Eria Daphne Point of View
Tahimik lang kami naglalakad ni Ero. Nauna kasi sila Veia at Iven. I mean, hinila ni Veia si Iven. Pero parang ganun na din.
Awkward parin kami ni Ero.
'' Eria/Ero. '' sabay naming sabi.
Ngumiti ako ng kaonti, '' Ikaw muna. '' sabi ko sa kanya. Nag-isip muna siya.
'' I'm sorry, sorry sa asal ko kanina. Ewan ko ba? Hindi ko alam ang nangyayari sa akin kanina. ''
'' Ako din naman, Ero. But, we should help each other, right? '' Tumango siya. '' Sorry din ah? '' umiling siya.
'' Hindi, Eria. Wala kang kasalanan. Ako naman yun e, nadala na naman ako sa galit. Pasensya ka na, dapat inisip kita bago ang sarili ko. ''
'' Tumigil ka nga, okay lang yun. Tapos na yun. '' sabi ko naman sa kanya at ngumiti.
Naglakad ule kami, pero tumigil siya, kaya tumigil din ako sa paglalakad ko.
Inilahad niya sa akin ang kamay niya, at ngumiti sa akin. '' Let's finish this mission together? ''
'' A-huh? May nakakalimutan ka ata. Paano ang dalawa? Together. Together with them. '' Hinawakan ko ang kamay niya, pero napakamot siya. '' Maninira lang ang dalawa eh, puro landi e. '' napanguso siya.
'' Bakit hindi mo turuan si Iven? Para graduate na siya sa Torpe University. ''
Tumawa naman si Ero, '' Hindi lang sa Torpe University, Minsan pumapasok din iyan sa Manhid University. '' Napatawa naman ako ng bahagya.
Humarap siya sa akin, at ngumiti kami sa isa't-isa. '' Mahal na mahal kita, Eria, ''
'' Mahal na mahal din kita, Ero. ''
'' It means.... ''
'' Tayo na? '' dugtong niya.
'' Oy, hindi pa noh. Just keep going, hindi ko pa nga ramdam masyado ang panliligaw mo e. So, Good luck. Mr. Hugo. ''
'' Mapapa sa akin ka din, Mrs. Hugo. ''
'' Oh really? then Let's see. '' Tumakbo na ako, at sumunod siya. Leche ito!
---
SHORT U.D
BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasi'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017