******
Chapter 9Eria Daphne Point of View
Hinayaan ko na lang at kinalimutan ang naramdaman ko. Hay nako, guni-guni ko lang yun. Baka gutom ko lang yun, dahil hindi pa kami halos nakakakain ng umagahan.
Nagsimula ang malayong at matagal na lakaran, magsisimula kami paakyat ng Mount Revui, pupunta kami dito para kunin ang gem at mapuntahan agad namin ang susunod na destinasyon na kung saan mangyayari ang pinaka-huling naming misyon.
Magkakasama kaming lahat sa lakaran, nangunguna sa paglalakad si Nick. Pumwesto sa magkabilang gilid sila Lia, Mike, Brielle at Alvin. Pagkapwesto nila ay agad nag-summon si Lia ng 4 na malalaking tree warriors para magbantay sa harap at likod. Sa gitna naman ay ako. Sapagkat ako ang walang kapangyarihan, at mas mabilis ang reflexes ko. Sa tabi ko naman ay si Ero. At ang huli, Sa likod namin ni Ero ay sina Veia, Iven, Jake at Ilene.
Kahit ba naman dito, magkadikit parin kami ni Ero. Hindi na uso ang by partners!
Naka labin-limang minuto na kami sa paglalakad ay wala parin kami nararamdaman na kung anong pag-atake. Nakarating agad kami ng walang halong hirap sa tapat ng malaking bundok, ang Mount Revui.
" Mag-ingat kayo sa pag-akyat, maging alerto. Hindi natin alam baka may nag-iintay sa atin sa bundok. Maliwanag ba? " seryosong wika sa amin ni Nick habang hindi nakatingin.
Tumango kami, at seryoso nag-matyag sa paligid. Hindi lumipad ang iba, dahil mas madaling atakihin kami kapag nasa ibabaw kami. Ngayon ko lang naramdaman yung mga salitang adventure. Ang cool lang kaya.
" Nakakapagod naman ito. Tumigil muna tayo at kumain. Wala pa tayo halos kinakain. " reklamo at request ni Alvin sa lahat habang hawak ang tiyan niya.Tumango ang lahat at tumigil sa first stopover namin. Nag-summon si Lia ng iilan na warriors at naglagay naman ang iba ng matitibay na barriers.
Napaupo at bigla kong binagsak ang katawan ko sa sahig. Parang bigla ko naramdaman yung pagod sa buong katawan ko, naramdaman ko yung gutom. Parang may dragon na ata sa tiyan ko, duh sino naman hindi magugutom.
Inabutan nila kami ng tig tatlong tinapay at dalawang tubig. Hindi naman siguro kami diet diba? Charing lang.
Tahimik kaming lahat kumakain ng bigla akong nakarinig ng kaluskos, bigla ako tumayo at naglagay ng arrow sa bow ko. " Eria, bakit? " tanong sa akin ni Brielle na malapit sa akin.
Hindi ko siya sinagot, matalim ang mga mata ko na nakatingin sa paligid namin. Lumapit ako sa isang warrior, " Maging alerto kayo. " tumango ito sa akin.
Nakatingin lang sa akin ang mga Royals, halos inikot ikot ko ang paligid. May narinig talaga ako, hindi safe kapag lumabas ako sa barriers. " Sino ang nandyan? Lumabas ka! " pagkasabi ko na iyon, bigla ko ulit narinig ang malakas na kaluskos na ikinatayo ng buong Royals.
Tumingin ako sa likod ng isang malaking bato na may makakapal na damo sa likod na to. Nakita ng isang warrior ang tingin ko sa direksyon na iyon kaya lumapit ito sa bato.
Pumwesto ako at hinihintay ang paglabas ng nagtatago sa likod. Nang bigla ako napasigaw at napabitaw sa armas ko ng bigla may pusa na umilaw ang lumitaw at tumakbo papasok sa amin.
" Nakalabas din sa mundo na iyon! " Nilabas ko yung dagger ko at lumayo. Lumingon siya sa akin na para bang isa siyang cool na pusa, " Hii "
" Tao?! " bigla ko nabitawan ang dagger at tumakbo sa likod ni Ero. Si Garfield lang ang nagiisang pusa na cool! Blue cat?!
" Malamang tao kami. Eh ikaw ano tawag mo sa sarili mo? " pang-aaway ko dito. Sige lang, Eria. Magkunwari ka pang matapang. Isa kang tao, pusa lang yan. Isang dagan mo lang dyan, game over agad.
" Malamang hayop, duh? " pigilan niyo ko, itatapon ko ito pababa ng Mount Revui!
" Sino ka? " seryoso at masungit na tanong ni Ero sa kanya. Bigla siya naging maamong pusa.
" Ako si Hera, master! " master?
Tinaasan siya ng kilay ni Ero, " Hindi mo ko master. Ano kailangan mo? "
Lumapit siya sa harapan ni Ero, which is si Ero nga yung kinakapitan ko. Bale sa harapan ko. " Ang bawat Royal o may dugong-bughaw ay binibigyan ng isang guardian. Katulad ko, isa mo kong guardian. " masaya nitong paliwanag kay Ero.
" Stop wasting my time. " biglang umalis sa harapan niya si Ero. Sinundan naman ni Hera ito. Seryoso?
Natatawa ako dahil nakikita ko ang pagka-irita sa mukha ni Ero, kinukulit ni Hera ito. Pinapanood lang namin sila ng bigla umungol si Hera at may lumabas sa likod niya ng isang pares ng puti pakpak.
" Isa na akong ganap na Guardian ng Prince of Fire. " napatawa naman ako dahil biglang umirap si Ero.
He's so cute.
Ano ba ang sinasabi mo, Eria? Kulang pa ata yung tatlo tinapay sayo e. Tumayo ako at nagpahangin, bigla nag-init yung pisngi ko. Ano ba nangyayari sakin?

BINABASA MO ANG
Celestial Princess
Fantasy'' She will come and she will rule her own kingdom. And when the right time comes she will sacrifice her own life and will rise again this time more powerful than ever...." Start: October 14, 2015 End: October 02, 2017