Chapter 56

4.4K 116 2
                                    


Eria Daphne Warlock Point of View


Naririnig ko na ang mga sigaw ng mga civilians na nageevacuate. Habang patagal ng patagal mas lalong lumalaki ang portal. At alam kong naririnig din ng ibang Royals iyon. 


'' Uwaaah! Uwaaah! Mama! '' napalingon ako sa isang bata na umiiyak at nawawala. Lumapit ako. '' Baby, bakit ka nandito? Dapat naka-evacuate na ikaw, delikado dito. '' Pinunasan ng bata ang mata niya na may luha.


'' Nabitawan po ako ni mama, at hindi ko po alam kung asan sila. '' niyakap ko siya. Tinawag ko yung aso na puti na inalagaan ko. '' Take her kung saan ang mga civilians. Wag ka pumunta dito, okay? '' tumango ang aso at dinala na ang bata sa ligtas na lugar.


'' Hello, Princess. ''  napatalon ako sa nagsalita, si Verlia. 


'' Verlia, pasulpot-sulpot ka! Kung may sakit ako sa puso, namatay na ako! '' sigaw ko sa kanya, pero tama lang. Lagi sumusulpot. Actually, ngayon lang ulit ko siya nakita. 


'' Is it time for my punishment? '' Napahilamos ako sa mukha. '' No, Verlia. Hindi ko hilig ang parusahin ang mga zodiacs ko. Why are you here, anyway? '' 


'' Nothing, princess. Bye. ''  Napasapok ako sa noo ko, minsan naguguluhan ako kay Verlia. Jusko, tatanda ako ng wala sa oras.


'' KYAAAAAAAAAAAAHHHHHHH! '' Napalingon ako sa sumigaw sa likod ko, nagtatakbuhan sila, habang tinuturo ang portal. Napalaki ang mata ko nang may nakita akong lumalabas sa malaking portal. Kulay berdeng na paa. Mas lalo lumaki ang mata ko nang nakita ko ay isang dragon.


No way.


Nick Aval Point of View


Dragon na naman?! At sinuswerte nga naman ako, ako ang malapit sa bababaan niya. Time for my fight.


Hindi ko na hahayaan mangyari ulit ang nangyari nung last na laban namin sa mga dragon. Sisiguraduhin kong hindi na magagawa ulit ni Eria ang bagay na ginawa nya nun. 


Third Point of View


'Malapit nang makababa ang dragon. Hindi na makapagintay ang dalaga na si Nick na kalabanin ito. Kaya nag transform agad siya ng Heavenly sword suit niya at lumipad papunta sa likod ng dragon at tinira ito ng tuloy tuloy.


Pumunta ang iba kung asan nakikipaglaban ang dalaga. Nagulat sila dahil may nakita silang Iron Dragon na kapangyirahan na lumalaban sa dragon. 


'' Who's that?! ''  sigaw na tanong ni Lia habang nilalabas ang ibang Warriors niya.  '' It's Gelo! '' sabi ni Mike. 


Hindi nila alam na ganito rin pala kalakas ang binata na si Gelo. Mas ikinagulat nila ng nakita nila si Cryelle. Ang alam nila patay na ito. 


'' Bakit andito siya?! '' galit na galit na sigaw ni Brielle. Nilabas na niya ang stick niya na kayang mag-control ng lahat.

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon