CHAPTER 4

22.7K 698 18
                                        

Magic is believing yourself. If you can do that, you can make anything happen.



****

CHAPTER 4: Fairies?!



ERIA DAPHNE POINT OF VIEW


Ang sakit ng katawan ko, parang feeling ko binubog ako o parang dinaganan ako ng malaking bagay. Hindi ko alam kung imumulat ko ba ang mga mata ko sa sobrang panghihina rin ng katawan ko. Eria, dilat na! Daming echeeklavu nalalaman.


Pagkamulat ko ng aking mata, nakita ko agad ang mukha ng isang 'di ko kilala. Nakatingin siya sa akin ng masama at halos itim ang kanyang suot na damit.  


Napatili ako sa sobrang takot. Kahit nakatingin lang siya sa akin mula sa malayo, parang ang lapit lapit niya sa akin. Ramdam kong nagising ang mga kasama ko sa kwarto. Hindi niya maialis ang masama n'yang tingin sa akin.


Naramdaman ko ang pag-alog ni Jake sa akin. Sino 'yon? Ba't ang sama ng tingin niya sa akin? Ano ang kailangan niya sa akin? 


'' Eria, anong nangyari? '' Nanginginig ako sa takot. Ba't ko ba bigla naramdaman ito? Basta ang alam ko yung tingin na iyon nagdadala ng kaba sa buong katawan ko. Ang kanyang mga mapupulang mata.


'' Eria!  '' 


Nanginginig ang mga mata ko nung tumingin ako kay Jake, sabay turo ko sa taong iyon na  nakatingin sa akin.  '' May tao na may suot na itim. Masama at kulay pula ang mga mata niya na nagbibigay kaba sa buong katawan ko. '' 


Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ko ng dalawang kamay ko ang buong mukha ko,


'' Umaatake na naman sila. '' Napatingin ako kay Ero na nasa may bintana, tumingin siya sa labas bago niya iharang ang mga kurtina sa bintana.


Nanginginig akong tumingin kay Jake, '' Ano ibig sabihin nung sinabi ni Ero, Jake? Anong umaatake na naman sila? ''  pero hindi siya sumagot, nakayuko lang siya habang nakayukom ang kanyang mga kamay.



" Naramdaman nila ang malakas na kapangyarihan mula sayo, Eria. Laging ganito ang nangyayari sa Light Divine Academy, dahil sa biglaang dating ng mga bagong dayo, nagkakaroon ng mga 'di inaasahang pangyayari. '' pahayag ni Nick na bagong dating lang sa kwarto ko. 


'' Dark Knights, mula sila sa Dark Kingdom. Marami ka pa dapat malaman dito sa bagong mundo mo, Eria. '' dugtong nito bago umalis.


Marami pa talaga ako dapat malaman, dahil ngayon pa lang? Na-cucurious na ako sa mga nangyayari.  Kung mula sila sa Dark Kingdom, ano naman ang kailangan nila sa akin? 


'' Magiging okay din ang lahat, Eria. Nasa likod mo lang kame mga Royals. Base sa investigation ng Head, isang guardian ang na-isummon mo. We just need your cooperation, Eria. '' 

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon