Chapter 89

1.2K 28 0
                                        


Ero's Point of View


Ero.....


Nagising ako ng bigla kong narinig ang boses ni Eria sa kung saan... Tumingin ako sa bawat sulok kung saan ako kinulong, pero wala naman siya. Isa lang madilim na kwarto na kung saan mag-isa lang ako. Tila bang buwan na lang ang nag-sisilbing ilaw nito sa loob ng kwarto.


Bahagya kong naramdaman ang luha na lumabas sa mga mata ko. Nasasaktan ako. Dahil umabot pa sa puntong kaibigan pa naming dalawa ang hahadlang sa kung anong meron kaming dalawa nang dahil sa ganito ako. 


Ero..... Please....


I'm sorry, Eria. Dahil sa akin, nasasaktan ka din at nahihirapan. You really don't deserve a guy like me. Yung karapat-dapat sa iyo yung papasayahin ka, at hindi ka paiiyakin. I'm really really sorry, Eria. Mahal na mahal kita, pero hanggang dito na lang ba?


Ero, mahal na mahal kita....


Mas mahal na mahal kita, Eria. 


Naaalala ko pa nung una kang pumasok sa Celestial Space Palace, akala ko hindi kita magiging kaibigan dahil madalas tayo minsan mag-away. Ayaw ko sa ugali mo, and gan'on din ikaw sa akin. Nasaktan na rin kita noon, Eria. And I'm sorry for not being the most perfect guy sa buhay mo. 


Pero may masayang araw ang hinding-hindi ko makakalimutan, yung nililigtas kita sa biit ng kapahamakan, yung kung paano kita i-comfort kapag umiiyak ka, at ang araw kung saan sinagot mo ko ng matamis mong oo.


Kung.. Kung ito man ang araw na kung saan katapusan na ng relasyon na nating dalawa. Sana yung mga araw din na iyon... ay hindi mo rin makalimutan. Dahil iyon... iyon ang mga araw na gusto kong dalhin hanggang sa mamatay ako.


Yung babaeng hinahangad ko na makasama habang buhay, yung babaeng handa kong sabihin na siya ang aangkin ng apelido ko... at yung babaeng handa kong iligtas kahit buhay ko pa ang kapalit. Ikaw yun, Erianna Daphneya Warlock-Hudo... Ang saya marinig ng pangalan mo, lalo na kapag nan dun na ang apelido ko... Mrs. Hudo.


Isang propesiya ba ang magpapabago ng lahat? 


Miss na miss na kita, Eria. Gustong-gusto na kita yakapin, gusto ko bumawi sa mga araw na medyo iwas ako sa iyo. Dahil gusto ko na maging ligtas ka sa akin.


Eria.... mahal na mahal kita....



Ero.... Please don't give up on me.... Ero, I love you.....


Bigla akong nagising sa mga sinabi niyang iyon. Napangiti ako ng bahagya... Susuko? Hindi... Hindi ako susuko sa kung anong meron tayo ngayon.


'Kung sakali.. Kung sakali man lang na ito na talaga. Wag na wag mo iyon kakalimutan, Eria mahal ko...


Mahal na mahal kita.....


----

Forever and ever?


What do you think Guys? 

Malapit na ang pagtatapos ng Celestial Princess :( Mamimiss ko kayong lahat.


Sana suportahan niyo parin ang Celestial Princess at sa magiging panibagong yugto ng buhay nila.


And supportahan niyo rin po ang ibang story ko :) 


Maraming maraming salamat sa inyo. Readers bears ko <3 lovelotsss!

Celestial PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon