Chapter 11

13K 356 9
                                    

Eria Daphne Warlock's Point of View

Pagkabalik namin sa Celestial Space Palace, as usual maraming nag-abang sa amin. Mga buhay Royals nga naman. Maraming nagtatanong din sa akin kung ano ang nangyari. Pwede pahupain niyo muna yung nangyari sa akin? Ang hirap ng pinagdaanan ko dun, sobra.

" Wendy, this is our home. Welcome to Celestial Space Palace. " sabi ko kay Wendy. Marami rin nagtataka kung sino ang batang babaeng kasama namin at bakit nan dito siya sa Celestial Space Palace.

" Wow! Cayl, tignan mo ang laki ng palasyo! " Manghang-mangha sabi ni Wendy kay Cayl. Si Cayl ay nakatingin siya sa palasyo din at kumikislap na ang mga mata nito.

" Eria, pinapatawag ka sa council. " sabi sa akin ni Nick. Ala? Bakit ako tinatawag? May ginawa ba ako? Ay jusko ka, Eria! Nawala ka nga e tas may gagawin?

" Magiging okay din ang lahat. " What? Ano ba ang ibig sabihin ni Ero. Mas lalo niya ako tinatakot sa mga sinasabi niya. Seryoso siya! Huhu!

" Eria.." Tawag sa akin ni Wendy. " Pwede ba kami sumama? "

Tinignan ko ang mga kaibigan at tumango sila. " Oo sige. Halika na, Wendy. "

--

" Waaah! Eria, teka kanina pa po ako nahihilo sa iyo e. Kanina ka pa palakad-lakad. " Sorry naman. Kinakabahan ateng niyo! Eh di ko kasi alam kung bakit ako tinatawag.

" Ehh! Sorry, Wendy! Kinakabahan ako. " Hinawakan niya ako at binigyan niya ako ng pangpakalma. Nung okay na, ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya. Nakoo! Balik na lang ako!

" Pumasok na daw kayo. " sabi nung mamang guard. Ay jusko. Ang sasama ng tingin nyo. Ay nako! Sumbong ko kayo kay Mama Bear!

Naglakad na kami papasok hanggang sa makapunta kami sa harap ng mga council. Eh pumalikod ako kay Wendy. Napabuntong hininga si Wendy. Waah! Nakakatakot sila. Yung mga mukha nila eh!

Kamukha nila yung sa lord of the rings. Yung nagsasabi ng 'My Precious'. Kuha na ako ng albularyo, umalis kayo sa katawan nila! Ay jusko!

" Eria. "

" Ay anak ng precious ! " bumalik ako sa katinuan ng dahil sa kanila. Nangugulat kasi sila e. Sumbong ko talaga kayo kay Mommy.

" Ehehe! Sorry po. Bakit po? " nag piece sign ako kasi kahiya eh.

" I just want to clarify some things. May naririnig ako na isa ka daw na Celestial Wizard. Pero may mga nagsasabi na isa kang Celestial something. "

" Mawalang galang lang po, Mr. Council. May gusto po ba kayong ipahiwatik? "
tumawa siya,

" Yes, I already knew that you're looking for the Celestial Princess. Kasi kapag nalaman ko na nan dito ang prinsesa di ko hahayaan na may makaalam na buhay siya. " wait what? At bakit ganun ang gusto nila sa mahal na prinsesa.

" Anong karapatan niyo at kailangan niyong gawin iyon sa Prinsesa? " sabi ni Cayl. Sinabihan na agad ni Wendy si Cayl na wag magsalita. Kaso di rin siguro naiwasan.

" Ikaw na pusa ka. Ngayon lang kita nakita dito ha? At sino ka naman para tanungin ako ng ganiyan? " tanong nito kay Cayl. Sinabihan ko si Wendy na sabihin kay Cayl na wag na magsalita. Alam kong naririnig ni Cayl iyon pero hindi ko alam parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi.

" Cayl, tama na. Wag ka na sasalita. " binulungan ko siya. Tumingin siya sa akin at binalik ang tingin sa council. Haru jusko! Anong klaseng alaga ito?

" Yes, I'm Cayl and she's Wendaline short for Wendy. Oo, tama ka. Ngayon mo lang kami nakita. Pero ako nakita na kita nun, hindi ko alam kung kelan pero nakita kita. If you don't mind bakit ayaw niyong malaman ng lahat na buhay ang prinsesa? Hindi ba mas matutuwa pa ang lahat dahil may mag totrono sa palasyo at tutulungan tayo? " Tama naman si Cayl. Ang weird dun kasi hindi ko na rin nakikita ang babaeng maganda sa panaginip. Hayst.

" Hmmm. As you can see, Cayl, right? " Cayl nodded. " Wala rin magagawa ang prinsesa. Dahil wala na ang kaniyang magulang. Sa tingin mo makakaya niyang gawin ang napaka lakas na spell para maging ligtas ang buo Celestial Space? Hindi rin. Kasi mag-isa na lang siya. " napatigil ako dun ah.

Magsasalita na sana ule si Cayl, nang sumingit ako. " Excuse me, Mr. Council? Bakit ganun? Parang ang ipinapakita niyo ay iba. Hindi kayo naniniwala sa kakayahan ng prinsesa? " Napatigil siya. Hindi siya makasagot sa sinabi ko. Kaya pinalabas niya na lang kami.

" Cayl, are you okay? " nag-aalalang tanong ni Wendy kay Cayl. Parang balisa siya nung nakita niya ako.

" Okay lang ako, Wendy. Ngayon makakasigurado ako na magiging safe na tayo, pati ikaw Eria. " Ngumiti siya sa akin, ngumiti din ako pabalik sa kanya.

Hay sana nga.

Ero Aden Hugo Point of View

" Ano kayang nangyari sa loob ng council? Bakit pinatawag si Eria? " Tanong sa sarili ni Nick. Maski ako wala din maisip kasi nananahimik lang din siya, nararamdaman ko na na-trauma si Eria dahil sa mga nangyari ngayon.

Kailangan kasi talaga mahanap namin yung Celestial Princess, siya lang ang makakatulong sa amin.

Sabi sa propesiya, kapag nahanap ang nawawalang Celestial Princess. Kailangan makuha ng prinsesa o makompleto nito ang mga zodiac. At kailangan makuha niya ang powers at spells, pero kailangan niya din mahanap ang espada ng kaniyang ama. Ang ama niya ay isang prinsepe na sobrang galing sa pakikipagdigma. Pero hindi niya mahahanap ang mga sword without the help of zodiac of her parents. Kapag nakompleto ito, itutusok ng prinses ang espada sa lupa and together with her zodiac kailangan kompleto ito tatayo sa likod niya na paikot at dun icacast ang celestial secret special spell, kasama nito ang paglabas ng dalawang guardians. Sa tulong ng Dalawang malalakas na guardians, at mga Zodiac. Sila ang maglalagay ng napakalakas na harang sa buong Celestial Space Palace. Kahit isang halimaw o mga kampon ng dilim ay di makakapasok.

" Ero! " kailangan talaga mahanap namin iyon.

" Isa pa, Ero! Makakatikim ka ng isang suntok! Bwisit na apoy! " sigaw ni Iven. Sinimangutan ko siya, palibhasa torpe. Tch!

" Ero, okay ka lang ba? " Tanong ni Lia. I nod as an answer. Nagaalala ako kay Eria. Pero may isang pumasok sa isip ko.

' Baka si Eria ang nawawalang Celestial Princess? Wala pang nakalagay dun sa libro ang pangalan dahil hindi pa namin alam. Pero paano kapag siya? Mas proweba ang mangyayari sa kaniya! No, hindi naman noh? Normal lang sa isang celestial wizards ang magkaroon ng isang guardian. '

" Ayun na sila Eria oh! " sabi ni Alvin. Kaya napatayo ako at tumakbo papunta sa kaniya at chineck.

" Are you okay? May ginawa ba sila sayo? May masakit ba? Sabihin mo! " Nagulat siya nung una pero tumawa din. Bakit?

" Nakakatawa ka, Ero! Pfft. Okay ako. Ah eh kinamusta lang ako at nakipag friends kina Wendy at Cayl. Diba? "

" Ah oo, Ero. Hehehe " weird pero okay lang basta okay silang lahat and also Eria

" Master!! "

" Anak ni Master! Meira, at Miran! Sabi nang wag ako gugulatin at hayst. Miss ko kayo! " Yayakapin na sana din nila Meira at Miran si Eria ng napa wait si Eria para mag ayos ng sapatos kaya yung papunta sila kay Eria dumeretso sila sa pader. " Do-- eh? Pfft! " tumawa si Eria,

" Miran, pinagtatawanan tayo ni Master. Nakakahiya! Namumula ba ilong ko? Ohmy! Namumula nga. Sayo din kaso pisngi yung left. Huhuhu! " itong si Eria tawa ng tawa hawak na nga ang tiyan sa sobrang tawa at lumuluha na rin. Kami rin ang natatawa na rin sa mga mukha ng fairies ni Eria. Lumabas na din si Aqua at Ice at tumawa na din.

---

Kung di po maayos yung pagkakatype pasensya na po. Naka iPad lang po ako. -Author

Happy New Year sa lahat! 👏🏻😘

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon