Chapter 91

1.4K 25 0
                                    




Natutuwa talaga ako sa nagawa kong picture :3 . Akala mo talaga eh noh? Madaliang gawa lang para sa Chapter 91!! And nakapag-palit narin ako ng book cover, mwehehe.


Abangan niyo ang madilimang labanan sa gitna ng Kadiliman at ng Liwanag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Abangan niyo ang madilimang labanan sa gitna ng Kadiliman at ng Liwanag. Sino kaya ang mananalo? Sino ang matatalo?


Ang galing lang HAHAHA. Nakakatuwa :3


Basa na tayo, enjoy! Lovelots!


--


Jake's Point of View


'' Anong nawawala?! Paano makakatakas si Eria sa loob ng kwarto?! Iven naman! '' sigaw ko kay Iven. Aish!


'' Oy, Jake! Mag-hunos dili ka nga, mas matanda parin ako sa iyo, baka nakakalimutan mo. Bakit mo ba kasi kinukulong si Eria sa kwarto na iyon? ''


Napa-buntong-hininga naman ako, at pilit na kinakalma ang sarili ko, '' Pino-protektahan ko lang ang kaibigan ko. ''


'' Kanino? Kay Ero? Oo, alam ko kailangan natin siya protektahan ka Ero, pero hindi kaya saktan ni Ero si Eria! '' sigaw nito sa akin, pinipigilan siya nila Mike at Alvin na sugurin ako.


'' Pero, sinaktan na nga niya si Eria! '' napatawa naman ito sa akin, '' Kaibigan ka ba talaga namin, Jake? Alam natin na nawalan lang ng kontrol non si Ero, sinabi niya na lumayo na si Eria! ''


'' Guys, kumalma kayo! '' pumagitna si Ilene sa amin, at tumingin naman ito sa akin. '' Jake, stop! ''


'' Ibabalik ko sa inyo yung tanong, kaibigan ba talaga namin kayo? Kaysa tulungan niyo na lang kami na tulungan sila Ero at Eria, kayo pa ang nagiging sanhi ng gulo sa buhay nila. ''


'' Hinding-hindi sasaktan ni Ero si Eria, maliwanag ba? Hindi. Tapos ang usapan. Bakit? Nakita niyo kung paano pinaglaban ng dalawa ang pagmamahalan nila, mamatay man sila o hindi walang makakapantay ng pagmamahal na iyon. Hindi natin sila mapapaghiwalay, kamatayan lang ang magpapahiwalay sa dalawang iyon. Kaya tumigil na kayo! '' dugtong nito.


'' Let them, Ilene. '' napalingon naman kami kay Veia na nasa pinto at walang emosyon na naka-cross arms. '' Away bata iyan, kung ayaw nilang tumulong. Edi tayo ang mag-hanap. Halika na, bago mahuli ang lahat. ''


Lumabas na ang dalawa.


May mali ba talaga sa nagawa ko?


Someone's Point of View


'' Maghanda kayo.... parating na tayo. Tayo ang mag-hahari sa Celestial Space Palace!!!! ''


'' MABUHAY ANG KADILIMAN!!! ''


Eria's Point of View


Nagising ako nang naramdaman ko naman tumitingin sa akin. Pagkadilat ko, nakita ko si Ero na naka-tingin sa akin at nakangiti. '' Ito talaga, nakatingin ka na naman sa akin. '' sabi ko sa kanya.


'' Ang saya mo kasi tignan e. '' Napansin ko na nakatulog pala ako sa hita ni Ero. Naunanan ko yung hita niya. Dahil sa makulit ako, at ayaw ko kasi siya iwan, dito na ako natulog.


Ngumuso naman ako, '' Mamaya mag-sawa ka tignan ako niyan ah? ''


Tumawa naman ito, '' Hinding-hindi ako mag-sasawa na tignan ka. Masayang akong tinitignan ka, pero mas masaya sa bawat gising ko sa umaga ikaw ang katabi ko. ''


Pinalo ko naman siya, '' Aysos, nambola ka pa, Ero. '' kinikilig kasi ako.


'' Mag-aalmusal na, baka makita ka nila. ''


Ngumiti ako at umiling, '' Ayos lang, hindi ako aalis dito. ''


Nakita ko na medyo lumalapit ang mukha niya sa akin, pinikit ko lang ang mata ka, hanggang sa maramdaman ko ang dampi ng labi nya sa labi ko. Nagtagal iyon ng ilang segundo.


Napangiti naman ako, dahil kagabi hanggang ngayong umaga nakikita ko na bumabalik si Ero sa dati. Yung sungay niya lumiliit na rin. Yung kuko niya na mahaba naging normal na. Pero sa mata niya, hindi parin nawawala yung itim.

" Mahal na mahal kita, Eria. Kamatayan lang ang magpapahiwalay sa atin. "

Umiling ako, " Hindi, Ero. Kung mamamatay ka, mamamatay din ako. Dahil magkasama tayo hanggang huli at sa magiging panibagong buhay natin sa ibang mundo. "

I rest my forehead to him " Mas mahal kita. Sobrang mahal kita, Ero na halos piliin ko na ikaw kaysa sa iba. Mahal na mahal kita. "

" Mahal din kita.. "

Ngumiti ako...

" ERIA! "

Napalingon ako sa likod ko, at nakita ko sila Veia at Ilene kasama sila Mike, Lia, Brielle, at Alvin. At mas nakita ko na sumunod sa likod nila si Iven at Jake

Hinarangan ko si Ero.. " Wag kayo lalapit, hindi na ako papayag na ilayo niyo pa ako sa kanya. Hindi na! "

Lumapit si Jake..  Niyakap ko naman si Ero, " Eria... "

" Hindi, Jake! Umalis na kayo, hindi ako papayag. Hindi niyo ko mapapalayo kay Ero! Hinding-hindi! "


Nakita ko na napanganga sila lalo na naging normal na ng konti si Ero, at napaluha sa sitwasyon namin.


" Eria, kailangan lang naman kita protektahan... "



Mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Ero, " Protektahan? Naiintindihan ko dahil kaibigan kita, Jake! Pero kanino? Kay Ero? Hindi niya ako sasaktan, Jake! Kahit kelan. "

" At kung paghihiwalayin niyo kami. Mas pipiliin ko na patayin niyo na lang kami ng sabay. "

" Eria.. " tawag sa akin ni Ero.

Napayakap ako kay Ero ng sobrang higpit, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at napaiyak. Ang sakit, hindi ko maintindihan yung sakit. Basta ayaw ko malayo kay Ero.

" Please pakawalan niyo na siya... Please nakikiusap ako. " lumapit ako sa harap nila, kahit nasa kulungan pa kaming dalawa at lumuhod.

" Eria...hindi naman kailangn- "

" Please.... Kahit sa kwarto na ito, maging malaya man lang kami na magkasama. Tanggalin niyo na ang posas na to, ako ang bahala kay Ero. Kayo naman ang maniwala sa akin ngayon, hindi ako sasaktan ni Ero. "

Tumingin sila kay Ero, '" Guys, hindi ko siya sasaktan. Kung masaktan ko siya ulit, mas pipiliin ko na patayin ang sarili ko. "

Napabuntong hininga na lang sila at binuksan ang kulungan para tanggalin ang posas ni Ero. Napangiti naman ako, at niyakap siya ulit.


" I love you, Eria... "


" I love you too.. "

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon