Eria's Point of ViewEro....
Selfish ba akong tao? Dahil hindi ko na minsan naiisip ang sarili ko at ang mga kaibigan ko na nag-aalala sa akin. Yung puro sakripisyo na lang ako, dahil mahal ko sila at dahil mahalaga sila sa akin.
Hindi ko na naiisip na nasasaktan rin pala sila dahil sa mga ginagawa ko. Pero, mahalaga kasi sila sa akin e. Lalo na kapag nag-mamahal ka. Kahit ikaw na ang nasa peligro, sakripisyo ika nga dba? Gagawin mo ang lahat para maramdaman niya na hindi mo siya iiwan.
Kahit magbago man ang itsura, ugali o ano man ang magbago sa kanya, hindi mo siya kaya iwan, lalo na kung sobrang mahal mo.
Ganun ang kaya kong gawin din kay Ero. Believe me or not. Umpisa pa lang, alam ko na siya lang at siya lang ang nakatadhana sa akin, at hindi ako makakapayag na babaguhin niya yun nang dahil lang sa kaligtasan ko.
Kung mamamatay siya, mas pipiliin ko din ang mamatay. Dahil gusto ko magkasama kami.
Selfish parin ba ang tawag don?
Siguro, oo. Pero iba kasi kapag nagmamahal ka talaga.
Kaya lalaban ako. Nakikita ko katawan ko na nakahiga sa higaan, habang si Jake ay sumisigaw sa likod ng ulo ko. Habang hawak ang kamay ko. Si Wendy na umiiyak na sa pag-aalala dahil sa nangyayari sa katawan ko.
Si Alvin kasama ang mga witch at healers na natataranta na rin sa gagawin para malunasan na.
Selfish talaga ako. Hindi ko na naiisip sila.
" Please don't cry.... Coz I don't deserve all of your tears. Please... "
Napapikit ako ng may maliwanag na sumulpot sa gilid ko, napalingon ako at nakita ko si Luna. " L-luna.... "
Yumuko ito, " Mahal na prinsesa, walang mali sa pag-sasakripisyo kung alam mo ang iyong ginagawa. Katulad ng sinabi mo, para sa mga minamahal mo. Tulad ng mga ginawa mo para iligtas din ang mga kaibigan mo, kahit ikaw na ang nasa peligro, ginawa mo parin. Normal ang mag-alala, mahal na prinsesa. Dahil dito... Dito mo makikita ang pagmamahal nila sa iyo. "
" Tulad rin nang nangyari kanina, sa sobrang pagmamahal sa iyo ni Ero, siya din mas pinipili niya na mag-sakripisyo para mailigtas ka. "
Napaluha ako, " Luna, ano ba ang dapat kong gawin? "
Ngumiti ito sa akin, " Alam mo ang dapat mong gawin, mahal na prinsesa. "
Napakunot ang noo ko, kasabay non ang paglabas ng mga ala-ala naming magkakaibigan.
Tiwala....
Pagmamahal.....
Ito ba yun?
I clenched my fists, at lumapit sa katawan ko. " Fight. Lumaban ka, Eria. Lumaban ka. Bukod sa mga kaibigan mo din, sa pamilya mo, sa Light Divine Academy, kailangan ka ni Ero. Alam kong ako lang ang makakakontrol sa kanya o makakabalik sa kaniya sa dati. "
Sana magawa ko ito, bago magsimula ang parating na digmaan.....
Jake Point of View
Napatingin ako bigla kay Eria nang naramdaman ko na gumalaw ang kamay nito, " Just keep on going! Gumagana na, oxygen! "
Napangiti ako kay Eria, I know that she can do this.....
Mas lalo pa ako napangiti ng bigla bumukas ang mga mata nito at ngumiti ng matamis. " Jake.... "
Hinimas ko ang buhok niya at hinalikan siya sa noo. " Everything's fine, Eria. You don't have to worry... Kailangan ka namin.... And He needs you.... "
Ngumiti pa siya ng sobra sabay pikit, " I know... That's why I'm fighting... "
" Woah! Hindi na namin kapangyarihan iyan! " sigaw ng mga healers at witch. Bigla lumiwanag ang sugat ni Eria, at sa bibig niya.
Napahanga mo na naman ako, Eria. Napahanga mo na naman ako. That's the secret heal power of a Celestial Princess.
Hindi man niya ito magagalin ang mismong crack ng buto, but it makes sure na yung katawan nito, mas mapapalakas at mas magiging better.
Ero's Point of View
Eria, please be safe. Hindi ko talaga mapapatawad sarili ko kapag lumala ang kondisyon mo. Hinding-hindi talaga.
Napa-sabunot ako sa buhok ko, at napatingin sa mga humabang kuko na may kulay itim na hindi ko malaman laman kung saan galing. At napatingin ako sa sarili ko sa salamin na halos hindi ko alam kung ako pa ba ito.
I'm sorry, Eria.... I really really do....

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017