ko...Pero tila ako naumid nung marinig ko ang sinabi niya..
Bea: sabihin mo nga sa akin Jake...ano ba ang hindi ko alam..sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit pinagtangkaan ng kapwa frat members mo ang buhay ng mga kapatid ko...at ano ang kaugnayan mo sa lahat ng ito?
*saad niya....ano bang dapat kong isagot....alam ko naman darating ang araw at oras na malalaman niya ang lahat....Handa naman ako..kaso pag ganito palang nasa harap ko na...parang hindi ko alam kung san at pano ko sisimulan...paano ko ba sisimulang imulat siya sa katotohanan...at kung sakali man..mababago ba nun ang lahat..at maibabalik ba nun ang dating siya...ang babaeng sobra kong minahal...pero pinili kong pakawalan...
T
OB
EC
O
N
T
I
N
U
E
D
