Chapter 83

1.5K 31 0
                                        



Eria


                   " Nick, ano ba nangyayari?! " sigaw ni Ero kay Nick, ilang araw ang nakalipas simula nung nangyari yung kina Veia at Iven. Bigla na lang may lumabas sa propesiya, bigla daw ito lumiwanag.


Ang kinagagalit din ni Ero, hindi 'man lang nagsalita o nagbanggit sa amin si Nick ng kung ano ano. Kahit na siya ang mag-take ng posisyon na mag-head sa amin. Basta lang sabihin sa amin, sa akin lalo na bilang prinsesa.


I get his point, pero mas mabuti na ring hindi malaman ang mangyayari. Dahil pwede rin mabago iyon.


At nararamdaman ko ang presensya ng propesiya, alam kong malapit na.



Hinawakan ko balikat ni Ero, " Ero, calm down. It's okay, calm down, love. " sabi ko sa kanya. Dahil lumalabas ang aura niya kanina na ngayon onti onti nang nawawala.


Ilang araw na rin wala kaming time ni Ero.


Inaamin din namin iyon, lalo na marami kaming sineseryoso. Minsan napapansin ko rin ang pagiging cold nito sa akin, pero hinahayaan ko na lang. Baka may problema. Pero habang tumatagal, mas lalo siya nagiging cold sa akin.


Uuwi siya sa dorm naming lahat, exhausted. Dadaanan niya lang ako, unlike before. I want to ask him kung may problema, pero dinadala din ako ng takot.



" Mike, hindi ka na kasi nakakatuwa! "


Napalingon kaming lahat kina Lia na kakapasok lang din dito sa dorm. " Mas lalo ako hindi natutuwa sa iyo, Lia! "


" Hah! Ikaw pa, ikaw na nga nanisi na ako ang nanakit sa babae mo. Bakit ako lang ba may kapangyarihan na ganun? Makabintang ka sa akin! " nakikita ko na ang ugat ni Lia sa leeg niya na halos maputol na sa sigaw niya.


" Eh ikaw lang naman daw ang dumaan don! " sigaw ni Mike sa kanya. Napahilamos naman sa mukha si Lia, " My gosh, Mike! Kadadaan ko nga lang dun, ilang beses ko ba dapat sabihin sayo iyon ah? "


" Hindi ako naniniwala sayo. " nakita ko ang pagkatigil ni Lia sa sinabi ni Mike. Nakita ko ang mga luha niya, " Bakit sino ba nagsabi na maniwala ka? Kanina pa nga tayo nagsisigawan e, hindi ka nga naniwala sabawat salita na sinabi ko. How dare you! " sabay takbo nito sa labas at lumipad. Nakita ko ang green eyes nito na may halong lungkot.


Nakita ko naman ang mata ni Mike, guilt. " Mike, what happened? " tanong ko ng mahinahon.


Umiling lang ito, " Nothing, Eria. Magpapahangin muna ako, prinsesa. " napatango na lang ako.


Napapansin ko din na isa-isa nang nag-aaway ang buong Royals. Maski sina Jake at Ilene nag-away na rin, Brielle and Alvin, at si Nick.


Nagtataka na rin si Wendy, kung ano ang nangyayari. Natatakot din ako, baka ang susunod ay kami ni Ero.


Hindi ko rin kakayanin na mawala si Ero sa akin. Hindi ko na hahayaan na mangyari yung nangyari noon sa amin. Hindi na. Nangako siya.


-----


" Eria-san! " sigaw sa akin ni Wendy pagkapasok niya sa dorm, nakaupo lang ako maghapon. Gabi na at hinihintay ko si Ero.


" Wendy, gabi na, bakit gising ka pa ? Saan ma ba nagpunta, huh? Ngayon ka lang umuwi. " napakamot siya ng batok.


" Ate, pasensya na po. Nakatulog po ako dun sa may dati kong kwarto. Kaya ngayon lang po nakauwi. " Tumango naman ako.


" Sige, pahinga ka na dun. Hinihintay ko pa si Ero, e. "


Napakunot naman ang noo niya, " Huh? Wala pa si Kuya Ero? Nakita ko siya kanina dun sa field nakaupo mag-isa. "


Bakit nan dun siya, may problema ba?


Bigla ako nakaramdam ng kaba, halos hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko e. Eria, calm down. Wala lang iyan. Malamig lang, kaya ganon.


Agad ko kinuha ang jacket ko, dahil hindi pa ako nakakapagbihis na pang ibaba ko. In short naka training clothes pa ako, and malamig pa pag gabi. I'm so stupid.


Agad ako tumakbo papunta sa field. Hindi pa ako nakakalapit, nakita ko na siya agad paalis na ng field. " Ero, wait! " agad naman siya tumigil at napalingon sa akin.


Napatigil naman ako ng makita ko ang mga mata niya, kulay red ang isa, at yung kabila naman ay itim pero pula ang nasa gitna. " E-ero..."


" Please, lumayo ka muna. " pero hindi ako nakinig, lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. " Ero, please, calm down. '' Nanginginig kong sabi sa kanya.


'' Lumayo ka sabi e! '' Napaupo ako bigla sa sahig, nang bigla niya akong tulakin.


'' E-eria, I-I'm sorry. ''


Tumayo ako at tinignan siya ng maigi. '' Ilang araw ka nang umiiwas, ilang araw na tayong hindi nag-uusap ng maayos, Ero. Iniintindi ko, hinahayaan ko, dahil mahal kita. "


Nanginginig ako tumingin sa kanya, habang siya pinipilit na hawakan ako, pero ako yung mismong lumalayo sa kanya. " E-ero, kung may problema ka, susubukan ko naman na tulungan ka e. Hindi yung ganito! " napahilamos ako sa mukha at pinilit na kumuha ng hangin.


" Nag-aalala din ako sa iyo, lalo na ngayon. Lalo na sa mata mo ngayon, ano ba nangyayari, Ero! " sigaw ko sa kanya ng sobrang lakas.


Agad siyang yumuko, at nakita ko ang pag-clenched ng fists niya. Nakita ko na nagpipigil siya, nakikita ko rin ibang kulay ng aura niya kaya mas lalo ako napaatras.


" Gusto mo malaman, Eria? "


Para akong kinabahan sa tono ng pananalita niya, kaya agad ako lumunok bago ko siya sagutin, " Oo, Ero. Gusto ko malaman. " hindi ko pinahalata na natatakot ako, kinakabahan ako.







" Eria, this is my destiny. As a dragon..... As a monster.... 













































Will you still accept me? "

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon