Stories of imagination tend to upset those without one.
- Terry Pratchett
****
CHAPTER 3:
ERO ADEN POINT OF VIEW
'' May pasok na naman, Master! '' sabi sa akin ng alaga kong pusa na si Hera.
Tinignan ko lang siya ng parang walang gana. Duh, obvious naman na ayaw ko pumasok. School is like a hell for me, mas gugustuhin ko pa na ma-assign sa isang mission.
Ngumuso naman ito sa akin at napabuntong-hininga, '' Oo nga Hera, may pasok na naman. Saya may kausap ako. '' sabi nito sa akin. Inirapan ko na lang siya, at tinakpan ng unan ang mukha ko.
Dalawang araw na ang makalipas, simula nung pag-aaway namin ni Ms. Warlock. This is her first day in school, and ang malas lang kaklase pa namin siya-- no, kaklase ko pa siya! Kaya ayaw ko pumasok ngayon.
Malas at sira na nga araw ko sa lalaking yelo na 'yon e, dadagdag pa ang isang powerless ugly duckling. Aish!
Curious parin ako kung sino siya at ano ang kapangyarihan niya. Hmm.
ERIA DAPHNE POINT OF VIEW
May iba pa bang mas worst pa sa first day of school ko sa Light Divine Academy? Oo, meron talaga! Walang signal ang sim card ko sa mundo na ito, in short wala ring silbi yung phone ko.
Paano ko matatawagan si Dana, I'm very sure na galit na galit 'yon sa akin ngayon. Sasabihin na naman niya ' Ang daya ni ate, nyenyenyenye ' .
Namimiss mo lang siya, Eria.
Lumabas na ako ng kwarto ko, at tinignan ng maigi ang paligid. Ang payapa ng paligid, hindi katulad sa mundo talaga na kinagisnan ko na puro usok, at maiingay na kapitbahay na halos umaga hanggang gabi ang ingay.
Nakakamiss yung mga kapitbahay naming nagkakaraoke na halos akala mo naman may magandang boses na maibubuga. Like hello? Ako kaya ang pinaka magandang boses sa mundong ito. Kapal talaga ng mukha.
Habang naglalakad ako, napansin ko sila Veia at Ilene na tumatakbo sa direksyon ko. Ano kaya meron?
'' Eria! '' tawag ni Ilene sa akin habang tumatakbo. '' Hey, bakit? Bakit kayo tumatakbo? May nangyari ba? ''
Umiling naman silang dalawa, '' Wala naman, Eria. Gusto ka lang namin samahan, and inform ka lang din namin na may mangyayaring test mamaya. '' sabi ni Veia. Ba't may test!
Napakunot naman ang noo ko. Anong test? Hindi ba ako makakaalis o makakalayo sa mga test na iyan. Jusq po, kahit anong test wag lang math! Swear! Kaya mo yan, may ipaglalaban ka niyan.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasi'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017