Chapter 38

4.3K 145 2
                                    


Nick Point of View


-- 2 years after--


'' NICCCKK! Si Erooooooo!  '' sigaw na naman ni Wendy sa akin. dalawang taon na, pero twice a week minsan nagwawala si Ero. 


Saktong kasama ko Iven. Nagmadali kaming pumunta sa dorm namin, halos sinira na namin ang pinto. Nakita namin ang kwarto niya, sira-sira na. At may sira na ring vase. Pero may isa pang natira.


'' Oh? Baka gusto mo pati iyan sirain mo na rin. Para kompleto na. '' seryosong sabi ni Iven sa kanya. Tumayo si Ero, at nakita namin dumudugo ang dalawang kamay niya. 


'' Bigay sa akin iyan ni Eria. '' matipid niyang sagot kay Iven. Napabuntong hininga kami. Mabuti tumigil agad pagkasira namin ng pinto.


Dahan-dahan lumapit si Wendy kay Ero at dahan-dahan siyang naglakad dahil ang daming bubog.


'' Kuya Ero, wag ka magwawala. Dahil hindi natutuwa si Eria. '' sabi ni Wendy kay Ero na kasulukuyang hiniheal.


'' Tsk, dalawang taon na. Pero wala pa siya. '' Pagkatapos i-heal ng batang ito si Ero. Tumayo ito at ngumiti, pero nakita namin na lumuluha siya.


'' You should learn to wait, Kuya Ero. Umiiyak din siya sa nakikita niya. ''  sabi ni Wendy, kaya napatigil kami.


Lumapit si Ero kay Wendy, at hinawakan ang balikat nito. '' Nakikita mo siya? Asan siya? Ano sabi niya? Okay ba siya? Ano? '' sunod-sunod na tanong nito sa bata.


Binatukan ko, '' Ano ba, Nick? '' nilabas ko espada ko. 


'' Ka-edad mo lang ba kausap mo ah?! Umayos ka, hindi ka na si Ero na kababata namin ni Iven. '' seryosong kong sabi sa kanya.


Ero Aden Hugo Point of View


Hindi naman kasi nila ako naiintindihan. Hinding-hindi talaga nila ako maiintindihan sa sitwasyon kong ito. Ang tagal ko hinintay na mahanap namin ang prinsesa, tas ganun lang? Ito ang mangyayari sa pagbabalik niya?


Maraming pag-subok? Tas ngayon hindi pa siya nagigising. Dalawang taon na simula nung maganap ang labanan namin sa mga dragon. 


Hinding-hindi ako magiging maayos, hanggang hindi ko nakikita si Eria, na gising. 


'' Kuya Ero, nakikita ko siya kagabi lang. Nagising ako ng dahil sa kanya. Pati ngayon, pero nawala na siya. Pero may pinapasabi siya, ayusin mo daw sarili mo. '' naiiyak na sabi ni Wendy.


Napaiyak ako. Sabihan na ako ng lahat ng bakla. Pero hindi ako bakla. Dahil hinding-hindi nila ako maiintindihan. Dahil hindi naman nangyari sa kanila ang nangyari sa akin.


Mamaya nakaramdam ako ng mainit na yakap sa likod ko. Napaluha ako ng wala sa oras ule.


'' It's Eria. '' napahagulgol ako....



I miss you, Eria.


My Princess...


My Celestial Princess.

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon