Chapter 87

1.3K 36 0
                                    

Humihina na yung mga readers :< Pasensya na po kung hindi na po ako minsan nakakapag-update. Busy lang po talaga, kaya puro notes. Hindi ko po maisulat agad yung mga chaptiee.

Natutuwa po ako sa mga bagong readers lalo na sa chapter 9 na nagugulat daw sila dahil bigla na lang lumilitaw yun aso sa multimedia.

Paramdam naman po kayo :(

Ero's Point of View

Napatingin parin ako sa mga kamay ko na nakagapos sa dalawang gilid. Talagang malaki ang nagawa ko. Nasaktan mo nga yung prinsesa ng Celestial Space Palace

Napalingon ako ng may nakita akong tao sa harap ng selda ko. " Jake.."

Tinignan niya ako ng walang emosyon. " Pasalamat ka hindi kita mapapatay, dahil naligtas si Eria. "

Nakahinga ako ng maluwag sa mga sinabi niya, " Pwede ko ba siya makit-- "

" Hindi. " bigla niyang sagot sa itatanong ko. Inaamin ko na nalungkot ako, pero naiintindihan ko siya bilang kaibigan.

" Hindi mo ba nakikita sarili mo? Nawala nga siguro yung kulay pula mo mata, pero mas lalo nag iiba itsura mo. Nagkakasungay ka na ng isang dragon! Tas hahayaan pa kita na makita si Eria? At ano, sasaktan mo ulit siya? " siin nito sa akin.

" Jake, alam ko at ni Eria na hindi ko ginusto iyon. Pinilit ko siya, nakiusap ako na lumayo siya. It's not me, Jake, alam mo rin na last na yung una.. Dahil hindi ko na hahayaan pa mauna yung una, pero ito? Hindi! "

Tinignan niya ako. " Hindi ko pa alam, Ero. "

Pero bago siya umalis, napatigil siya sa mga sinabi ko. " Pero sana wag din kayo maging selfish, Jake. Alam na alam niyo ang lahat, lahat lahat kaysa kay Eria. "

Alvin Point of View

Yung mapapabuntong-hininga ka na lang sa lahat ng nangyayari. Napatingin ako kay Brielle na umupo sa tabi ko. " Alvin, bakit ganito lahat? "

" Hindi ko rin alam, Brielle. Hindi ko alam... "

Tinignan ko siya at hinawakan ang kamay niya, " Pero, hindi nila deserve ito. No one deserves this kind of situation. "

" Eh halos, wala na tayong freedom sa mundong ito e. Hindi lang tayo, pati yung mga mamamayan na inosente. Hindi pa nga tayo tapos sa nalalapit na digmaan, ito na naman kina Eria at Ero? " dugtong nito.

Umiwas ako ng tingin... " Bakit, Alvin? May alam ka ba sa mga nangyayari? " tanong nito sa akin.

Napabuntong hininga ako, " Oo, Brielle. May mga alam ako. "

Nakunot bigla ang mga noo nito, " What? Alvin! "

Tinignan ko siya, " Brielle, mangyayari talaga ito. Mangyayari ang dapat mangyari kay Ero, tutubuan siya ng galis ng isang dragon, sungay ng isang dragon, kuko nito na halos hindi na kuko ng isang tao, at mag-iiba ang kulay ng dalawang mata. Pula at itim. "

Bigla ko iniwas ang tingin sa kanya, " Pula. Pula, simbolo ng kapangyarihan niya na nakuha niya sa God of Fire, apoy. Pula na sumisimbolo ng kalakasan. Itim, simbolo ng kamatayan. Nakuha niya ito sa dragon na kaibigan ng God of Fire. "

" Wait, ano? Paano naman niya nakuha yun sa isang dragon? Alam ko na ang legendary guardian niya phoenix. "

Umiling ako. " Hindi lang phoenix ang guardian ni Ero, Brielle. Isang dragon, at ang dragon na yun, siya ang pinagbentahan ng God of Fire kay Ero. Binenta niya si Ero sa isang dragon. "

Napalaki ang mata nito at napatayo, " What?! Saan mo ba nalalaman iyan? Bakit kami wala? "


" Brielle, hindi lang nyebe o snow ang kapangyarihan ko. Biniyayaan din ako ng pagkakataon na makita ang mga nangyari noon, at iyon ang chance na makita ang ginawa ng God of Fire.

Binenta niya si Ero sa isang dragon, hindi dahil sa ayaw niya kay Ero. Dahil mas o titriplehen pa nito ang lakas ng isang Prince of Fire. Malakas, dahil isang Hari ng mga Dragon ang pinagbentahan niya.

Lahat tayo binenta sa iba, Brielle. Iba-iba nga lang, katulad kay Veia, binenta siya sa isang water snake. Isa sa mga kakayahan ni Veia ang gawing tubig ang katawan niya kaya kahit anong atake ng kalaban, hindi niya itong masusugatan.

Kaso, dahil sa isang hari ng mga dragon ang kumuha kay Ero, nakuha niya ito, ang mala-demonyong kapangyarihan ng isang dragon. "


" Kung alam mo ang mangyayari noon, it means alam mo din ang mangyayari sa kanila sa hinaharap? "

Ngumiti ako ng malungkot at umiling...

" Hindi ko pa nakikita, pero may isa ako nakikita puro dugo, pero blurred. "

" Pero, isa lang ang alam ko, Brielle. Kung ano man ang nangyayari ngayon kina Eria at Ero, alam ko malalagpasan din nila ito. "

" I hope makayanan nga nila.... "


They will....

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon