Chapter 55

3.8K 116 2
                                    


Third Point of View


Gabing-gabi. Tahimik na natutulog ang mga nakatira sa Celestial Space Palace at nag-aaral sa Light Divine Academy. 


Samantalang, gising ang mga kawal, para magbantay sa paligid.


Dalawang linggo makalipas, simula nung nagkausap ang dalawang dalaga na sina Eria at Veia. Tahimik na nagbabantay ang mga kawal sa paligid, nang may naramdaman silang kakaiba sa paligid. Akala nila isa lang lindol. Pero nagulat sila ng may isang malaking portal sa itaas ng buong bayan. 


'' Warningan niyo na ang mga naninirahan at ang mga nag-aaral sa Light Divine Academy! '' sigaw ng isa sa mga kawal.


Ang dalawang kawal ay nagmadali pumunta sa mga Royals na kasulukuyang natutulog ng payapa ngayon.


Kumatok sila sa kwarto ng bata na si Wendy, dahil ang kwarto nito ang una nilang nakita. '' Prinsesa Wendy! Prinsesa! '' 


Wendy Point of View


'' Prinsesa Wendy! Prinsesa! ''  nagising ako ng narinig ko may tumawag sa akin. 


'' Wendy, gising! '' napabangon ako dahil inaalog-alog ako ni Cayl at tinuro yung pinto. Tumayo ako at pumunta sa pinto para buksan ito.


Nagulat ako sa dalawang kawal. ''  Bakit po? Gabing-gabi pa po e. '' sabi ko sa kanilang dalawa. Pero nakita ko at naramdaman ko na kinakabahan at natatakot sila. 


'' Prinsesa, may malaking portal sa itaas ng buong bayan. '' Tinignan ko ito at nabahala agad ako. '' Sige po, ilagay niyo sa ligtas na lugar ang mga civil. Sasabihan ko na ang ibang Royals. ''  Tumango silang dalawa.


'' Cayl, mag-ayos ka na. '' Ginamit ko ang kapangyarihan ko para makapagayos at tumakbo na kami ni Cayl sa kwarto ng ibang Royals.


Pumasok ako sa kwarto ni Kuya Jake. '' Cayl, gisingin mo sila Eria, Nick, Brielle at Alvin. Kami na bahala sa iba. Tumango ito at lumipad na ng mabilis para magising agad.


'' Kuya Jake, gumising ka! Kailangan tayo ng bayan! '' sigaw ko dito. Binuksan ko ang pinto na konektado sa kwarto ni Ate Ilene.


'' Ate Ilene, gumising ka! '' sigaw ko din dito. 


'' GUMISING NA KAYO DAHIL MAY MALAKING PORTAL SA ITAAS NG BAYAN! '' napabangon agad silang dalawa.


'' Ano?! '' Nagmadalai silang nag-ayos at ginising ang iba. At sabay sabay na kami pumunta sa bayan.


'' Bakit may malaking portal dito? '' tanong ni Kuya Ero. 


Itatabi ko muna ang pagtatampo ko kay Kuya Ero, '' Ewan ko. Inutusan ko na ang mga kawal na ilagay sa mga ligtas na lugar ang mga civil. '' sabi ko sa kanilang lahat./


Pagkadating namin sa bayan, ang laki ng portal. Pero nakaramdam ako ng malakas na enerhiya. Lumipad ako at naglagay ng shield sa sarili ko. 


'' Wendy, wag ka na pumunta dun. Delikado! ''  sabi ni Cayl. Sumunod na lang ako.


'' Mga kawal, bilisan niyo na ang paglikas kasama ang mga civil. May nilagay kami sa ilalim ng Light Divine Academy. Secret Passage iyon papunta sa ligtas na lugar. '' sabi ni Nick sa mga kawa;.


'' Maghiwalay hiwalay tayong lahat. ''  suggest ni Brielle sa lahat.


Tumango kami.


Sana maging maayos kayong lahat, Royals.


TBC

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon