***
CHAPTER 7
ILENE RIZ POINT OF VIEW
Kinaugamahan, nakaramdam agad kami na may nangyari hindi maganda. Pumunta ng madaling araw sila Veia, Lia and Brielle para i-check si Eria. Pagkapasok palang ay nakita nila agad na wala si Eria.
At first, nataranta kaming lahat. Pero, nawala rin dahil nag-lagay kami ng spell sa kanya na kung sakali wala dito si Eria sa Academy or nasa kapahamakan siya ay malalaman agad namin. Alam naming nasa ligtas siyang lugar dahil nararamdaman pa namin ang aura nito dito.
'' Nakita niyo na ba si Eria? '' tanong ni Nick sa aming lahat. Umiling lang kami bilang sagot.
Kahit panatag kami na ligtas ito, hinanap parin namin siya, lalo na ay baka may mangyari na naman na hindi inaasahan. Lalo na hindi pa masyadong ayos ang Light Divine Academy.
Kita sa mga mukha namin ang pag-aalala, at halos sumabog na ang isip namin kung saan ba namin siya hahanapin, napatingin naman agad kami kay Ero na kakapasok lang sa loob ng HQ ng buong Royals. Nakita namin na badtrip to. Nagtaka pa ako, lagi naman bad mood iyan.
'' Ero, saan ka galing? '' seryosong tanong ni Nick sa kanya.
'' Sa tabi-tabi '' sagot nito habang papunta sa kusina at uminom ng tubig. '' Nakita mo ba si Eria? '' tanong ni Lia
'' Oo, kagabi. '' Omygosh! Thank God, she's okay. '' Alam mo ba kung saan siya? Kanina pa namin siya hinahanap. '' wika ko naman. Parang halos lahat ng pag-aalala ay nalunok na namin agad.
'' Nasa kwarto niya '' sagot nito bago mawala sa paningin nito. Aish! Hindi talaga minsan to makakausap ng maayos. At least nalaman naman namin kung saan si Eria.
'' Uupakan ko iyan si Ero. Kung hindi lang siya mas gwapo kaysa sa akin eh. '' sabi ni Alvin out of nowhere. Napatahimik siya ng sinamaan siya ng tingin ni Brielle.
ERIA DAPHNE POINT OF VIEW
Kung kahapon parang ang fresh ng pakiramdam ko pagkagising, ngayon wala ng fresh. Hindi ko alam ano nangyari sa akin, kung bakit ako umiyak? Ba't ko iiyakan yung lalaking iyon? Sino ba siya?!
Ang bait-bait kong tao, tss. Kung forever niya ako kamumuhian, then parehas kami. Napahilamos ako ng mukha, hindi ko alam gagawin ko na sa buhay. Help!
Smile lang, Eria!
Nakangiti lang ako naglalakad sa may hallway, nakangiti ako habang binabati ang lahat. Nag-order ako ng sandwich, at isang strawberry milk. Tahimik lang ako kumakain habang pinakikingan ko naman ang mga bulungan ng ibang estudyante tungkol sa akin.

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasía'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017