Chapter 84

1.4K 24 2
                                        


Eria's Point of View



'' Eria, this is my destiny. As a dragon..... as a monster... ''


What? Wala ako maintindihan. Anong destiny, anong monster ang sinasabi nito sa akin? 


Kunot-noo ko siyang tinignan, '' What? What do you mean? Sinumpa ka ba, Ero?  We can fixed that, hihingi tayo tulong sa mga witch. '' 


Umiling ito sa akin, '' Hindi ako sinumpa, Eria.  Ito ang nakatadha-- '' 


'' Shut up, Ero! Ano ba mga sinasabi mo na tinadhana kang ganiyan. Ikaw si Ero, a-ang mahal ko. ''  


Yumuko ito at umiling. '' Lumayo ka na, Eria. '' Umiling rin ako. Hindi, hindi ako papayag na lumayo kame sa isa't-isa. Hinding-hindi ako papayag.


'' Eria, wag ka na matigas ang ulo. '' 


Pero, umiling parin ako. Hindi ako susunod, dahil ayaw ko mapalayo sa kanya. Hindi ko kaya. Agad lumabas ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan lalo na lumabas. Kaya mas lalo ako umiyak at napa hagul-gol.


'' Ayaw ko iwan ka, Ero. '' sabi ko habang humahagul-gol parin sa pag-iyak. '' B-bakit a-ano ba mangyayari kung lalayo ako sa iyo? '' tanong ko sa kanya, pinilit ko na itago yung takot na nararamdaman ko. Pero mas kailangan ko maging matatag. Ayaw ko iwan sa ganitong sitwasyon ang taong mahal ko.


'' Pwede... '' napatigil siya at napabuntong-hininga. Pero hindi nakaligtas sa akin ang mga sumunod na sinabi niya , bigla ako nanginig ako sa takot. '' Pwede kita mapatay, Eria. '' 


Umiling ako at tumayo, hinawakan ko ang kamay niya, nakita ko na may mga kulay pula at itim na sa balat niya. '' Ero, no. Nagbibiro ka lang, right? Tell me, no, Ero. '' 


Sa sobrang bilis ng mga pangyayari nagulat ako na nasa lapag na ako, '' Ero... '' 


'' Ayaw ko saktan ka, Eria. Mahal kita, pero hindi ko kaya kontrolin ang sarili ko. K-kaya mas mabuti na... l-lumayo ka muna... s-sakin. '' 


Tumayo ako ng mabilis agad, at hinarap siya. Wala na akong pakialam,  '' Kung papatayin mo lang din naman ako, mas pipiliin ko na lang na mamatay dito sa harapan mo kaysa sa lumayo sa iyo. Dahil mas parang pinapatay ko din ang sarili ko non kapag ginawa ko iyon. Ero, kailangan--- ''


'' I DON'T  NEED YOUR HELP, Eria... JUST PLEASE GO AWAY! ''  


Nakita ko ang itim niyang awra, iyon ang hindi nakaligtas sa akin. Yumakap ako sa kanya, '' No... You need me, Ero. '' 


Eria... lumayo ka na....


No...


Kailangan mo na lumayo sa kanya, Eria!


Eria...


Eriaaa! 



'' ERIA! '' sa sobrang bilis din ng mga pangyayari, nakaramdam ako ng sakit. Nakita ko na lang mga ibang Royals na pumapalibot sa akin. Wala ako pakialam kahit nasaktan na ang bandang balikat ko sa pagkahigpit ng hawak ni Ero sa akin kanina bumaon din yung mga kuko niya na humaba na. Feeling ko nasira yung buto ko, pero wala ako pakialam.


Tumayo ako habang namimilipit sa sakit. '' Eria! Wag! '' 


Tumakbo ako ng tumakbo, kung asan sila Mike, Alvin, Nick, at Jake... '' BITAWAN niyo siya! Please, bitawan niyo siya! '' 


'' Baliw ka na ba, Eria?! Sinaktan ka niya! '' 


Umiling ako, '' Ako ang pumili non, bitawan niyo siya. Please. Jake, nakikiusap ako... ''   Umiiyak kong sabi sa kanila.


'' Hindi namin siya pwede bitawan, lalo na nag-iiba na ang anyo niya. '' natigil ako sa sinabi ni Nick. 


'' Y-you.... a-alam mo na mag-kakaganito si Ero? '' tumango siya, '' Nick, bakit hindi mo sinabi?!! '' 


'' Dahil gusto ka namin iligtas, Eria! Kailangan ka din namin. Kaya mas pinili ni Ero na siya medyo ang umiwas. '' 


Napaluhod ako sa sakit, nang nakaramdam ako ng kirot sa balikat ko. '' May poison ang kuko ni Ero kapag ito ay natusok sa iyo. Kailangan niyo na siya agapan ngayon din. ''  kalmadong sabi ni Nick sa amin, binuhat ako ni Alvin papunta ng clinic kasama ang ibang girls. 


Naramdaman ko na umikot ang paningin ko habang papunta na kami ng clinic, '' Eria... please trust us kahit ngayon lang... '' 


Naramdaman ko ang panunuyo ng lalamunan at bibig ko, pero pinilit ko na mag-salita... '' P-please... Alvin, si E-ero... P-please, do-don't hurt h-him. Please... '' 


And everything turns black...


-Ero....

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon