Yey, nagawa ko na din yung Book Cover ng Celestial Princess.
Bracelet po ni Eria ^^
---
Ero Aden Hugo Point of View
Nakatingin parin ako kay Eria, na kasalukuyan na wala paring malay sa ngayon. Hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi ng Guardian of Moon. Biglang pumasok sa isip ko yung inilabas ni Eria noon na Guardian of Sun, nagkwento rin siya sa akin nun about dun sa ibon na tumulong sa kanya na ipinadala ni Luna.
Guardian of Moon din ang gumawa nun.
'' Ero, ito na yung mga halamang gamot na pinakuha mo sa akin dun. '' sabi ni Hera. Nilagyan ko ng mga dahon yung mga sugat niya pati galos.
Nilagyan ko din yung sugat niya na malaki medyo sa noo niya, '' hmmm.. ''
'' Eria? ''
Ano ba iyan. Akala ko magigising na.
Bakit binabantayan din ng Guardian of Moon si Eria? Eh sa dinami-daming Celestial Mage din sa Light Divine Academy, siya lang ang pinili?
*PUUFF*
'' Massssteeer! '' nagulat ako nung sumigaw yung mga lumitaw. Which is sina Meira at Miran. '' Anong ginagawa niyo dito? Iniwan namin kayo dun! ''
'' Manahimik ka nga. Tumakas kami. Huhuhu! Anong nangyari kay Master. '' sabi ni Meira.
'' Tumakas kami kasi nakaramdam din kami na may nangyari sa master namin. '' sabi ni Miran sa akin.
'' Masssstteeerr.... '' iyak ni Meira sa gilid ni Eria. '' Meira, wag ka ngang umiyak. Hindi pa patay si Master. Baka gusto mong ikaw muna. '' sinamaan naman ng tingin ni Meira si Miran. Tumayo naman ako at naghanap ng batis o ano mang tubig na malapit dito.
Kumuha na rin ako ng makakakain. Sht. Natotrauma ako sa mga nangyayari dito e.
'' YEEEEEEYY! MAAAAASSSTEEERRR! ''
Tumakbo na ako kung saan sila Miran at Meira, and nakita ko gising na siya. Pero nakahiga parin, hindi siya makagalaw dahil sa sugat. '' Ano ba naman iyan Meira, ang ingay mo. Tignan mo si Miran, matured na. Pfft. HAHAHA '' tawa naman nito kasama si Miran. '' Puberty stage kasi Master. '' Nag pout naman si Meira.
'' Eroooo! tutunganga ka na lang. '' Nagising ang diwa ko sa sinabi ni Meira. Tumakbo ako at niyakap si Eria. '' E-ero.. I-I... ''
'' Sorry. Hinding-hindi ko na gagawin yun. Hindi na kita iiwan. Promise ko iyan sa iyo. Tatapusin natin itong mission ng magkasama. '' Sabi ko habang yakap siya.
'' Ero, kung tanggalin mo muna yung pagkayakap mo sa akin. Kasi hindi na ako makahinga. '' nag-peace sign ako.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasi'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017