CONTINUE---
'' Ally! ''
Nagising ang diwa ko nung tinawag ako ni Iven sa first name ko. Lumingon ako sa kanya with a sweet smile. '' Nananaginip lang ba ako or sadyang tinawag mo ko talaga na Ally. As long as I know, start nung dumating ako dito. Hindi mo ko tinawag na ganyan. ''
Tumingin siya sa akin ng cold, pero ako naka smile parin ako sa kanya. '' U-hm. Napansin ko na bagay din pala sa iyo yung Ally. ''
Naglakad ako papunta sa kanya, since ako nauuna maglakad na. '' Bakit ka nauutal? '' insert ang aking mala insulto na boses.
'' B-bakit ikaw lang ba pwede mautal. ''
'' Bakit namumula ang mga pisngi mo at ang tenga mo? '' Ngumiti ako sa kanya lalo nung malapit na ako sa kanya. '' K-kasi.... Kasi mainit, ang tagal kasi umulan e. '' Tinaasan ko siya ng kilay.
'' Are you sure? ''
'' Tigilan mo nga iyan, V-veia. Nasa mission tayo. ''
Well, he's right. '' Eh sino ba ang nautal, namula at una tumawag sa akin. Diba ikaw? Not me. '' Nakangiti parin ako habang sinasabi ko iyan. He's cute, hindi ako nagkamali ng minahal.
Tumalikod ako at nagstart maglakad na.
Iven Joi Point of View
Bakit ba ako nauutal kanina? Bakit nga ba? Aish. Bakit ko ba siya tinawag na Ally? Oo, natatandaan ko pa yun. Kasi nung unang dating niya dito, bagay sa kanya ang Veia lalo na kapangyarihan niya. And ngayon ko lang napansin na bagay din pala sa kanya ang Ally.
Pero ang mas bagay sa kanya ay yung apelido ko.
What am I saying?
I don't love her. Yes, I don't. Bakit ba ganito nararamdaman ko, bakit ba nauutal ako everytime she smiles at me.
Parang ginayuma na ata ako ng babaeng ito. Hindi naman ako ganito e.
'' ERIA, ERO! '' sigaw nito, kaya tumakbo na ako kung saan siya. Naiwan na pala niya ako.
Nakita pala niya si apoy at si Eria. Nakahiga si Eria at may mga galos. Lumapit kami ni Veia. '' Hold on, Eria. I'll heal you. '' sabi ni Veia na gumagawa na ng tubig na panggamot sa kanyang kamay.
'' Ano ka ba, okay lang ako! Hindi naman malala iyan. Teka bakit kayo nan dito? '' Nagkatinginan kami ni Veia.
Napabuntong hininga muna ako, '' Agad kami pina assigned dito ng Head e. And what a coincedence nagkita tayo. '' paliwanag ko sa kanila.
'' Mabuti na rin na magkakasama na tayong apat. In case of emergency at least madami tayo. Ano ba ang mission niyo dito? '' Sumimangot naman ang mukha nilang dalawa.
'' Baliw ata si Head eh! Wala kaming 100 life noh, papatayin namin ang malaking higante. '' sigaw ni Eria na maayos na ang lagay ngayon.
" Nag- away din sila. " sabi ni Hera. Kaya napatingin kami sa dalawang ito na nakatingin kay Hera. " Honesty is the best policy. " dugtong ni Hera sabay lipad sa likod ko.
" Honesty. I-honesty mo mukha mo. Iihawin kita mamaya na parang barbeque, bwisit ka. " sabi ni Eria kay Hera habang nilalakihan ng mata. Nagtago naman si Hera sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017