Chapter 61

3.8K 122 7
                                    


Ero Aden Point of View


'' hmmmmm.. '' agad kaming lumapit kay Eria na puno ng pag-aalala. Nagulat kami nang nahimatay siya, kasabay ng pagbagsak niya sa lupa at pagkawala ng Invisible Wall. Nakita ko na ang light aura niya. Nakita ko rin na iba na ang kulay ng buhok niya. But it still blonde. Yung pinaka light blonde.


Onti-onti niyang idinilat ang mata niya, '' Eria! Are you okay? Ano, may masakit ba sa iyo? Sabihin mo sa amin. Ano, tawagin niyo ang NURSE! NURSE! '' sabi ko sa kanya at sabay tawag ko ng nurse sa clinic.


Binatukan naman ako nila Iven at Jake. '' Alam mo, mas o.a ka pa mag-react kaysa sa bestfriend e. Bestfriend oh? I'm here. Lol! '' sabi sa akin ni Jake. 


'' Oy, apoy! Gusto mo ikaw ang i-pacheck namin ah? Gusto mo!?! '' sigaw sa akin ni Iven. Nag-peace sign na lang ako sa kanilang lahat.


Tumawa naman si Eria. Inalalayan naman siya ni Jake at Ilene umupo. '' Thank you. I'm okay, guys. '' nakangiti niyang sabi sa amin. Pero, nawala agad ang ngiting iyon.


'' Guys...... '' naiiyak niyang tawag sa amin.


Nakita ko na nanggigil siya or something. Naka-close yung mga fist niya. '' I... I need your... h-help. '' naiiyak niyang sabi sa amin.


Huminahon muna kami, kahit natataranta na talaga kaming lahat. Dahil hindi namin alam kung anong tulong ang kailangan ni Eria.


'' Ano iyon, Eria? '' tanong sa kanya ni Veia.


'' Remember, yung lahat tayo nakausap ang mga dyos at dyosa. Sa akin, nakausap ko ang mga magulang ko. They asking for a help. Kahit, alam kong may kapangyarihan na ibinigay sa akin ang mga magulang ko. Hindi parin sapat iyon, para mailigtas ko sila. '' 


Nagkatinginan kaming lahat.


'' BUHAY ANG REYNA AT HARI?! '' tanong namin sa kanya. Tumango siya. ''  My parents are still alive. Pero, hawak sila ng Dark King. At nan doon din ang ibang mamamayan ng Celestial Space Palace. Please, help me. '' 


'' Tutulungan ka namin. Para sa lahat! '' 


'' PARA SA LAHAT! '' sigaw naming lahat.


'' Thank you.. ''  naiiyak na sabi sa amin ni Eria.


Ally Veia Point of View


Hindi ako makapaniwala na buhay pa ang hari't reyna. At first, alam naming patay na sila. 


Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko, si Iven. Nan dito ako sa may malapit sa batis. Iniwan muna namin sila Eria at Ero, kasama sila Jake at Ilene. 


Wwhhhhhy?! Yung heart ko nag TUG. TUG. TUG. TUG. Waaah! Ang init ng paligid ko, ang init ang init! 


'' Uy, okay ka lang? '' tanong niya sa akin. Tumayo muna ako at dumeretso sa batis sa harap ko at nagbasa ng mukha. At last, lumamig din. 


'' Hey, are you okay? '' sabay hawak niya sa kamay ko. Umiinit na naman! Nagbasa uli ako. 


'' A-aah. O-oo okay lang ako. Hehe. '' sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako, bakit ganito ako? Parang hindi na ako nagiging comfortable. Nahihiya or something ako. Waah!


Aalis na sana ako, nang hinila niya ang kamay ko at tumama ako sa chest niya. Jusko ko po! Mommy, Daddy! Help help! 


Napahawak ako sa damit niya. Jusko po! '' Okay ka lang ba talaga? Bakit ka namumula? '' tanong niya sa akin.


Iven-sama, wag ka magpaka-inosente. Pag ako hindi nakapagpigil. Hahalikan kita, jusko kelan pa ako naging ganito.


Veia you need to wake up. Veia Veia Veia!


'' O-okay lang ako, I-Iven-sama. '' sabi ko sa kanya. 


O____O


Nagulat ako nang ngumiti siya. Siya parin ba ito? Please, wag niyo na lang po ako gisingin. Ibinabalik ko na po sinasabi ko kanina. Okay lang po ito sa akin. 


Hey baby! 


Just kidding!


Yumuko ako, kasi naramdaman ko na mas lalong umiinit ang paligid ko. Pinipilit ko kumawala, pero talaga ang lakas niya. 


Nagulat ako nang naramdaman ko na babagsak na kami sa batis.


'' IVEEEN-SAMAA! ''  Sigaw ko habang pabagsak kami. 


I'm wet now! Urgh. 


Pagka-ahon ko, nagulat ako kaharap ko agad si Iven at malapit ang mga mukha namin. Nakita ko na nakatingin lang siya sa akin at sa labi ko. Ako rin ay ganun.


Onti-onti niyang inilapit ang mukha niya, ako naman ay napapikit na.



And we kiss......like there's no tomorrow.



Iven Point of View


Hindi ako 'to. Pero, bakit ganito? Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko maintindihan. 


Bigla akong bumitaw at tumakbo palayo. Ano ba ang nangyayari sa akin. Ano ba ang nangyayari? Bakit ganito ako?


May feelings na ba ako kay Veia?!


Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon