Masaya naman ako na makita kang masaya na makita ang mga taong hinahangaan mo..
Jake's POV
Its been 5 months simula nung umalis ako papuntang America dahil kailangan kong mag masteral...Nung una ayaw ko talagang umalis e...Kasi ayaw ko namang iwan si Bea....Pwede naman na sa Pilipinas na lang...pero sabi nina Daddy kelangan na dun ako mag masteral kasi mas maganda dun...Naglaon naman...kahit ayaw ko..napilit at nakumbinsi ako ni Bea...
Kapalit ng pag payag ko yung palagi niyang pagsagot sa calls and text ko...Facetime...ganun..kasi super miss ko siya...
Almost a week ago..tinawagan ako ni Daddy...kelangan ko daw umuwi sa Pilipinas kasi may problema sa negosyo..hindi naman siya makauwi..kasi nasa Italy sila ni Mommy may importante ding deal doon..hindi naman pwede si Barbie..kaya ako na lang daw sa halip na ipagkatiwala niya pa sa iba...
Super excited ako nun lalo na nung nabook ang flight ko two days ago...Pero dahil sa gusto kong isurprise si Bea tiniis ko na wag sumagot sa mga messages niya at calls..sakto kasing uwi ko..anniversary namin at sakto ding birthday niya..and i am planning to give her a memorable celebration..bilang bawi sa ilang taon na malayo ako sa kanya para maalagaan siya...
Napatingin ako sa phone ko..at nabasa kong muli ang last messages na pinadala niya sakin..
Bea: Mahal...Miss na kita....sobra...call me as soon as makita mo ang message ko ah...I just wanted to hear your voice.....I love you so much..Ingat ka diyan...at..BEHAVE ka palagi...Muah..miss you much:*
Bea: Mahal...bakit hindi ka nasagot...may problema ba...call me asap.Loveu
Bea: Mahal.....;(..miss na kita...i love you to the moon and back..
*napangiti ako..super ramdam ko ang love niya sakin..tipong on her simple gestures...she can proved how deep her love for me is..ata ako naman ganun din..baka nga mas higit pa...
Ngayon...sakay na ako ng eroplano pauwi ng Pilipinas..at ayon sa Piloto ano mang oras mula ngayon maglalanding na kami sa NAIA..
Parang mas nexcite ako e..
Ganun na nga..hours later...nakarating din...kahit kay Barbie hindi ko sinabi na uuwi ako..sina Kuya Alden ang may alam..kasi naisip ko lang..baka iba isipin nila once na magsabi si Bea na hindi ako makontak at yun ang iniiwasan ko..yung maging balakid ang mga taong malalapit sa kanya....Pagdating sa bahay..mukhang wala si Barbie...kasi tahimik e...Dumiretso na ako sa taas....then after non...Bumaba ako para uminom ng kape sa kusina....nasa may kusina ako nung narinig ko na dumating si Barbie....
Tapos.bigla siyang sumigaw...Barbie: Kuyaaaaaaaa...nakakabwisit ka....
*sabi niya...pambihira din toh..wala naman akong ginagawa...at kakauwi ko lang ah...lumabas ako sa kusina at sinigawan siya...
Jake: Sobra ka...ni hindi kita ginugulo....hindi rin kita inaasar..kakarating ko lang din..matapos ang ilang buwan..tapos ibubungad mo sakin ang bwisit mo....?
*nanlalaki naman ang mata niyang tumingin sakin..gulat na gulat lang?
Barbie: Kuya??
Jake: oh..tingnan mo...gulat na gulat ka diyan..para kang nakakita ng multo ah...
Barbie: Bakit andito ka..diba dapat...nasa America ka pa din..?
*tanong niya..ako naman..lumakad palapit sa kanya...tapos naupo sa silya kaibayo niya...
Jake: Ah..yun ba..sa tingin mo ba...bakit ako biglang umuwi?
*saad ko habang nangingiti...