CHAPTER 1

45.7K 923 53
                                    

   If you cannot do great things, do small things in a great way. 


******

CHAPTER 1: What kind of dream is this?


Ugh! Ito na namang panaginip na ito. What kind of dream is this? Halos hindi ako matigil-tigilan nito kahit isang araw lang. 


In that dream, there's a girl. Isang babae na may mahabang puting buhok. Naka float ang katawan nito sa tubig, habang nakataas ang isang kamay at may puting ibon ang dumapo dito. ( Multimedia )


'' Wake up, Eria, the long lost Celestial Princess.  You're going to serve and rule your palace. ''  sabi nito habang naka float sa tubig.


'' Prinsesa? Anong prinsesa? Normal na tao lang ako. Sino ka ba? '' 


'' Prophecy....... '' 


'' AAAAAAAAAAAAAHHH! '' 


REALITY


'' AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!! ''  Ano bang panaginip na iyon?! Mala- Percy Jackson ba ang peg na ito? Okay, calm down, Eria. Dala ng kakanood at kakabasa ng mga fantasy.


'' Ate Daphne!  '' sigaw at sabay pasok ng kapatid ko na si Dana Guerra sa kwarto ko, habang ako nakaupo parin sa kama, at hindi parin makamove on sa napanaginipan ko na iyon!


'' Dana, maaga pa lang ang ingay mo na. Bakit ba? '' Lagi na lang kasi sumisigaw, minsan sisigawan ako niyan kapag natutulog ako para lang tumabi, manghiram ng unan at hiramin ang damit ko! Nakakaasar diba?


'' Mommy called you! You're tulog mantika kasi. Ewww! '' Talaga itong bata na ito, anong tulog mantika? Parang siya hindi ah. Tss. Pasalamat talaga siya mahal ko siya, kundi nako nako! Joke lang, masyado akong masamang kapatid kapag gan'on. Dapat siya lang. 


'' Oo na, dami pa sinasabi e. Shoo na! '' Sabay higa ule. Sumasakit ang ulo ka sa batang iyon. Habang nakahiga naramdaman ko na lang na may humihila ng paa ko. Hinga malalim, Eria. Kalma ka lang, bata lang yan. 


Takte, bata pa ba iyan?! Hindi nga ako nirerespeto. Lagi ako inaaway, myghad! 


Tumayo ako at tumakbo palabas para habulin siya, kaso nawala siya sa paningin ko. Papasok ulit sana ako ng kwarto ng nakasarado na ito at nakalock. Anak ka ng? Napahilamos ako ng mukha. 


Ba't niyo po ako binigyan ng sobrang kulit na kapatid? 


'' Dana, kahit 'man lang twalya at damit ko ibigay mo na!  '' 


'' Hihihi. '' Ay nako naman! Hindi neto ibibigay damit at twalya ko e. Manghihiram na naman ako kay Jake ng damit! 

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon