Eria Daphne Point of View
Masaya ang gising ko kinabukasan. Hindi ko pagsisisihan ang sinabi ko kay Ero. '' Pruuu~~ '' napangiti ako ng lumapit sa akin si Pru. Parang may tinatanong.
'' I'm fine, Pru. Masaya lang ako ngayong araw. '' Niyakap niya mga binti ko, it means masaya din siya para sa akin.
Tumayo na ako at nag-ayos.
Pagkalabas ko, hinanap ko agad ang mga Royals. Nagulat ako nang nan dun si Ero. '' Oo na, apoy. '' simpleng sabi ni Iven.
'' Gosssh, ang hot ni Iven sa sinabi niya. Para akong natutunaw sa kanyang mga sinabi. '' kumekembot na sabi ni Veia sa lahat. Nagtawanan naman ang lahat pati si Ero.
It looks like they're okay na. Ang bilis, sabi ko na nga ba e. Hindi nila matitiis si Ero, kahit galit sila ayaw parin nila mawalan ng isang Ero Aden Hugo. Kabababata na rin nila ito, at kung itatapon lang nila ang pagkakaibigan nila, masasayang lang.
Lumapit ako sa kanila, '' Ohh~~. His girlfriend is here. Ayieee! '' sabi ni Mike. Napuno ng -ayiee sa buong paligid namin. Nakita ko yung burger, kinuha ko ito at nilagay sa bibig ni Mike. '' Gutom lang iyan diba, Mike? '' nilakihan ko siya ng mata.
Hindi talaga ako magsisisi na sinagot ko si Ero. Pero, narinig ng lahat. Nahihiya ako, pero handa ko ipagsigawan sa buong mundo na mahal ko si Ero.
Tinanggal ni Mike ang burger sa bibig niya, '' Ang totoo, Eria. Kanina pa ako busog e. Bakit hindi mo na lang ibigay kay Ero, kahit ikaw pa ang maglagay ng burger sa bibig niya. Sabay punas ng labi kapag may---- ''
'' Shut up, ugly guy. '' sabi ni Lia.
'' I'm not ugly, you're the one who is ugly kaya. '' maarteng sabi ni Mike kay Lia. Nainis naman si Lia kaya nagkakasagutan na naman silang dalawa.
Ako naman, namumula na parang ewan dito. Umupo ako sa tabi ni Bes, at kinuha yung pagkain niya. '' Ayos ka din ah? Kuha pagkain ko? '' sabi niya sa akin. Tumango ako, at kumain.
Umupo sa akin si Ero. Mas lalo akong namula, kasi nakangiti siya sa akin. Yumuko ako, at mabuti nakahrang ang mga buhok ko. Tinignan ko siya. '' Umayos ka nga, hindi ako makakain eh. '' ><
Tumawa naman ang loko, '' Bakit? Hindi mo maisip na may gwapo kang boyfriend ? '' Mas lalo ako namula, kinurot ko si Jake sa sobrang kilig na... Waah!
'' Aray ko puh! '' sigaw ni Jake, naka ilang kurot ako sa kanya.
'' Makakurot teh ah? '' sabi ni Jake. Nilakihan ko siya ng mata, jusko!
'' Anong kinukurot, hindi kita kinukurot. Maraming insekto lang. Ikaw! '' sigaw ko kay Jake, ang kulit eh. Bakit kailangan sabihin iyon.
'' Insekto? Ganun ba mangagat iyon? Eh hindi nga eh. Palusot mo. Ero, pinakikilig mo masyado e. '' sabi niya kay Ero. Si Ero naman tumawa.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasi'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017