Eria's Point of View
Lumapit ako kay Ero na nakatingin sa balcony, at hinawakan ang kamay niya ng mahigpit. Nagkatinginan kaming dalawa na may lungkot sa mga mata namin. Alam ko na punong-puno ng tanong ang utak niya, kung ano nangyari kina Iven at Veia.
'' Eria, gising na ba si Veia? '' tanong nito sa akin. Umiling ako, at napayuko. '' You should asked Iven what happened, Ero. You're his bestfriend. '' napatingin ito at sabay iwas ng tingin sa akin.
'' That's useless. Triny ko na, pero iniiwasan niya ako. '' Hinawakan ko ang isa pa niyang kamay na may singsing na katulad ng akin. '' Ero, kung umiwas siya, kailangan ikaw ang lalapit. Para malaman natin kung ano ang nangyari. ''
Ngumiti ito ng bahagya at tumango. Niyakap ko naman siya, at niyakap niya ako pabalik ng sobrang higpit.
Veia Point of View
Nagising ako sa isang kwarto na pamilyar sa akin. It's my room, na kung saan punong-puno ng mga mukha niya. Nasasaktan ako ng sobra sa nakita ko, now? it's time for me to love myself more.
Tumayo ako, at nakita ko ang sarili ko na walang ka-emosyon ang mukha. Tinignan ko mga litrato niya na nasa buong sulok ng kwarto ko.
Kumuha ako ng malaking plastik, at sinimulan na ilagay ang mga litrato at mga toys na kinuha ko na kamukha niya rin. Yung mga litrato niya, pinunit ko ng pinunit.
Ibang Veia na ang makikilala niya ngayon. Veia na gagawin ang lahat para sa sarili niya at sa mga kaibigan niya. Except na sa kanya...
Sobra na yung mga ginawa ko para sa kanya, na hindi naman niya kayang suklian.
Tinignan ko naman ang bracelet na may nakaukit na Iven & Veia sa wrist ko. Marahas ko itong tinanggal at tinapon sa plastik.
Binuhat ko ito gamit ang power ko at marahas na binaba sa may basurahan. '' It's over. '' sabi ko pag-ka tapon ko.
Binuksan ko ang payong at nag-simula mag-lakad papunta sa hideout ng mga Royals. Habang nag-lalakad ako, napatingin ako sa labas, malakas parin ang ulan. Ganito ba kasakit ang nararamdaman ko?
Habang nag-lalakad ako, napatingin ako sa harap ko kaya agad ako napatigil.
Iven...
Tinignan ko siya ng walang emosyon, mata sa mata. Nakita ko rin sa mga mata niya ang walang emosyon.
'' So, the old Veia is back. ''
'' Yeah, glad to be back. Dahil nabuhay ulit ang dating Veia, kapalit ng namatay na Veia. '' tinignan ko parin siya.
Nilagay ko ang buhok sa likod ng tainga ko, '' Don't worry, it won't be the same as before. I have to go. ''
Agad ko siyang iniwan, hindi dahil sa hindi ko pa kaya. Dahil sariwa parin sa akin ang nangyari. Hindi ko na napigilan na umiyak habang nag-lalakad. Pinatay na niya ang Veia na kaya magpaka-tanga para sa kanya.
Pinatay niya ang puso ko na dating tumitibok para sa kanya.
It's over.....

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasi'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017